CHAPTER 39 (part 1)

8.7K 110 58
                                    

A/N: Comments please? :)






Kate


Wala na ang lahat ng mga bantay sa bahay. Sa pagkakaalam ko, ipinatawag silang lahat ni Aki at tsaka na niya sila ini-lock sa isang area. Sabi niya kasi, mahirap nang may mga makasagabal sa mga plano niya.


Oo, sinabi na niya sa amin ni Dylan at sa parents namin noong isang araw ang plano niya. Sa pagkakaalam ko rin, kahapon ang rush preparations sa venue at sa iba pang mga bagay na kakailanganin.


Pasikreto nilang ginawa ang lahat at tumulong na rin sila daddy at Tita Carlene sa preparations. To my surprise, tumulong din si Dylan sa pag-aasikaso ng lahat.


Simple lang ang ayos ko. Suot ko na rin ang puting gown na kahapon lang binili ni mommy para sa akin.


Imbes na magsuot ako ng high heels, puting low wedge sandals na lang ang suot ko ngayon na binili lang din ni mommy kahapon.


Sabi kasi niya, hindi na rin ako magiging comfortable sa high heels lalo na't may karagdagang timbang na rin ako dahil kay baby. Isa pa, mahirap na daw kung may mangyaring masama sa akin kung high heels ang suot ko.


Sa madaling salita, si mommy ang bumili ng lahat ng mga suot ko ngayon at kahapon lang niya binili ang lahat ng ito. Kasama iyon sa rush preparations. Hindi na niya ako isinama sa pagbili dahil makakasama daw sa akin at kay baby kung mapapagod ako.


Napakalaki ng sakripisyo ng mga tao para lang sa araw na ito. Gusto na rin kasi naming matapos ang lahat ng ito. Sana lang maging maganda ang resulta ng lahat ng mga ginawa at gagawin.


Narinig kong may kumatok sa pinto ko kaya naman sinabi kong pumasok na lang kung sino man ang nasa labas.


"Anak, ready ka na?" Pagtingin ko, nakasilip sa pinto ko si mommy. "Opo Ma" sagot ko naman sa kanya.


Tumayo ako at humarap sa full-length mirror. Pumasok naman si mommy sa kuwarto ko at lumapit sa akin. Napansin siguro ni mommy ang expression ko sa harap ng salamin kaya naman hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito.


"You don't need to worry about anything, anak. Sisiguraduhin naming magiging successful ang planong ito" paniniguro ni mommy.


"Ma, hindi po yun eh" sabi ko naman habang nakasibangot pa rin sa harap ng salamin.

"Ano pala, anak? May problema ba? Tell me" pag-aalala ni mommy.


Tumingin ako sa mukha ko sa salamin at hinawakan ko ang magkabila kong pisngi.


"Ma, ang taba kooo" pagrereklamo ko habang nakasibangot pa rin.


Bigla namang tumawa si mommy. Tinanggal niya ang dalawang kamay kong nakahawak sa pisngi ko at hinawakan naman niya ang mga ito.


"Normal lang 'yan kapag buntis, anak. You know what? When you were still in my tummy, doble ang size ko" sabi ni mommy sa akin habang natatawa pa rin. Napangiti naman ako sa sinabi niya.


"But don't worry, anak. You're still very beautiful. Look at you now. Wala na 'yung baby Kate kong karga-karga ko lang dati. I now see a strong and independent woman. Well, half-independent nga lang dahil may little companion ka na diyan sa tiyan mo" natawa kaming pareho sa sinabi niya.


"You're going to overcome another obstacle today, and we'll make sure na magiging okay ang lahat" napansin kong malapit na namang maiyak si mommy kaya naman niyakap ko siya kaagad.


"Ma, huwag ka ngang umiyak. For show lang ang lahat ng ito. Wala pang legal papers. Isipin mo na lang na practice ang lahat ng ito para sa actual day" sabi ko sa kanya habang hinahagod ang likod niya.


Pagkatapos ng ilang segundo, humiwalay din kami.


"Oh well. Practice lang din 'yung iyak ko. I'll save it for the actual date" sabi naman ni mommy at nagtawanan pa kaming dalawa.


Pagkatapos ng maiksi ngunit magkahalong masaya't madramang pag-uusap namin ni mommy, inalalayan na niya akong lumabas ng kuwarto. Paglabas naman namin, lumapit si daddy para alalayan din ako pababa ng hagdan.


Paglabas naman namin ng bahay, sumakay na rin kami sa kotse at nagsimula nang mag-drive papunta sa venue ang driver namin.


Pagkalipas ng ilang minuto, nakarating din kami. May mangilan-ngilan lang na mga sasakyan ang naka-park. Kaunti lang kasi ang mga inimbitahan namin para maging "witnesses" sa mga mangyayari at kasama na sa mga ito ang mga kaibigan namin.


Pagbaba ko ng sasakyan, hindi ko naiwasang mapangiti. Nang naramdaman ko ang hangin, nakaramdam na naman ulit ako ng kalayaan. Matagal-tagal ko ring hinintay ito.


Tumingin ako sa kanan ko. Nandoon na silang lahat. Nagsimula na ang lahat at lumakad na rin ako papunta sa altar kasama ang mommy at daddy ko.


Habang naglalakad naman ako, nilingon ko rin ang mga bisita pati ang mga kaibigan namin. Lahat sila nakangiti sa akin habang pinapanood kaming maglakad sa gitna.


Tumingin ako sa altar. Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya at halata ring kinakabahan siya. Nagmumukha tuloy na totoo ang kasal namin ngayon (kahit palabas lang ito) dahil sa nakikita ko sa kanya.


Pagdating namin sa kinaroroonan ni Dylan, si daddy ang nag-abot ng kamay ko sa kanya. Nang magkahawak naman na kami ng kamay, ngumiti siya at napansin kong medyo napanatag na siya. Inalalayan na niya ako paakyat sa altar at nagsimula na ang kunyaring seremonya.






They Meet Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon