CHAPTER 13

10.2K 126 24
                                    

A/N: Comments please? :)

#TMAWattpad





Kate


Pagpasok na pagpasok naming magkakaibigan, at pagdating namin sa tambayan namin, nagulantang na kami kaagad. Bukod kasi sa pinagtitinginan kami ng ibang mga estudyante at ibang mga tao sa university, ipinakita ni Nico sa amin ang page ng Paparazzi Organization ng Peregrine University.


Sino bang mag-aakalang uso pala ang ganung organization dito sa university na ito? Sa pagkakaalam ko, Photographers' Organization lang naman kasi ang legit na photo organization dito sa university.


Sa gitna ng page, may isang professor na nakuhanan mula sa malayo na may kahawak-kamay na dalaga. Nakalagay sa article sa gilid nito na hindi nila alam kung anak siya ng professor o girlfriend siya nito. Either way, wala naman kaming pakialam sa chismis na iyon.


Sa ibaba ng page, may picture ng dalawang naghahalikan sa likod ng puno dito sa university. Nakalagay sa article sa gilid nito ang mga pangalan ng dalawang nasa picture pero hindi na lang din namin pinansin.


Nang ini-scroll naman ni Nico ang page sa pinakataas nito, lahat kami gulat na gulat. Isang dambuhalang picture namin ni Dylan ang nakalagay doon na kinuhanan noong nakaupo kami dito sa garden at natutulog nang magkatabi.


Ang nilagay pa nila sa headline, "IN A RELATIONSHIP?" May mga estudyante nang nakapalibot sa garden pero tinulungan naman kami ng guards na paalisin sila.


"Pupunta lang ako sa Administration Office" sabi ni Dylan sa amin. "Teka lang, anong gagawin mo?" tanong ko naman sa kanya. Baka kasi nagpapaka-impulsive na naman siya sa sobrang inis.


Ang malala, baka ipa-suspend o ipa-expel pa niya ang lahat ng members ng Paparazzi Organization. Kawawa naman sila kung sakali. Kahit may kasalanan sila sa amin, mas gugustuhin ko na lang ding ipagpatuloy na lang nila ang pag-aaral nila dito.


Isa pa, ano pa nga bang mailalaban namin? Eh sa mga ma-issue na pictures sa university nga naman kasi umiikot ang organization nila.


"Ako nang bahala, Kate" seryosong sabi niya. Bago ko pa man siya mapigilan ulit, nakalayo na siya.


Pagkalipas ng ilang minuto, bumalik na rin si Dylan sa garden. Medyo nakakaduda na naman ang ginawa niya sa Administration Office kasi pagbalik niya, ang lapad na naman ng ngiti niya sa amin.


"Anong ginawa mo doon?" tanong ko sa kanya kaagad. "I-refresh niyo 'yung page para malaman niyo" sagot naman niya habang nakangiti pa rin.


Pagka-refresh naman ni Nico ng page, bigla na lang itong naging blangko. "Anong nangyari sa internet connection ng university? Bakit blangko 'to?" pagtataka ni Nico. "Exactly" sabi naman ni Dylan.


"Hoy, Dylan. Anong "exactly" ang sinasabi mo?" tanong naman ni Lia sa kanya.


"Pinaputol mo 'yung internet connection sa university?! Hindi maaari!" pagsingit naman ni Nico na mangiyak-ngiyak na.


"Bobo! Tumingin ka nga sa taskbar ng laptop mo, bro! May wifi pa rin naman ah!" sabi naman ni Derick kay Nico.


Nang napansin naman ni Nico na may wifi pa rin, bigla na lang siyang ngumiti. "Sooooorryyyy" sabi naman niya sa amin sabay nag-peace sign. Dahil doon, binatukan pa siya ni Derick.


"Dylan, seryoso. Anong ginawa mo?" tanong naman ni Kerry kay Dylan. Si Dylan? Ayun, nakangiti na naman nang nakakaloko.


"Chill, guys. Hindi naman gaanong seryoso ang pinagawa ko sa Admin Office. Nag-issue lang ako ng temporary suspension ng page nila para hindi na kumalat" sabi naman niya sa amin habang nakasandal sa bench. Dahil doon, napanatag na ang loob ko at nagpunta na rin kami sa kanya-kanya naming mga klase.






They Meet Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now