CHAPTER 6

11.8K 153 22
                                    

A/N: Comments please? :)

#TMAWattpad





Kate


Wala na akong natanggap mula sa secret admirer ko noong mga nakaraang araw. Nakakalungkot lang. Parang nagsawa na yata siya at nawalan na ng pag-asa kaya naisipan niyang tigilan na ang pagbibigay sa akin ng kung anu-ano.


Pagdating ko sa klase ko, nagulat ako dahil sa kauna-unahang pagkakataon, nauna munang pumasok sa akin si Dylan at nakaupo na siya sa upuang katabi ng upuan ko.


Nakangiti siya sa akin ng nakakaloko pero hindi ko na lang pinansin at nagdire-diretso na lang ako sa upuan ko. Pag-upo ko naman, sinabi na naman niya ang nakakapanindig-balahibong "Hi, Kate" niya pero hindi ko lang din pinansin.


Sa totoo lang, lagi lang kaming nagbabangayan kapag nagkikita kami. Kapag inaasar niya ako, tinatarayan ko naman siya. Isang napakalaking walang kuwentang cycle. Sabi nga ng golden rule, "Do unto others what you want others to do unto you." Sumusunod lang ako.


Inilabas ko na lang ang stationary na binili ko at pati ang ballpen ko. "Huwag mo akong istorbohin. May gagawin ako" sabi ko sa kanya at nagsimula na rin akong magsulat sa stationary.


"Stationary? Uso pa ba 'yan ngayon? Ang alam ko, may Facebook, Twitter at text message naman na. Manang, gusto niyo po bang ako na ang magpadala sa post office? Ano po bang address? Hahaha" gusto ko na siyang sapakin pero masasayang lang ang lakas ko. "Pakitikom ang bibig" iyan na lang ang nasabi ko.


Imbes na sayangin ko ang lakas ko sa kanya, gagamitin ko na lang ito sa pagsusulat ng letter na para sa secret admirer ko. Naisipan ko siyang sulatan para naman hindi niya akalain na wala lang akong pakialam sa mga binigay niya sa akin. Nagbabakasakali rin akong mabasa niya ito. Sana lang kunin niya at basahin niya.


Pagkatapos ng klase namin, agad kong iniwan ang sulat sa tapat ng locker ko. Dumiretso ako sa isang sulok para magtago. Alam kong gawain na ng desperada ito pero gusto ko na talagang makita ang secret admirer ko kahit sa malayo lang.


Malaman ko man lang kung sino siya at kung anong itsura niya para naman hindi na ako mabagabag. Pagkalipas ng ilang minuto, napadaan na naman ang buwisit sa hallway. Ano na naman bang ginagawa niya dito?



Dylan


Alam kong para sa "secret admirer" ni Kate ang sulat na ginawa niya kanina sa klase. Hindi nga nagpapigil kanina eh. Hindi man lang siya nakinig sa professor namin. Mas ginusto niyang gawin ang sulat na iyon.


Naisip ko rin na ngayon na ang pinakamagandang pagkakataon para gawin ang pinakahuli kong "sorpresa" para sa kanya.


Sinundan ko siya nang patago at nakita kong ibinaba niya ang sulat sa tapat ng locker niya. Nakita ko rin kung saan siya nagtago. Sinasabi ko na nga ba't gagawin niya iyon.


Sa totoo lang, magha-hire pa dapat ako ng kukuha ng sulat dahil alam kong gagawa at gagawa ng paraan si Kate para lang makita ang "secret admirer" niya. Pero dahil nakakita na ako ng pagkakataon, gagawin ko na ito ngayon.


Agad kong tinawagan ang mga kakilala kong estudyante sa university. Pagkatapos ko silang tawagan, lumakad na ako sa hallway at kinuha ang sulat. Nang bubuksan ko na sana ang sulat, biglang lumabas si Kate sa pinagtataguan niya at tumakbo papunta sa kinaroroonan ko.


