CHAPTER 32

8.8K 109 35
                                    

Warning: Medyo SPG (slight lang naman. Haha!)

Comments please? :)





Kate


Isang linggo na kami ni Dylan dito sa Boracay. Hindi ba dapat masaya ako ngayon dahil magkasama pa rin kami? Parang biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Kahit na sabihin pang tourist destination ito at isa itong lugar kung saan nagbabakasyon ang mga tao, hindi ko pa rin alam kung bakasyon pa nga ba ang maitatawag sa ginagawa namin.


Pakiramdam ko kasi, isa na itong exile. Hindi ko na rin kasi alam kung masaya pa kami sa ganito lalo na't napipilitan lang kaming manatili dito dahil nga sa sinabi nila mommy at daddy.


Sinusubukan naman naming kalimutan na muna ang mga problema at pinipilit din naming maging masaya. Pero pakiramdam ko, pinipilit na lang din naming paniwalain ang mga sarili namin na masaya pa kami sa lugar na ito kahit sa totoo lang, nahihirapan na rin kaming pareho sa ganitong sitwasyon.


Noong una, masaya ako tuwing nakikita ko ang dagat. Pero ngayon, pakiramdam ko wala na akong kalayaan tuwing nakikita ko ang dagat. Lalo lang kasing pinapaalala nito sa amin na parang wala kaming kalayaan.


Nandito lang ako sa hotel room ko habang nakaupo sa kama at naglilipat-lipat ng channel sa tv. Sinusubukan ko lang libangin ang sarili ko habang nandito ako.


Kahit kasi internet, hindi rin namin puwedeng gamitin dahil mas madali daw kaming ma-track gamit iyon. Wala rin naman akong gustong channel. Kahit na ano kasi ang gawin ko, hindi ko rin naiiintindihan ang pinapanood ko. Mas iniisip ko pa kasi ang problema.


"Kate?"


Pagtingin ko, nasa tabi ko na pala si Dylan. Hindi ko man lang siya napansin o narinig na pumasok. Masyado yatang malalim ang iniisip ko kanina.


"Hi. Kanina ka pa ba diyan? Sorry" sabi ko sabay patay ng tv.


"Kararating ko lang. Nagpa-room service na lang ako. Sabi mo kasi, ayaw mo munang bumaba para kumain" sabi naman niya.


"Okay" matipid ko namang sagot.


Ilang sandali lang, narinig naming may kumatok sa pinto. Tumayo si Dylan para tignan kung sino iyon. Pagkatapos niyon, binuksan niya ang pinto at ipinasok naman ng isang empleyado ng hotel nila ang mga pagkain.


"Sir Dylan, Ma'am Kate, ito na po 'yung food niyo" sabi niya sa amin habang nakangiti. "Thank you" sabi naman namin at lumabas na rin siya.


Kumain na rin naman kami ni Dylan. Pagkatapos kumain, nagkaroon ng sandaling katahimikan sa pagitan namin. Pagkatapos ng ilang segundo, naisipan na rin niyang magsalita.


"Iniisip mo na naman ba ang tungkol doon?" tanong niya sa akin. "I can't help it" sagot ko naman sa kanya.

They Meet Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now