CHAPTER 11

10.8K 120 29
                                    

A/N: Comments please? :)

#TMAWattpad




Kate


Pag-uwi ko sa bahay, naisip kong mag-online na muna. Pagbukas ko, nakita ko na naman ang sandamukal na requests mula sa schoolmates ko dati at pati na rin sa mga taga-Peregrine University. In-accept ko ang mga personal kong kakilala. Pagkatapos niyon, agad namang lumabas ang chat window namin ni Aki.



[King Vincent: Hi!]

[Kate: Hi :) ]

[King Vincent: Anong nangyari kanina? Was there an emergency? Is everyone okay?]

[Kate: No, walang emergency. Sinabi lang nilang aalis na sila sa garden kaya pinakuha na nila 'yung mga gamit ko. I'm not stupid tho. I knew my friends were lying at si Dylan na naman ang may pakana ng nangyari. -_-]



Totoo naman. Nakita ko naman talaga sa mga kaibigan ko na parang napilitan lang silang magsi-alis kanina. Lalo pa si Nico na napaka-obvious na kanina. Halos wala siyang kaalam-alam na dapat na palang aalis ang barkada sa garden. Naglalaro pa nga siya sa laptop niya eh.



[King Vincent: Speaking of which, is he your boyfriend?]

[Kate: Sino? SI DYLAN?!]

[King Vincent: Uhh yes?]

[Kate: OF COURSE NOT! Friends lang kami! But at the same time, buwisit din siya sa buhay ko.]



Naku, sabi ko na nga ba eh. Dahil sa paglapit-lapit ni Dylan sa akin, people are starting to get the wrong idea. Eh paano pa kaya 'yung fangirls niyang halos gusto na kaming saksakin ng paulit-ulit ng mga kaibigan ko dahil lagi na naming nakakasama si Dylan at dahil kasama na siya sa barkada namin?!



[King Vincent: Akala ko kayo na. Napansin ko kasing he always comes near you. He even grabbed your hand kanina.]

[Kate: Kulang lang siya sa pansin. First time niya kasing magkaroon ng mga kaibigan. Don't mind him.]

[King Vincent: Kaya pala nakakaramdam ako ng hostility whenever he's around. Haha. Anyway, what's "buwisit"?]



Oo nga pala. Ngayon ko lang ulit naalala. Sa lahat ng mga salitang Tagalog, ang pagmumura ang hindi naituro sa kanya. Malamang hindi rin siya sanay na marinig akong magmura.


Sa bagay, hindi naman na niya kailangan ang mga salitang iyon. Mas bagay sa kanyang mag-cuss sa English.



[Kate: It's like a cuss word.]

[King Vincent: What?! Kailan ka pa natutong mag-cuss?!]

[Kate: Hahaha. Matagal na. I just didn't let you hear it dahil hindi mo rin naman maiintindihan. Oo nga pala, ano ba 'yung dapat mong sabihin sa akin kanina? Sorry ha? Si Dylan kasi eh. -_-]

They Meet Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon