CHAPTER 36.8: Party (part 2)

11.3K 191 8
                                    

Vens’ POV

Andito na kaming lahat sa hotel. Kasama ko ngayon sina Spare. Hinihintay ko si Craise. Saan na ba yon? Ba’t ang tagal niya yatang dumating?

 

 

“Uhmm… Spare, alis muna ako sandali ha? Titingnan ko lang sa labas si Craise.” I said and he nodded. Tumayo ako at naglakad papunta sa main door. Luminga-linga pa ako dahil baka nasa loob na siya pero nahagip ng mata ko si Yunee kasama sina Mommy at Daddy.

They were talking at some guest and they were happy. Parehas pa kami ng suot at ayos, pinagkaiba lang, puti ang suot ko at cream ang kanya. Even the earings and bracelets. Kapag ba kambal, kailangan parehas lagi?

Buti nalang at makikita mo parin samin ang difference. She has white skin at hindi naman ako maitim. Tama lang ang kulay ko. Yung buhok niya, reddish at may pagkablack ng konti at straight. Yung buhok ko, brownish black at medyo curve at may bangs ako. Pagtinitigan mo kaming mabuti, I have mole in my left face bandang labi, pero siya, wala.

At kung hindi pa kayo makuntento, itaas niyo yung dress niya at panigurado, makakakita kayo ng peklat sa tiyan. Dahil yon sa kagagawan niyang pagsaksak sa sarili niya. At ako, tingnan niyo lang ang balikat ko at may makikita kayong peklat gawa ng pagkabaril ko. Ano pa bang gusto niyong malamang pagkakaiba namin?

Meron pa pala. Yunee… she the sweetest, kind, and the one who plays better and act different infront of everyone. In simple words, akala niyo lang pero hindi. Magaling siyang magpanggap. Me? Kung ano ako, yun ako. Bakit kailangan ko pang magpanggap kung alam kong wala naman akong dapat itago hindi ba?

 

Hindi ko nalang sila pinansin at dumiretso sa pinto pero halos mapako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko ng Makita ko ang mga pamilyar na mukha. Anong… anong ginagawa nila dito? They were about to turn their heads on my direction when someone pulled me from behind at hinila ako papunta sa sulok na medyo tago.

Tiningnan ko kung sinong humila sakin at nanlaki ang mga mata ko.

 

 

“Craise? San ka galing? Ba’t hindi kita nakitang pumasok?” Tanong ko sa kanya pero sumilip lang siya mula sa kinatatayuan namin. Nakisilip din ako.

 

“Anong ginagawa ng mga mokong na yan dito? Akala ko ba may pupuntahan silang dinner party?” Tanong ko ng nakakunot ang noo.

 

 

“Don’t you get it Vens? This was the dinner party they were talking about.” She said and we both looked at each other.

 

 

“Don’t tell me…”

WAR OF THE GEMINI (KathNiel) ✔Where stories live. Discover now