CHAPTER 37.8: Heart aches

13K 183 1
                                    

Vens’ POV

Umuwi na kami ng bahay. Bago pa pumasok si Dad ay pinigilan ko na siya.

“Dad, I need to tell something.” Tiningnan ko si Yunee at ang sama ng tingin niya sakin.

“What?”

“Dad, I’m---”

“My sister does have a boyfriend Dad. Nga pala, Daddy, pwede po ba akong makipagkita sa fiancé ko bukas? I need to talk to him about sa nalalapit naming wedding. Atsaka para magkakilalalanan narin kami.” She cut me off and even told that she’s… Parang gusto kong sunggaban si Yunee at sabunutan siya at saksakin siya. Nanginginig ang mga laman ko. Parang makakapatay ako ng tao sa anumang oras.

“Daddy, may sasabihin pa akong iba.”

“Venisse, kung ano man yan, ipagpabukas mo nalang yan. May importante pa akong aasikasuhin.”

“But---”

“No buts Miley Venisse.” He glared at me. Those cold eyes… Umalis na siya at iniwan kami. Nagkatinginan kami ni Yunee. Nanggigigil na talaga ako. Nilapitan ko siya at agad sinabunutan.

“AHHH! VENEE! ANO BA?!” Hawak ko ang buhok niya at hawak niya rin yon.

“How dare you Yunee? Sinasadya mo ang lahat!” Pinanggigigilan ko na talaga siya. Tototohanin ko na ang pagiging masamang kapatid sa kanya. Pinigilan kami ni Mommy pero di ko sinasadyang maging mapwersa kaya naitulak ko si Mommy.

“Mom!” Napabitaw ako kay Yunee at agad niyang nilapitan si Mommy.

“What happened here?” Galit na tanong ni Daddy. I was just… looking to Mom. I hurt my Mom…

“Dad, its Venee. She grabs my hair and pushed Mom hard that she fall.” Tiningnan ko si Mommy at tiningnan ko si Daddy. Bigla nalang akong nakatanggap ng malakas na sampal. Umeecho sa tenga ko lahat ng pangyayari at bumabalik yung mga masasamang alaala ng pagkabata ko. Napaupo akong hawak ang pisngi kong namamantal sa sakit. I was just looking at Mom. Dad speaks but I can’t hear him. Napatakip ako sa tenga ko’t napapikit.

“No… No… NOOOOO!!” I screamed and trembles. Nabibingi ako. Bigla ko nalang nakita si Yaya at agad niya akong niyakap at niyakap ko siya pabalik.

WAR OF THE GEMINI (KathNiel) ✔Where stories live. Discover now