CHAPTER 15

10.9K 162 37
                                    

A/N: Comments please? :)

#TMAWattpad





Kate


Malapit na malapit nang matapos ang academic year na ito pero hindi pa rin ako makapaniwala sa mga pagbabago sa mga ikinikilos ni Dylan. Nabawasan ang pang-aasar niya sa akin, masyado siyang nagpapaka-gentleman, at siya na ang bumibili ng pagkain at inumin ko.


Tuwing dumadating ako sa garden, magugulat na lang ako kasi nandoon siya at may dalang pagkain at inumin na para sa akin. Dahil din doon sa mga simpleng bagay na iyon, unti-unti na ring gumaan ang loob ko sa kanya.


Ibang-iba na siya sa dating buwisit na Dylan na nakilala ko. Iyon na nga rin siguro ang epekto sa kanya ng pagkakaroon ng mga kaibigan. Kung ganun man, ibig sabihin, tama talaga ang desisyon namin na tanggapin siya bilang kaibigan.


Sinabi na rin niya sa akin na alam niyang hindi ako nakakapag-lunch dahil na rin sa sunod-sunod kong subjects.


Siguro kabisado na rin niya ang schedule ng mga klase ko at na-realize niyang wala na rin akong magagawa dahil hindi ko na kakayanin pang pumunta sa canteen in between periods para lang bumili ng pagkain. Mahirap na talagang isingit ang lunch break sa schedule ko kaya kahit na gutom na ako, mas pinipili ko pa ring umattend ng mga klase ko.


Kapag gabi naman, tumatawag pa siya ng 10:00 pm para lang siguraduhing matutulog na ako. Madalas, kapag sinasabi ko sa kanyang hindi ako matutulog dahil gagawa ako ng requirements, hindi niya ibinababa ang tawag hangga't hindi ako natutulog.


Pinagbabantaan pa nga niya akong kakantahan daw niya ako ng "Twinkle twinkle little corn" kapag hindi pa ako natulog. Kung dati naiinis ako sa kantang iyon, ngayon naman tinatawanan ko na lang. Ewan ba. Nasasanay na nga yata talaga ako sa mga kalokohan niya.


Palagi niyang sinasabi sa aking matulog na lang ako nang maaga at gawin ko na lang din ang requirements ko ng madaling araw. Dahil sa pangungulit niya, wala na akong nagagawa kundi ang matulog nang maaga at gumising na lang din ng madaling araw para gumawa ng requirements at mag-review naman kapag may exam.


Sa totoo lang, malaking tulong din pala. Bukod kasi sa nakakatulog ako, mas gumagana pa ang utak ko kapag madaling araw at mas nagiging productive ako. Hindi reproductive kundi productive. Hindi ako katulad ni Dylan kung mag-isip.


Kung minsan nga, kinikilig din ako sa mga corny niyang hirit at pickup lines. Katulad na lang noong isang gabing tumawag siya sa akin. "Si Kate ka ba?" tanong niya sa akin. Alam kong pickup line iyon pero bumawi ako sa kanya. "Oo" pamimilosopo ko naman sa kanya. "Pickup line nga eh. Gusto mo bang kakanta na naman ako ng Twinkle twinkle little corn?!" sabi naman niya sa akin na may halong pagbabanta. "Bumawi lang ako! 'To naman. Oh sige. Bakit?" tanong ko naman. "Kasi, I dediKate this song to you."


At pagkasabi niya niyon, narinig ko na lang ang isang gitara sa kabilang linya at nagsimula na rin siyang kumanta ng acoustic version niya ng "Just The Way You Are" ni Bruno Mars. Pagkatapos niyon, nag-good night na siya at sinabi sa aking matulog na rin ako.


Nang natapos na 'yung call, hindi ko pa rin maalis ang ngiti ko. Iyon na yata ang isang bagay na hindi ko makakalimutan. Posible kayang... hindi siguro. Sa palagay ko, normal lang naman na makakaramdam ang isang tao ng ganun kapag nakarinig ng medyo cheesy na pickup line at lalo pa kapag may kasamang kanta.


