CHAPTER 25

9K 110 12
                                    

A/N: New comments please? :)





Dylan


Ilang araw na akong iniiwasan ni Kate. Sinusubukan ko namang magpaliwanang pero ayaw niya akong pakinggan. Hindi rin siya nagsasalita ata ayaw din niya akong kausapin. Kapag nagkikita kami sa campus, dinadaan-daanan lang niya akong parang hangin. Ganito rin siya noong hindi pa kami magkaibigan at una ko siyang nasaktan.


Alam kong nasaktan siya sa nakita niya pero hindi ko rin naman ginustong mangyari 'yun eh. Nang aagawin ko na kasi dapat ang phone ko mula kay Lexi, bigla na lang niya akong itinulak sa pader at pumunta siya sa harap ko.


Pinapaalis ko na siya at inuutusan ko na siyang ibalik ang phone ko pero tumatanggi pa rin siya. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hinalikan. Hinawakan niya ng mahigpit ang dalawang kamay ko habang ginagawa niya iyon kaya naman hindi ko siya naitulak kaagad.


Hindi ko rin inasahang dadating si Kate noon kaya naman nang tumigil na si Lexi, ginamit ko ang buong lakas ko para mabawi ang mga kamay ko at para maitulak siya palayo sa akin. Sinubukan kong pigilan si Kate noon pero umalis lang din siya.


Pagkatapos ng mga pangyayari, inisip ko kung bakit pumunta si Kate sa eksaktong oras na nangyari 'yun. Tinignan ko ang messages ko at nakita kong may isang text doon na nagpapapunta kay Kate sa lugar ng pinangyarihan.


Nang nakita ko naman ang footage, napansin kong itinaon ni Lexi ang paghalik sa akin pagdating na pagdating ni Kate. Intensyon niya pala talaga iyon. Nakita na rin siguro niya si Kate sa peripheral version niya kaya naman itinaon niyang halikan ako. Kaya pala nangyari ang lahat ng iyon noong mga oras na iyon.


Nasaktan ako noon nang humarap siya sa akin at nakita ko siyang umiiyak. Pero mas nasasaktan ako ngayong hindi niya ako pinapansin o kinakausap. Kapag nagte-text ako sa kanya, hindi siya nagrereply. Kapag tumatawag naman ako, laging nakasara ang phone niya.


Kapag nag-oonline naman ako sa mga social networking site at pati sa Skype, sandali ko siyang nakikitang online pero bigla na lang din siyang nag-ooffline. Kapag nadadatnan ko naman siya sa garden, umaalis din siya kaagad. Pigilan ko man siya, hindi rin naman niya ako kinakausap. I miss teasing her. I miss cuddling with her. I miss her.


Lumalangoy lang ako sa pool namin habang iniisip ang mga bagay-bagay. Weekend ngayon at ayaw ko namang magkulong lang sa kuwarto ko.


"Dylan" narinig ko ang boses ni mommy kaya naman tumigil muna ako sa paglangoy at humarap sa kanya. "Bakit, Ma?" tanong ko sa kanya pagharap ko.


"Nandito sila Nico and Derick. They want to talk to you so I let them in" sabi naman ni mommy. Lumabas naman mula sa loob ng bahay namin sila Nico at Derick. "May pupuntahan pa ako, so I'll live you guys here" umalis na si mommy. Hindi ako umahon kaya umupo naman sa gilid ng pool ang dalawa.


"Napadalaw yata kayo?" sabi ko sa kanila. "Hindi ka namin nakakausap nang maayos nitong mga nakaraang araw eh" sagot ni Nico.


"Gusto lang naming maging malinaw ang lahat. Ano ba talagang nangyayari sa inyo ni Kate?" pagtatanong naman ni Derick. Napayuko ako sandali pero sinubukan kong ngumiti nang inangat ko ang ulo ko.


"Huwag niyong sabihing nandito na naman kayo para pagsusuntukin ako dahil doon?" nagpakita naman ako ng pekeng tawa sa kanila.


"Wala kaming intensyong gawin iyon. Gusto lang muna naming malaman ang buong katotohanan" sabi naman ni Nico.


Umahon na muna ako para makausap ko sila nang maayos. Kinuha ko ang tuwalya ko at pinunasan ko ang sarili ko. Pagkatapos niyon, umupo ako sa upuan at pinaupo ko rin naman sila sa mga upuan sa harap ko.


"Ano? Spill" pag-uutos naman ni Derick habang pareho silang may seryosong mukha. Ikinuwento ko sa kanila ang lahat at ipinaliwanag ko ang mga dapat kong ipaliwanag.


Dahil mga kaibigan ko naman sila, wala akong iniwan kahit isang detalye sa nangyari. Sinabi ko rin na sinubukan ko nang kausapin si Kate sa lahat ng paraang kaya ko pero hindi pa rin niya ako pinapansin.


"Alam naman naming hindi mo magagawa kay Kate 'yun, bro. Pero ano nang plano mo ngayon?" sabi ni Derick habang halatang nag-aalala din sa mga nangyayari.


"Oo nga. Naku, napakahirap pa man ding kumbinsihin si Kate" dagdag naman ni Nico.


"Hindi ko nga rin alam eh. Sabi ko nga, ginawa ko na ang lahat pero wala pa rin. Tulungan niyo ako. Gusto ko nang maayos itong problema namin ni Kate. Nasasaktan lang ako tuwing iniiwasan niya ako" pagmamakaawa ko naman sa kanilang dalawa.


Sa totoo lang, hindi ko na talaga alam ang gagawin. Gusto ko na talagang makausap si Kate. Sandali kaming natahimik.


"Teka, alam ko na, bro! Pruweba!" bulalas ni Nico. "Anong klaseng pruweba?" tanong ko naman sa kanya.


"Bro, may CCTV ba doon sa hallway na kalapit lang ng CR ng boys?" pagtatanong naman ni Derick sa akin. Dahil sa sinabi niya, nagka-ideya na ako kaagad sa sinasabi nilang pruweba.


"Oo! May CCTV doon. Katapat lang ng Laboratory B. Puwede akong humingi ng kopya ng video sa System Office" sagot ko naman sa kanya.


"Ayun naman pala eh. Oh, edi problem solved na" sabi naman ni Nico habang may masaya na namang expression sa mukha niya.


Bigla na lang siyang binatukan ni Derick. "Excited ka naman masyado, bro" sabi naman ni Derick sa kanya. "Aray naman! Bakit?!" tanong ni Nico kay Derick habang nakasibangot.


"May problema pa tayo eh" sagot naman ni niya kay Nico. "Huh? Ano pang problema?" tanong naman ni Nico. "Paano natin ipapakita kay Kate? Baka hindi lang niya tignan" sabi naman ni Derick.


"Ay, oo nga pala" bigla na lang nawala ang pagka-excited ni Nico. Napaisip naman ako sa sinabi ni Derick. Paano ko nga ba mapipilit si Kate na panoorin ang mga nangyari?


Bigla ko na lang naalala ang tickets na binili ko noong isang araw. "Mga bro, alam ko na. Ako na ang bahala. Basta papuntahin niyo na lang si Kate sa theater ng university sa Tuesday ng 3 pm."






They Meet Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now