CHAPTER 1

23.8K 253 30
                                    


Twitter: @nrizyap




Kate


"Aalis na ako."

"Huh? Iiwan mo ako? Sandali. Huwag. Huwag mo akong iwaaan!"


Nagising na ako sa tunog ng pagkatok sa pinto ko. Hindi ko alam kung matatawag kong panaginip ang napanaginipan ko. Sa totoo lang, isa iyong alaala noong bata pa ako. Patuloy pa rin akong binabagabag ng alaalang iyon hanggang ngayon. Nasaan na kaya siya ngayon? Gaano na kaya siya katangkad? Sana makita ko na siya ulit.


"Sino po 'yan?" tanong ko sa kumatok.


"Ma'am Kate, ako po ito. May mga bisita po kayo sa labas. Mga kaibigan niyo po" si yaya pala iyon. Napakaaga namang bumisita ng mga kaibigan ko.


"Ay, sige po. Paupuin niyo na muna po sila sa living room. Bababa na rin po ako pagkatapos kong maligo at mag-ayos" sagot ko naman. Dali-dali akong pumasok sa banyo para maligo at mag-ayos.


Halos aapat na oras pa lang ang tulog ko. Kararating lang kasi namin kaninang madaling araw dito sa Pilipinas galing sa States. Sa totoo lang, pabalik-balik kami doon. May trabaho din kasi doon si mommy. Ayaw naman daw niya akong maiwang mag-isa sa bahay kaya isinama na rin muna niya ako.


Una kaming umalis noong limang taong gulang pa lang ako at bumalik naman kami sa Pilipinas noong walong taong gulang na ako. Umuwi din noon sa Pilipinas ang daddy ko na sa Europe naman nagtatrabaho. Umalis din kaagad si daddy pagkatapos ng tatlong buwan dahil hindi daw niya puwedeng iwan ang kumpanya nang masyadong matagal.


Umalis naman ulit kami ni mommy noong labinlimang taong gulang ako at heto nga't nakabalik na naman kami. Ang kaibahan lang, mananatili na daw kami dito ni mommy dahil may branch na rin ang kumpanya nila dito.


Pagkatapos kong magbihis at mag-ayos, lumabas na rin ako ng kuwarto ko at bumaba. Pagdating ko sa living room, naabutan ko silang nagkukuwentuhan. Sa sobrang abala nila sa pagkukuwentuhan, hindi nila namalayang nakaupo na ako sa tabi nila kaya naman naisipan kong magsalita na rin.


"Hi guys!" bati ko sa kanila.


Nang sinabi ko iyon, napalingon naman silang lahat kaagad sa akin. Halatang gulat na gulat sila dahil nagsilaki ang mga mata nila. Nang natauhan sila, napansin ko namang nakangiti na silang lahat habang nakatingin pa rin sa akin.


"Kate!" Sabay-sabay nilang sabi.


Naunang tumayo si Nico at nilapitan ako. Siya ang pinakamatanda sa aming magkakaibigan kaya siya rin ang tinuturing naming team leader sa barkada namin. Bukod doon, siya rin ang "joker" ng barkada kaya lagi siyang napepektusan ng mga kaibigan namin. Ang motto niya, "Simpleng problema, itawa mo lang. Mabigat na problema, itawag mo lang."


Iniabot niya ang kamay niya na para bang pinapatayo ako kaya naman inabot ko na lang ito. Nang nakatayo na ako, niyakap niya ako nang mahigpit at nagulat na lang ako sa sumunod niyang ginawa. Bigla na lang niya akong iniangat at pinaikot-ikot.

They Meet Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon