CHAPTER 40

9.7K 116 28
                                    

A/N: Comments please? :)






Dylan


Kanina pa ako hindi makatulog kaya naman pinili kong manatili na lang muna sa malapit sa pool area ng bahay namin. Marami akong iniisip pero higit sa lahat, masyado akong excited para makatulog. Pagkatapos ng mga mabibigat na pangyayari noong mga nakaraang buwan, napalitan naman ang mga ito ng mga magagandang pangyayari.


Last month, nagpa-ultrasound na si Kate at alam na namin ang gender ng baby namin. Nakakatuwang isipin na may magdadala na ng surname ko.


Yes, it's a boy. Gusto ko nang makita si baby pero kailangan ko pang maghintay ng tatlong buwan. Huling buwan pa lang kasi ngayon ng pangalawang parte ng trimester ng pagbubuntis ni Kate.


Nakapagdesisyon na rin kami sa pangalang ibibigay kay baby. Noong una, medyo nagtatalo-talo pa kami nila Kate at ng parents namin dahil iba-iba kami ng gusto. Mabuti na lang at napagkasunduan din naming gamitin na lang ang D na unang letter ng pangalan ko para sa first name ni baby, at K naman na unang letter ng pangalan ni Kate para sa second name.


Sa huli, nakaisip din kami ng pangalan. Deion ang naisip ni Kate na first name at Kalix naman ang suggestion ni mommy na second name. Deion Kalix Blanco Patriarca ang magiging full name ni baby.


"You look so happy."


Tumingin ako sa nagsalita. Si mommy pala na nakatayo sa tabi ng pinto.


"Ma, ikaw pala. How long have you been there?" tanong ko sa kanya. "Long enough to witness you smiling from ear to ear" sagot naman niya sa akin sabay ngiti.


Lumakad siya papalapit sa akin at humawak siya sa braso ko.


"Bakit nga pala gising ka pa? You're supposed to be sleeping" sabi ni mommy. "Hindi lang po ako makatulog, Ma" sagot ko naman sa kanya.


"Excited ka na para bukas, 'no?" tanong ni mommy sabay hila ng marahan sa braso ko. "Who wouldn't be?" sabi ko naman sa kanya habang nakangiti. Tumawa naman si mommy.


"Ma, nami-miss ko na si Kate" pagsisimula ko ng bagong usapan namin.


"Sus! Isang araw lang na hindi nagkita, miss agad?" tumawa naman ulit si mommy.


"Ano kaya kung puntahan ko siya?" tanong ko kay mommy. Tinignan naman ako ni mommy.


"Dylan, magtiis ka na muna, anak. Alam mo naman 'yung pangitain, diba? Besides, you'll see her tomorrow. Before you know it, you'll be living under the same roof and you'll be sleeping on the same bed" pag-eencourage ni mommy sa akin.


"Hindi naman totoo 'yung pangitain na 'yun" sagot ko sa kanya.


They Meet Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now