CHAPTER 33

8.4K 95 46
                                    

A/N: Comments please? :)





Kate


Pagkagising ko, naramdaman ko na kaagad ang pananakit ng katawan ko. Nang tumingin ako sa kaliwa, payapa siyang natutulog sa tabi ko. Tinignan ko ang ilalim ng kumot. Totoo nga. Nangyari nga iyon kagabi. Hindi pala iyon isang panaginip.


Lumapit ako sa kanya at hinaplos ang mukha niya. Pagkahalik ko sa kanya, bumangon na rin ako at pinulot ang mga damit kong nakakalat sa sahig.


Simula kagabi, nagbago ang pananaw ko. Nang nangyari ang kagabi, parang bigla na lang nagkaisa ang puso at utak ko sa isang bagay. Para bang pareho nila akong kinumbinsing gusto ko na dito at ayaw ko nang iwan ang lugar na ito kailanman.


Bakit pa nga ba? Eh nandito naman na ang lalaking mahal ko. Kaya kong mabuhay basta nandiyan siya. Handa na akong maging independent kasama siya.


Pagkatapos kong maligo at magbihis, bigla na lang tumunog ang telepono sa side table kaya naman agad ko itong itinaas para hindi na mag-ingay at nang hindi magising si Dylan sa mahimbing niyang tulog.


"Hello?" [Hello, Ma'am Kate? This is the reception area] sagot naman ng nasa kabilang linya.


"Yes? why?" tanong ko. [May bisita po kasi kayo. Gusto daw po kayong kausapin. Nasa staff room po siya] sabi naman ng receptionist.


"Sino?" tanong ko naman ulit. [Si Ma'am Carlene po].


Nang sinabi niya iyon, kamuntik kong mailaglag ang telepono. Mabuti na lang at nasalo ko ito nang natauhan ako.


"S-Sige. Pakisabi, pababa na ako" sabi ko at ibinaba ko na ang telepono.


Bakit kaya napabisita si Tita Carlene? Sa pagkakaalam ko, napag-usapan naman na nila ng parents ko ang tungkol dito. Ang alam ko rin, napagkasunduan nilang tsaka na lang nila kami kakausapin o pupuntahan kapag naayos na ang lahat.


Bakit parang iba ang pakiramdam ko? Bakit kinakabahan na naman ako ngayon? Teka, baka naman gusto lang niyang bisitahin si Dylan? Tama, Kate. 'Yan na lang ang isipin mo kaysa naman mag-isip ka na naman ng negative.


Pagdating ko sa tapat ng staff room, huminga muna ako nang malalim. Kahit anong gawin ko, ayaw pa ring magpapigil ng puso ko. Pagbukas ko ng pinto, pinilit kong ngumiti.


"Hi tita" bati ko kay Tita Carlene. Lumapit ako sa kanya at nagbeso pa kami.


"Hi Kate. How are you?" pangangamusta niya sa akin. "Okay lang po" sagot ko naman kahit sa loob-loob ko, hindi ko sigurado kung okay ba talaga ako


Umupo muna kami sa couch at hinawakan naman niya ang kamay ko.


"Kate, nakakakain ka pa ba? Pumapayat ka na" sabi naman niya sa akin habang halata ang pag-aalala sa mukha niya. "Nakakakain po kami ni Dylan, tita. Don't worry" ngumiti naman ako sa kanya.


"Kate, I need to tell you something" seryosong sabi ni tita. Dahil doon, kinabahan na naman ako. "Ano po 'yun?" tanong ko.


"Tumawag ako sandali kay Dylan noong isang araw para kamustahin kayo. I told him na sabihin sa akin lahat in all honesty. Sabi niya, sinusubukan niyong maging masaya. Pero sabi rin niya, pareho na kayong nahihirapan sa ganito" pagkukuwento ni Tita Carlene.


Tama naman si Dylan. Pareho naman talaga kaming nahihirapan. Pinakitaan ko na lang ng isang malungkot na ngiti si tita.


"Totoo naman po. May times talaga na nahihirapan kami. Pero naaayos din naman po basta nagtutulungan kami" sabi ko naman.


"Masaya ba kayo ngayon?" tanong ni tita na nakapagpaisip naman sa akin. "Opo naman" sagot ko sa kanya.


Marami rin namang mga oras na masaya kami. Bigla ko na lang naramdamang nag-init ang mukha ko nang sumagi na naman sa utak ko ang nangyari kagabi. Ang weird pero parang masaya akong nangyari iyon.


"Kate, are you okay?" bigla na lang akong natauhan nang kinapa ni Tita Carlene ang leeg ko at ang noo ko. "O-Opo, tita" nauutal kong sagot.


"Thank God. You were turning red a moment ago. Akala ko nilalagnat ka na" sabi naman ni tita. "Naku, hindi po" sabi ko naman habang medyo nahihiya pa dahil sa nakita ni tita na itsura ko.


"Kate, didiretsohin ko na. Kumbinsihin mo si Dylan. Please go home" sabi ni tita na ikinagulat ko naman.


"Pero tita, sabi po ng p-parents ko..." "I know what they said" pagputol ni Tita Carlene sa sinabi ko.


Dahil doon, napatahimik naman ako. Hinintay ko na lang ang kasunod ng sinasabi niya.


"And I know what I said, Kate. Pero nahihirapan din ako lalo na't nalaman kong hindi kayo comfortable sa ganitong sitwasyon" pagpapatuloy ni Tita Carlene.


"Tita, kaya pa naman po naming magtagal ni Dylan dito eh. Kaya pa po naming maghintay habang hindi pa naaayos 'yung problema" pagkumbinse ko kay tita.


Umaasa pa rin akong hahayaan na muna niya kaming manatili ni Dylan dito.


"Kailangan mo na ring umuwi, Kate. Your parents won't be able to fix this on their own. You have to talk to Aki and his mom" sabi ni Tita Carlene.


Hindi ko na napigilan ang sarili ko at bigla na lang akong naluha. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sinusubukan kong pag-isipan ang mga bagay-bagay pero parang nahihila sa magkabilang direksyon ang pagdedesisyon ko.


Kung iiwan ko si Dylan dito nang walang paalam, pareho kaming masasaktan. Kung sinabi ko naman kay Dylan na kailangan na naming umuwi at iiwan ko muna siyang pansamantala, pareho rin kaming masasaktan. Kahit anong gawin ko, masasaktan pa rin kami. Ang hirap.


"Kate, please don't cry. Hindi ako galit or anything. Alam kong nahihirapan ka rin. Pero isipin mo na lang na once na naayos na itong problemang ito, wala nang hahadlang sa inyo ni Dylan" pagsisiguro ni Tita Carlene sa akin.


Pinunasan ko ang luha ko gamit ang palad ko at pinilit kong ngumiti sa kanya.


"Sige po, tita. I'll convince him."






They Meet Again (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt