CHAPTER 34: Tampuhan

13K 209 2
                                    

Vens’ POV

Maaga akong pumasok ngayon at kasama ko si Craise. I started yawning as we walked at the corridor.

 

 

“Napuyat ka ba?” Tanong niya.

 

“Yeah… Bwisit kasi yung boyfriend ‘ko’. I start waiting for his call or text na lagi niya namang ginagawa pero wala akong natanggap buong magdamag.” I said and furrowed my brows.

 

 

“Haha… baka naman nakalimutan niya lang?”

 

 

“Nakalimutan? Sabi niya, pupuntahan niya lang daw si Kuya Neil sa condo niya at pagpauwi na siya, tatawagan niya ako. Tinawagan ko si Kuya Neil at nakaalis na raw si Drache. G*gong yon! Nag-alala ako ng sobra. Kung hindi ko pa kinulit si JC, hindi ko malalaman na nakauwi na pala siya at mahimbing daw na natutulog. Nakakaasar siya. Pinaghintay niya ako at pinaasa. Bahala siya. Hindi ko siya kakausapin.” Sabi ko at natawa nalang si Craise.

Pagdating namin sa room, nakita ko silang lahat. Ang aga rin pala nila. Napatingin ako sa kanya pero inisnab ko lang siya at dirediretsong naupo sa upuan ko.

 

“Good morning---”

 

 

“What’s good in the morning kung mukha mo ang sasalubong sa akin?!” Asar kong tanong kay Lester. Napatingin naman lahat at tinaasan ko lang sila ng kilay.

 

“Anong tinitingin-tingin niyo? Gusto niyong dukutin ko yang mga mata niyo?” Pananakot ko sa kanila kaya umiwas lahat sila ng tingin.

 

 

“Ang sama yata ng gising mo Vens dahil ba sa natalo kita sa dota kagabi?” Tanong sakin ni Spare.

 

 

“Tsamba lang yung pagkakapanalo mo. At hindi pa ako natutulog Spare kaya malamang, kahapon pa ako gising. Maganda naman ang gising ko kahapon, hindi lang maganda ang kinahinatnan ngayon.” Sabi ko sabay tayo at lumabas ng classroom.

Ang sakit ng mga mata ko. Kayo kayang wag matulog ng isang araw, hindi sasakit ang mga mata niyo? Peste! Ang laki na ng eyesbags ko at halos bumigay na ang talukap ng mga mata ko.

Dumiretso ako sa canteen at bumili ng dalawang chuckie. Ininom ko yon hanggang maubos at naisipan kong pumunta sa clinic. Matutulog muna ako.

Naglalakad na ako papuntang clinic nang bigla kong maramdaman na nanginging ang mga paa ko at nanghihina ako. Letche! Sino bang hindi magkakaganito kung hindi ka na nga kumain, hindi ka pa natulog? Napahawak tuloy ako sa noo ko at pinilit na maglakad.

WAR OF THE GEMINI (KathNiel) ✔Where stories live. Discover now