CHAPTER 7

11.5K 145 9
                                    

A/N: Comments please? :)





Dylan


Hindi ba dapat masaya ako ngayon dahil nakaganti na rin ako? Siya naman ang nauna at gumanti lang ako sa ginawa niyang pagpapaalala sa akin ng nakaraan ko. Pero bakit ganito? Hanggang ngayon, binabagabag pa rin ako ng mga nangyari.


Mas malala pa ito kaysa sa pagpapaalala ni Kate sa akin ng nakaraan ko. Nagi-guilty pa rin ako. Ang gago ko talaga dahil hindi ko pinag-isipang mabuti ang mga ginawa ko.


Masyado yata akong nagpadala sa emosyon ko kaya hindi ko na inisip na puwedeng mas malala ang mararamdaman niya sa ginawa kong pagganti sa kanya.


Akala ko makukuntento na ako pagkatapos kong gawin iyon. Mas lalo lang akong nakonsensya. Ewan ko na kung anong gagawin ko ngayon. Nitong mga nakaraang araw, hindi niya na ako pinapansin.


Hindi ito katulad ng hindi niya pagpansin sa akin noon tuwing inaasar ko siya. At least kinakausap pa niya ako noon. Pero ngayon, wala siyang sinasabi ni isang salita sa akin. Para akong isang tao na hindi niya kilala kaya hindi niya kinakausap.


Bakit ganito? Hindi ba dapat natutuwa na ako dahil nilubayan niya na ako at hindi na niya ako iniinis? Hindi ba dapat magaan na ang pakiramdam ko ngayon? Bakit kabaliktaran ang nararamdaman ko? Bakit ang bigat sa pakiramdam ng ganitong wala man lang akong naririnig sa kanyang ni isang salitang sinasabi niya sa akin?


Oo, nagrerecite siya sa klase at naririnig ko pa rin naman siyang nagsasalita kapag kausap niya ang professor namin o ang ibang mga kaklase namin. Pero pagdating talaga sa akin, para lang akong isang multo na dinadaan-daanan niya.


Hindi ako mapanatag kapag ganito. Ito ang ipinag-aalala ko kapag may ibang taong lumalapit sa akin. Natatakot akong magkaroon ng kaibigan dahil takot akong masaktan. Natatakot akong magkaroon ng kaibigan dahil takot akong masaktan ko sila.


Higit sa lahat, takot akong baka mangyari na naman sa akin ang nangyari dati. Ayaw ko na ng ganun. Pero bakit parang nangyayari na naman? Kahit hindi ko siya kaibigan, bakit parang nawalan na rin ako ng kaibigan?


Gusto ko nang ibaba ang pride ko. Gusto ko na ring humingi ng tawad kay Kate. Ang problema, hindi ko alam kung paano. Wala akong gaanong nakakasalamuha kaya hindi ako marunong humingi ng tawad. Ano kaya kung mag-iwan ulit ako ng sulat sa baba ng locker niya? Basahin niya kaya?


Teka, may naalala ako. Oo nga pala. Hindi ko pa nababasa ang sulat na ginawa ni Kate para sa "secret admirer" niya. Nasa akin pa hanggang ngayon dahil hindi naman na niya nakuha mula sa akin noong araw na iyon.


Noong nangyari iyon, halos ayaw ko na ngang makita ang sulat dahil alam kong mas lalo lang akong mababagabag kaya naman itinago ko muna. Ngayong naalala ko, siguro dapat ko nang makita ang nilalaman.


Tutal ako lang din naman ang babasa niyon kung sakaling iniwan talaga ni Kate iyon sa harap ng locker niya para sa "secret admirer" niya.


Umakyat ako sa kuwarto ko para kunin ang sulat. Nang nakuha ko na ang sulat, binuksan ko na ito at binasa. Ito ang nakalagay sa sulat:


Dear Secret Admirer,


Hi! Hindi ka na kasi nagpaparamdam kaya naman naisipan kong magbigay na rin ng sulat sa'yo. This isn't much pero sana ma-appreciate mo kahit papaano. Na-appreciate ko lahat ng binigay mo sa akin. Sapat nang dahilan iyon para mapa-smile ako araw-araw. Nalungkot lang talaga ako dahil parang hindi mo na ako naalala.


May possibility bang ma-meet kita in person? Soon sana. I'm not desperate or anything tho. Gusto lang talaga kitang makita at makausap para mapasalamatan man lang kita sa mga binigay mo sa akin. Malay mo pag nagkita tayo, I might like you too. Haha.


Anyways, I have another reason for wanting to meet you. May guy kasi na classmate ko sa isang subject na lagi na lang akong inaasar at inaaway. I'm pretty sure you know him. Siya lang naman ang mayabang na anak ng may-ari nitong Peregrine University. Oo, si Dylan Patriarca. He never stops bugging me. I know napaka-childish pero nahihirapan na rin naman ako. Perhaps you could tell him to back off when you meet him? He's a little too irritating.


Sana ma-meet na talaga kita. Please please please. I'm not forcing you tho. Maybe when you're ready, puwede na tayong mag-meet in person.


Kate


Nang nabasa ko ang sulat, mas nainis ako sa sarili ko. Noon pa man, nahihirapan na pala talaga siya dahil sa pangungulit ko sa kanya. Kahit simple lang ang mga ginagawa ko noon, nakakaganti na rin pala ako ng unti-unti sa ginawa niya sa akin. Pero anong ginawa ko? I crossed the line.


Kailangan kong makipag-ayos sa kanya. Kailangan ko nang pag-isipan ngayon kung anong dapat kong gawin. Mawala man ang pride ko, bahala na. Ang mahalaga, maging malinis na ang konsensya ko.






They Meet Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now