"Hoy! Hindi para sa'yo 'yan! Ibalik mo nga 'yan!" pilit niyang inaagaw sa akin ang sulat habang hawak ko naman ito at itinataas para hindi niya maabot. "Sorry. Finders keepers, losers weepers" pang-aasar ko naman sa kanya.


Patuloy ko lang itong itinataas habang naglalakad at patuloy din naman niya itong pilit na inaagaw mula sa akin. "Akin na 'yan!" inis na sabi niya. "Ayaw ko nga. Abutin mo kung gusto mo" sabi ko naman sa kanya kahit alam kong hindi niya talaga maaabot iyon.


Sa wakas, nakarating na rin kami sa field kung saan pina-ipon ko ang mga kakilala kong estudyante. Dito ko na gagawin ang pinakamalaking sorpresa ko para sa kanya. Nang nasa gitna na kami, pinalibutan naman kami ng mga estudyante.


"Sabihin mo muna kung para kanino ba talaga itong sulat na ito" pang-aasar ko sa kanya. "Wala ka nang pakialam doon!" mataray na sagot niya. "Edi hindi ko ito ibibigay sa'yo. Bahala ka" sabi ko naman sa kanya habang nagkunwaring aalis na. "Fine! Para 'yan sa secret admirer ko! Kaya akin na!" inis na utos niya sa akin.


Ngumiti naman ako at humarap ulit sa kanya. "Secret admirer? Kailan ka pa nagkaroon ng secret admirer? Haha" pagtatanong ko naman sa kanya habang natatawa pa rin. "Bakit ba gusto mong malaman?! Selos ka?!" Hindi na ako makatagal.


"Ms. Kate Blanco, napaka-gullible mo naman" sabi ko sa kanya. "A-Anong ibig mong sabihin?!" tanong niya sa akin habang halatang wala talagang kaalam-alam.


"Tigilan mo na ang pagpapantasya. Isipin mo nga. Paano magkakaroon ng secret admirer ang isang tulad mo? Gawa-gawa ko lang ang identity ng secret admirer mo para umasa ka sa wala. Umasa ka naman, diba? Edi successful 'yung plano ko. Next time kasi, huwag mo akong gagalitin" sabi ko sa kanya habang mayroong sarcastic na ngiti.


Nagtawanan at nagbulungan ang mga estudyante sa paligid namin. Akala ko maiinis lang siya sa akin at aalis na lang dahil sa ginawa ko. Ewan ba pero bigla na lang akong kinabahan nang nakita kong may tumulong luha mula sa mata niya.


Nawala din ang sarcastic na ngiti sa labi ko. "Kate?" nag-aalangan kong pagtawag sa kanya. "H-Huwag kang l-lumapit sa a-akin" sabi niya habang humahakbang paatras. "Kate sandali" pagpigil ko sa kanya.


"S-Sumobra ka n-na" sabi naman niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko. "D-Dahil lang sa simpleng nagawa ko, ganito n-na kalaki ang igaganti mo sa akin? Wow lang" sunod-sunod na ang pagtulo ng luha niya habang nakatingin pa rin ako sa kanya.


Wala akong masabi. Hindi ako makapagsalita dahil alam kong malaki nga ang pagkakamali ko ngayon "M-May playground ka n-naman sa s-subdivision, diba? Iyong-iyo na iyon. H-huwag mo na akong g-gawing playground na puwede mong paglaruan."


Tumalikod na siya at tumakbong papalayo. Nakita ko ang mga kaibigan niyang tumakbo papunta sa kanya at sinamahan na siya paalis ng university. Nagsi-alis na rin ang mga estudyanteng kaninang nakapalibot sa amin.


Napakagago ko. Hindi ko naisip na sobra na ang plano ko. Akala ko talaga magagalit at maiinis lang siya sa akin oras na ipinaalam ko sa kanya ang mga ginawa ko. Hindi ko inasahang iiyak siya sa harap ko.






They Meet Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now