CHAPTER 8 (part 2)

11.4K 153 9
                                    

A/N: Comments please? :)

#TMAWattpad





Kate


Habang naglalakad ako, sinusundan pa rin ako ni Dylan. Wala nga yata siyang ideya sa gagawin ko. "Kate, saan ba talaga tayo pupunta? Huwag mong sabihing pasusunurin mo ako sa comfort room tapos..." heto na naman siya.


"Ano? Babawiin ko na ba 'yung pagpapatawad ko sa'yo?" sabi ko naman sa kanya habang hindi tumitingin at naglalakad pa rin. "Joke lang naman. Ito naman, di na mabiro" sabi niya.


Pagdating namin sa harap ng garden kung saan nakatambay sila Nico at Derick, napansin ko namang nagsikunot ang mga noo nila nang nakita nila kung sino ang kasama ko.


Paglapit ko naman sa kanila, inasahan ko nang maraming gustong sabihin ang dalawa sa akin at inasahan ko ring tatanungin nila ako kung bakit kasama ko si Dylan.


"Kate, bakit kasama mo 'yan?" nagsimula na si Derick. "Oo nga, Bebe Kate. Bakit mo naman 'yan dinala dito?" sumunod naman si Nico. "Hindi ako pumunta dito para makipag-away" singit naman ni Dylan.


"Kahit anak siya ng may-ari nitong university, wala pa rin siyang karapatang umapak dito sa tambayan natin kapag nandito tayo" ayan na naman si Derick.


"Tsaka 'yan din 'yung nagpaiyak sa'yo noong isang araw, diba Bebe Kate?" napansin kong kinuyom ni Nico ang palad niya. "Aba, oo nga 'no. Ano? Square na lang oh" sabi naman ni Derick. Heto na naman sila.


"Nico, Derick, sandali lang. Nagpaliwanag na siya sa akin. Nag-sorry na rin siya. Iyon ang nangyari doon sa gymnasium nang nagpunta ako. Kaya puwede bang makipag-ayos na lang din tayo sa kanya?" napansin ko namang nagkatinginan ang dalawa at pagkatapos niyon, sabay din silang tumingin kay Dylan at sa akin.


"Bebe Kate, sige na oh. Tig-isa lang naman eh" pagmamakaawa ni Nico. "Oo nga, Kate. Minsan lang naman eh. Babawi lang kami sa ginawa niya sa'yo" dagdag naman ni Derick.


"Huwag na, guys. Tapos naman na eh. Tsaka hindi tayo puwedeng magpaka-bayolente dito sa university grounds" kunyaring sabi ko naman sa kanila.


Pero sa totoo lang, ito talaga ang plano ko. Kapag natauhan siya sa gagawin nila Nico at Derick, baka maisipan niyang tigilan at layuan na lang ako. Mabuti na rin iyon para wala nang hahadlang sa mga plano ko sa buhay.


"Kate, pabayaan mo sila. I deserve this" sabi naman niya.


Hindi na hinintay nila Nico at Derick ang sasabihin ko at agad silang lumapit kay Dylan. Sa suntok ni Derick sa kanya, dumiretso si Dylan sa poste ng garden habang nakahawak sa kaliwang pisngi niya.


Hindi pa man nai-aayos ni Dylan ang sarili niya, sinuntok na siya ni Nico sa parehong pisngi at napahawak na naman si Dylan sa pisngi niya.


Nakita kong may sugat na sa kaliwang bahagi ng labi niya kaya naisipan kong awatin na sila. Pero bago pa man ako makapagsalita, may dumating at nauna na sa akin.

They Meet Again (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora