CHAPTER 30: Step by Step of Love (2 days courtship)

13.5K 221 10
                                    

 

Day 1…

-------

Vens’ POV

“Vens, may nagpapabigay sayo.” Sabi ni Geen sabay lapit sakin ng isang boquet of red roses.

 

 

“Wow… ang sweet naman ng nagpapabigay.” Sabi ni Mitch at nakangiti ng wagas.

 

 

“Sh*t! Sinong nagpapabigay niyan?” Tanong ni Craise sabay kuha ng bulaklak at inilayo sakin.

 

 

“Ha… ha… hachoooooo…” Bahing ko sabay takip ng ilong.

 

 

“Ay! Sorry! Nakalimutan ko allergic ka nga pala sa red roses.” Sabi ni Geen sabay kamot ng ulo.

 

 

“Si hachoo no hachoo bang nag hachooo papabigay niyan? Haachooooo.” Tanong ko at bahing nalang ako ng bahing. Lintek naman ng nagpapabigay niyan oh. Inatake tuloy ako ng allergy.

 

 

“Uh… ano kasi eh… pinapaabot lang sakin.”

 

 

“Sino nga?” Tanong ko sabay kamot ng ilong ko.

 

 

“Uhmmm… secret admirer mo daw.” Napahinto ako dahil sa sinabi niya at tiningnan ko siya.

 

 

“HAHAHAHAHAHA… Ibalik mo sa kanya yan ngayon din. Letcheng admirer yan. Hindi man lang alamin kung saan ako allergic at kung anong paborito ko. Bwiset!” Sabi ko sabay tayo at labas ng classroom. Pinagtitinginan lang ako ng mga kaklase namin.

 

 

Pake ko? Maganda ako eh. Napahinto ako ng makita ko sina Drache at yung lima pa niyang katropa at sina Spare sa gilid ng classroom. Tiningnan ko sila ng nakakunot ang noo.

“Anong hachooo ginagawa niyo hachoooo diyan?” Tanong ko sa kanila habang pinipigilan ang sarili kong bumahing.

 

“Uh… ano… nag-uusap. Tama. Di ba Spare?” Sabi ni Drache sabay tingin kay Spare.

 

“Uh… oo.” At ngumiti nalang ng alanganin si Spare. Hindi ko nalang sila pinansin.

WAR OF THE GEMINI (KathNiel) ✔Where stories live. Discover now