CHAPTER 28

9.2K 129 16
                                    

A/N: New comments please? :)

Sa mga nag-comment doon sa previous chapters, thank yoooouuu! :D






Kate


Nandito na naman kami ng mga kaibigan ko sa garden. Kumpleto na sana kami ulit eh. Kaso hindi na naman naiwasan at kulang na naman kami ng isa. Wala pa si Eloy. Siya na lang ang hinihintay namin.


Ang course nga yata nila ang pinaka-"no chill" sa buong Peregrine University. Hanggang ngayon kasi, may pinagagawa pa ang professor nila kahit last day of classes na. Pagkalipas ng ilang minuto, dumating na rin siya.


"Guys, sorry. Ang hassle kasi ng pinapagawa ni prof. Grabe 'yun kung mag-utos. Iaayos lang naman pala 'yung files na sinubmit namin alphabetically" sabi naman niya pagdating niya at pag-upo niya sa tabi ni Kerry.


"Okay lang 'yun. Buti na lang nga last day na eh" sagot naman ni Lia sa kanya. "Akala pa naman namin noong freshmen tayo, ikaw 'yung may pinakamadaling course. Hahaha!" sabi naman ni Nico kay Eloy sabay tawa.


"Kasi akala niyo pagiging sepulturero lang ang bagsak ko? Mga misconception niyo talaga oh" sabi naman ni Eloy habang umiiling-iling.


"Oh, ano na Dylan? Akala ko ba may sasabihin ka sa amin?" pagtatanong naman ni Yannie sa kanya.


"Oo nga pala. Sige, i-aannounce ko na" sabi naman ni Dylan. "Ang dami pang pa-suspense! Go na kasi!" pagpipilit naman ni Kerry sa kanya.


"Alam kong hindi kayo maniniwala sa sasabihin ko, pero may pruweba ako kung sakali. Nakita ko kasi 'yung file sa isang table sa Administration Office" sabi ni Dylan.


"Ang tagal! Spill!" sabi naman ni Derick sa kanya na halatang naiirita na dahil hindi pa sinasabi ni Dylan ang buong detalye.


"Cum Laude si Nico!" bulalas naman ni Dylan. Kahit ako, hindi rin nakapaniwala nang sinabi ni Dylan iyon. Pagtingin ko sa mga kaibigan ko, lahat sila napanganga.


"A-Ako?!" hindi makapaniwalang pagtatanong ni Nico. "Oo, bro! Nasuklian na 'yung pagdugo ng utak mo sa Math! Haha" natatawang sagot ni Dylan sa kanya.


"Holy shit! Matutuwa si mommy at daddy nito!" tuwang-tuwa at hindi na mapakali si Nico. Napansin kong natauhan ang lahat ng mga kaibigan namin. Tumayo kaagad si Yannie at niyakap niya si Nico.


"I'm so proud of you, mahal!" sabi ni Yannie kay Nico. "Thank you, Yannieloves!" sagot naman ni Nico sa kanya. Binati naming lahat si Nico at nagpasalamat din naman siya sa aming lahat.


"Uy, teka. Dylan, walang joke ito ha?! Hindi mo rin minanipula?!" paninigurado naman ni Nico. Tumawa si Dylan sa sinabi ni Nico. "Oo, promise. Totoo 'yun. Kung kaya ko lang sanang manipulahin para hindi ka mag-Cum Laude, edi matagal ko na sanang ginawa. Hahaha" pagbibiro naman ni Dylan kay Nico.

They Meet Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon