CHAPTER 3: She meets Him....THEM

30.7K 477 27
  • Dedicated to warFreakBOSS
                                    

Ven's POV

Magpapark na sana ako nang mapansin kong may nakapark na kotse sa right side ng reserved parking place ko.

Hindi naman ito kay Craise dahil nasa left side yung kanya. At nandito naman yung kotse niya. Kanino kaya ito? Ang gara ha? Black na Lamborghini Veneno.

Looks like my car has a rival. Hmmp! Ipapaban ko yung kotseng yan dito.

Naglalakad ako ngayon papunta sa locker ko nang...

BOOOOOOOOOGSSSSSHHHHHHHHHH...

"F*ck!! What the fudgeeee?!!" Sigaw ko sabay himas ng pwet ko. Ang sakit ha?!

"ANG LAWAK-LAWAK NG DAAN PARA BANGGAIN MO AKO!! YOU DULLARD!!" Pagpapatuloy ko habang pinupulot yung mga libro ko. Dinampot rin naman nung nakabangga sa akin yung bag ko. At pagtayo ko...

"Ouchh... Shit..." Pabulong kong sabi, pano kasi sobrang sakit parin nung pwet ko. Pag angat ko ng paningin para sana tingnan kung sino yung nakabangga sa akin...

Sh*t! Ang gwapo niya!

Pero hindi! Napakabastos ng g*go. Wala akong pakealam kahit si Adonis pa siya. Muntik na akong mapilayan dahil sa asungot na ito. Kukunin ko na sana yung bag ko sa kanya nang...

"Sa susunod kasi tumingin ka sa dinadaanan mo! Istorbo!" Sigaw niya sa akin, sabay bigay nung bag ko.

Natameme tuloy ako. How dare he talk to me like that? Wala pang kumakalaban sa akin. Wag lang mag krus muli ang landas namin dahil kung hindi, he'll taste my sweet revenge. *evil smile*

Buti nalang at walang mga students na nakakita sa pangyayari kanina.

Naglakad nalang ako papunta ng room and as usual... sinipa ko ulit yung door ng mas malakas. Badtrip ako dahil sa hinayupak na asungot na yon kaya idadamay ko lahat. Di naman ako ganon karamot para hindi ako mamahagi ng kabadtripan. Halos masira na nga eh. Bwisit kasing lalaki yun; sinira niya ang araw ko! Pumasok na ako at halatang gulat na gulat at takot na takot ang lahat. ABA! Dapat lang silang matakot!

Hindi ko na pinansin yung teacher namin. Wala ehh, speechless sa kagandahan ko!

Uupo na sana ako nang mapansin kong may four new students na nakaupo sa second to the last row. Bali nasa harap ng pwesto namin sila at may isang new student na nakaupo katabi ni Craise.

But what really caught my attention is that, someone is seated beside my chair.

"Hey, you!! Who gave you the rights to sit in there?!" Sigaw ko doon sa lalaking nakaupo. Hmmm... mukhang pamilyar sakin yung suot ng lalaking ito a? San ko nga ba nakita toh? Tumingin sa akin yung lalaki. Nanlaki yung mga mata ko sa nakita ko...

"IKAW NA NAMAN?!" Sabay naming sigaw't turo sa isa't isa. Napatingin tuloy lahat sa amin... pati narin yung teacher... Binigyan ko naman sila ng pamatay kong tingin.

"Ms. Javier and Mr. Lacson. Is there any problem in there?" Mahinahong tanong naman ng teacher namin. Takot mapatalsik to eh...HAHAHAHAHA

"He took my place Ms. Shin." Malumanay ko namang sabi. Wala, trip ko lang. Masama bang magbait-baitan?

"Anong I took your place?! Eh ayan yung lugar mo oh!!" Sigaw nitong asungot na nasa harapan ko sabay turo ng katabi niyang upuan.

"Who told you that, that's not my place rin?" Tanong ko sa kanya with matching cross arms and taas kilay.

"Siya!" Sabay turo niya kay Craise.

"Eh Vens, tinanong niya kasi ako kung walang nakaupo diyan eh, obvious naman di ba? Saka wala narin kasing bakanteng upuan kaya..." sabi naman ni Craise sabay peace sign.

WAR OF THE GEMINI (KathNiel) ✔Where stories live. Discover now