Kahit na matagal ko nang napansin ang pagbabago na iyon, hindi ko na rin naman pinapansin o sinasabi sa kanya. Oo, nakaka-miss 'yung pag-aasaran namin pero parang mas gusto ko na rin yata ang ganito na nangungulit na lang siya kaysa nang-aasar. Masyado na rin kasi akong na-sstress sa mga pinapagawang final requirements ng professors ko sa bawat subject at mas lalo lang akong ma-sstress kung mang-aasar pa siya.


Inasahan ko namang mahirap talaga ang tertiary level pero hindi ko inasahan na kailangan ko talagang igapang ang lahat ng requirements.


Ang nakakapagtaka nga lang, hindi na gaanong mabigat ang requirements na ipinagawa sa amin ng professors namin noong mga nakaraang linggo. Kahit kaunti, naramdaman ko pa ring medyo gumaan ang mga ito at nabawasan na rin sila sa pagka-strikto.


Kumpleto ulit kami ngayon ng barkada sa garden. Kung madalas silang bored dati, ngayon naman busy kaming lahat sa paggawa ng requirements.


Sila Nico at Derick, imbes na naglalaro, nagta-type sila sa laptop nila ng papers na parte ng final requirements nila. Si Kerry at Lia naman, may ginagawa sa mga tablet nila pero siguradong para rin iyon sa final requirements nila.


Si Yannie, busy sa pagguhit ng mga design ng damit para sa plate niya sa fashion designing. Si Eloy, may isinusulat na notes. Si Dylan naman, nagbabasa ng notes. Ako, kumakain ng pagkain na binili ni Dylan habang nagbabasa ng libro at nagre-review para sa final exams.


Nang natapos na akong kumain at uminom, tumingin ulit ako sa kanila isa-isa. Parang nakakapanibago. Walang nagsasalita sa amin. Iba talaga ang nagagawa ng pressure na hatid ng finals. Lahat nagiging GC (grade-conscious).


Nang si Dylan naman ang tinignan ko, nagulat na lang ako dahil hindi ko inasahang titingin din siya sa akin. Dahil doon, iniwas ko kaagad ang paningin ko. Bakit ba bigla na lang akong kinabahan?


Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa ko pero pakiramdam ko nakatingin pa rin siya sa akin kaya naman napatingin ulit ako sa kanya. At tama nga ako. Nang nagtama naman ang paningin namin ulit, bigla na lang siyang ngumiti sa akin. 'Yung puso ko parang gusto nang kumawala sa dibdib ko. Ano ba naman ito?!


"H-Huwag ka ngang tumingin!" bulalas ko. Bigla naman siyang natawa. "Bakit? Wala naman akong ginagawang masama" sabi naman niya habang tumatawa pa rin. "Eh basta huwag ka na lang tumingin!" sabi ko naman ulit sa kanya at mas lalo lang siyang tumawa.


"Bakit nga?" pagtatanong niya habang tumatawa pa rin siya na parang mapang-asar. "Naiilang ako! Utang na loob!" sabi ko naman sa kanya habang nakayuko lang at nagpapanggap na nagbabasa ng libro.


"Dapat pala titigan kita palagi 'no? Ayan, nawala na nga 'yung putla mo, namumula ka pa. Hahaha" sabi naman niya ulit. Naku, sinasabi ko na nga ba eh!


"Oy, ano 'yan ha?" pang-aasar ni Derick sa amin. "Iba na talaga eh" sumunod namang pang-aasar ni Eloy. "Uuuuyyy! May namumuo!" pang-aasar din naman ni Nico. "Tigil nga, guys" sabi ko naman sa kanila.


Kinuha ko na lang ang libro ko at nilagay ito sa harap ng mukha ko hindi lang para matakpan ang namumula kong mukha kundi para makabalik na rin sa pagre-review.


"Oh siya, balik na sa pagre-review" sabi naman ni Lia sa kanila. Nang ibaba ko ng kaunti ang libro, naging abala na ulit ang lahat pero nakatingin pa rin si Dylan at tumatawa. Pero nang kumunot ang noo ko, bumalik na siya sa pagbabasa ng notes niya. Iyon nga lang, natatawa pa rin siya.






They Meet Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now