CHAPTER 23

9.7K 115 9
                                    

A/N: Comments please? :)

#TMAWattpad





Kate


Marami na ang nakakaalam ng tungkol sa relasyon namin ni Dylan. Noong araw na isinuot namin ang mga singsing namin, agad din naming sinabi kay mommy at kay Tita Carlene ang tungkol sa amin. Hindi na sila nagulat.


Palagi na rin naman kasi nila kaming nakikita ni Dylan na magkasama at hindi na bago sa kanila ang lahat. Natuwa pa nga silang dalawa nang makita nila 'yung black titanium rings namin. Bagay daw kasi sa amin at kitang-kita ang mga ito kapag nakasuot sa amin.


Nang sinabi naman namin sa mga kaibigan namin ang tungkol sa amin, wala na silang ibang sinabi kundi ang "Sabi ko na nga ba eh." Sabi pa nga nila, matagal na daw silang nakakahalata sa amin kahit pa noong "frenemies" pa lang kami ni Dylan.


Noon pa lang daw, hinulaan na nilang magiging kami. Ngayon, may naimbento na rin silang tawag sa amin. Sabi nila, DyKate na daw ang itatawag nila sa amin. Lagi daw kasi kaming magka-DyKate at halos hindi na mapaghiwalay.


Nakasakay kami sa kotse ni Dylan ngayon at nagbabyahe kami. Kanina ko pa tinatanong sa kanya kung saan ba talaga kami pupunta pero lagi na lang niyang sinasabing surprise na lang daw.


Hindi ko nga rin siya maintindihan. Parang napakasaya niya ngayon. Pero sa bagay, ganun din naman ako. Makasama ko nga lang siya, sobrang saya ko na eh.


Kahit hindi ko alam kung ano pa ang mga dadating sa amin, handa akong harapin ang lahat ng iyon, basta magkasama kami. Ganun nga talaga siguro iyon. When you love each other, you'll feel like you can do anything as long as you're together.


Napangiti na lang ako sa mga naiisip ko. Dahil doon, napatingin ako sa kanya habang nagda-drive siya. Kitang-kita ko ang matangos niyang ilong at pati na rin ang ngiti niya. Parang panaginip pa rin para sa akin ang lahat ng ito. Parang hindi pa rin ako makapaniwalang si Dylan ang batang lalaki na nakalaro ko noon.


Sino bang mag-aakalang matagal ko na palang nakakasama ang matagal ko na ring hinahanap? Sa totoo lang, nasaktan at nag-alala talaga ako noong hindi kami nagkakausap kahit sa text lang. Nag-alala akong baka siya naman ang tuluyang lumayo sa akin. Mabuti na lang at hindi nangyari iyon.


Hindi ko pa rin maalis ang ngiti sa labi ko. Napatingin naman ako sa black titanium ring na nakasuot sa daliri ko sa kaliwang kamay. Tignan mo nga naman. Kasama ko itong dating buwisit, dating introvert, forever mapang-asar, sobrang magpakilig, sobrang seloso, at overprotective na nilalang na ito ngayon. Sino rin bang mag-aakalang magiging boyfriend ko ang lalaking ito?


Tinignan ko rin ang kaliwang kamay niyang nakahawak sa manibela. Nakakatuwang tignan ang mga singsing namin. Tuwing nakikita ko ang pareho naming singsing, napapanatag ang kalooban ko. Hangga't nakikita kong nakasuot ang singsing na iyon sa kanya, alam kong hindi niya ako iiwan.


Habang nakatingin at nakangiti pa rin ako sa singsing na nakasuot kay Dylan, napansin ko namang bigla niyang ibinaling ang paningin niya sa akin habang nagda-drive. Naku, nahuli niya yata akong nakatingin sa singsing niya.

They Meet Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon