CHAPTER 26.8: I think I'm falling for her...

13.3K 220 10
                                    

Seth’s POV

We’re still here at the hospital. It’s been 1 week and 5 days pero hindi parin nagigising si Venisse. Ang daming dugong nawala sa kanya. Nabaril kasi siya sa may bandang balikat.

[A/N: The part where Kim Nana was shot at City Hunter… Sa hindi nakakaalam, panoorin niyo nalang yun, maganda pramis. Hahaha…]

 

 

“Oy, Drache, hindi ka pa raw pwedeng bumangon sabi ng doctor.” Saway ko sa kanya pero nagpumilit siyang tumayo.

 

 

“Sabi yun ng doctor. Hindi naman yung doctor ang may-ari ng katawan ko. Mas alam ko kung okay ako o hindi.” He said as he walked towards Venisse’s bed.

Noong Tuesday lang nagising si Drache at medyo okay narin siya. Konting pahinga nalang ang kailangan. Bilib din ako sa lalaking ‘to eh. Nasaksak na at nabaril sa balikat pero matatag parin. Ang dami na ngang dugong nawala sa kanya pero eto’t buhay parin. Hirap talagang mamatay ng masamang damo. Hahaha.

 

“This won’t happen kung hindi dahil sakin.” Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

Ako lang kasi ang nagbabantay dito sa dalawa habang yung iba ay pumasok at yung iba naman ay kumain muna. Salit-salitan kasi kami sa pagbabantay. Inisang room nalang namin sila ni Venisse para hindi mahirap magbantay.

 

 

“Ano bang pinagsasabi mo? Hindi mo naman ginusto ang pangyayari di ba?” I said as I walk towards them.

 

 

Tiningnan ko si Venisse. Muntik ng mamatay ‘to ng ilang beses dahil laging nagbeebeep yung heart monitor niya. Pero pilit niya paring nilalabanan ang kamatayan. Totoo ngang kapag may kailangan ka pang gawin sa mundo, kahit si Kamatayan, lalabanan mo.

 

 

“Kung hindi ko sana sinabing hinihintay siya ni Craise doon sa abandoned building, hindi sana siya pupunta doon at hindi sana siya mapapahamak.” He said while holding Venisse hand.

 

 

“Tigilan mo na nga lang yan… Hindi mo naman ginusto di ba? Hindi rin naman natin alam na ganon ang mangyayari don.”

 

 

“But still, it’s my fault.”

 

 

“Alam mo, kung gising lang siya, kanina ka pa nasapak. Ang kulit mo eh.” Sabi ko ng natatawa.

WAR OF THE GEMINI (KathNiel) ✔Where stories live. Discover now