Chapter 16

13.2K 140 22
                                    

Chapter 16

Natalie’s POV

“Si Lyle po umalis na?” tanong ko kay Manang Rosa pagkababa ko, although siempre obvious naman na umalis na siya kasi ala-una na ng hapon.

“Kanina pa siya umalis ija,” umupo ako sa mesa para kumain. Late na rin ako sa usapan namin ni Ma, grabe talaga hindi ko alam kung bakit tinatanghali na ako ng gising netong mga nakaraan at lagi akong inaatake ng katamaran. Hindi kaya sakit na tong nararamdaman ko? Kasi pano ba naman, madalas akong makaramdam ng pagkahilo na nagiging dahilan para magsuka ako. Medyo kinakabahan na nga ako kasi halos araw-araw siyang nangyayari, baka may malala na pala akong sakit!

“O siya kumain ka na diyan, tumawag si Ma’am kanina at tinanong kung andito ka pa sabi ko hindi ka pa nagigising” sabi ni Manang habang naglalagay siya ng plato sa harapan ko “Oo nga po pero tumawag na ako sa kanya. Hehehehe” yun na lang ang nasabi ko at tsaka tinignan yung mga pagkain na nasa mesa. Argh, heto na naman isa pa to sa mga kakaiba kong nararamdaman eh, pag dating sa pagkain parang nagiging maarte ako which is not me, kelan ba ako naging mapili sa pagkain di ba? Bukod sa gulay. Di ko alam kung ano tong nararamdaman ko eh, pero parang may hinahanap ako na ewan. Argh! Nakakainis.

“May gusto ka na naman bang kainin ija na wala diyan?” tanong sa akin ni Manang, napatingin ako sa kanya at dahan-dahang tumango. Grabe ka Natalie, nag-aaksaya ka na ngayon ng pagkain.

“Uhm, ano po baka di na lang po ako kakain—“ natigilan ako bigla nung napadako yung tingin ko sa isang putahe na puro gulay. Bakit feeling ko parang masarap yun?

Teka? At kelan pa naging masarap ang gulay para sakin?! :O

“Uhm, ano po yun?” tanong ko sabay turo dun sa lalagyan na puro gulay ang laman. Napatingin si Manang doon sa tinuro ko “Ahhh, yun ba? Chopsuey yun” sabi niya sabay balik ng tingin sa akin. Yun pala yung chochurva na yun? Basta talaga pag puro gulay walang alam eh no?

“Ahhh, sige yun na lang po yung kakainin ko” sabi ko sabay ngiti kay Manang, tumango naman siya at kinuha iyon tapos nilagyan ako sa plato ko.

***

Andito na ako sa company nila Lyle, pero siyempre hindi ang asawa ko ang pakay ko kundi si Ma. Kailangan kong ifinalize yung mga gagawin ko para sa plano namin ni Dominic, kahit na tinatamad na ako at gustuhin ko na lang na tumambay sa bahay at mahiga sa kama habangbuhay ay hindi ko magawa kasi kailangan ko tong asikasuhin.

Nakasakay ako ngayon sa elevator papunta sa floor ng office ni Ma habang nag-aantay ako na makarating sa floor na yun ay nakaramdam na naman ako ng hilo, putek wag naman ngayon di ba?

“Bakit ang tagal?” tanong ko sa sarili ko. Tinignan ko na lang ulit yung phone ko at nagkalikot ng kung ano dun hanggang sa tumigil yung elevator at bumukas, napatingin ako dun at halos tumalbog palabas yung puso ko nung makita ko si Yneh roon. Nagkatinginan kami at tsaka siya humakbang papasok ng elevator at pinindot yung floor kung saan naroon yung office ni Lyle.

Fudge, bakit parang nasusuka ako? Naman!

“How are you?” halos mapatalon ako sa gulat nung nagsalita siya, napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa akin habang nakangiti.

“Uhm, okay lang ako” sagot ko. Bakit ang tagal pa nung elevator, gusto ko nang lumabas dito! Bukod sa feeling ko ay masusuka na naman ako ay ang awkward pa kasi andito si Yneh. Di pa rin kaya ako nakakaget-over sa picture na sinend sakin!  

“Good,” she said “Pupuntahan mo si Lyle?” tanong niya sakin. Hindi ko alam pero parang nagiging sarcastic yung loob-loob ko, pano ba naman siyempre kung si Lyle yung pakay ko dito edi yung pinindot ko na button ay yung last floor di ba?  

[MMME II] Journey To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon