CHAPTER 21

10.1K 113 27
                                    

A/N: Comments please? :)

#TMAWattpad





Kate


Nagbabasa lang ako ng libro dito sa living room habang nakikinig ng music. Mabuti na lang at bakasyon ngayon. Hindi ko kailangang isipin ang assignments, papers, deadlines, long exams, grumpy old professors, maiingay na mga kaklase, at iba pang mga bagay na magpapaalala sa akin ng nakamamatay na buhay sa loob ng university.


Unang taon pa lang pero dumugo na ang utak ko. Paano pa kaya sa darating pang tatlong taon? Good luck na lang sa akin. Sana mag-survive ako.


Pagkatapos ng madrama pero sobrang saya kong debut, balik na naman sa normal ang buhay ko. Hindi ko naman sinasabing parang nagdaan lang ang debut ko. Syempre, habang buhay nang nakatatak sa isipan ko ang mahalagang araw na iyon at pati na rin ang mga pangyayari.


Higit sa lahat, hinding hindi ko makakalimutan ang efforts ng mga magulang ko. Si mommy ang nagpagod at nag-ayos ng lahat-lahat para sa okasyon na iyon habang si daddy naman, pinilit umuwi para sa akin.


Nakakalungkot din dahil kinailangan din niyang bumalik sa Europe pagkatapos ng isang linggo. Sobrang dami daw kasi nilang tina-trabaho ngayon sa kumpanya lalo na't may bago na namang merger. Pero masaya na rin ako dahil nakasama naman namin siya noong debut ko.


Sa totoo lang, hindi ko maintindihan kung ano ang maitatawag ko sa kung ano ang mayroon kami ni Dylan ngayon. Parang nasa courting stage pero mag-on? Hindi ko talaga alam. Tatlong linggo na kaming ganito.


Sabi kasi niya sa akin, parte na daw ng panliligaw niya yung efforts niya noong unang taon namin sa university. Sabi ko nga sa kanya, napaka-unfair naman niyon kasi wala pa naman akong ka-ide-ideya noon na 'yun na pala iyon. Ni hindi pa nga rin siya nagtatanong sa akin kung papayag akong maging girlfriend niya eh!


Pero napapaisip din naman ako. Kung tutuusin, napaka-effort na ng pagtawag niya sa akin sa phone tuwing gabi para lang sabihin sa akin na matulog na ako at pati na rin ang pagbili niya ng snacks para sa akin tuwing hapon.


Isa pa, ayaw ko naman na siyang pahirapan ulit. Sapat na 'yung ilang taon niyang pagdurusa dahil sa pag-iwan ko sa kanya noong mga bata pa kami. Ayaw ko nang maulit ang ganun.


Speaking of Dylan, nasaan kaya 'yun ngayon? Hindi pa kasi siya tumatawag o nagtetext sa akin. Hindi pa rin siya nag-oonline sa kahit aling social networking site. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Medyo suspicious na pero sige, maghihintay na lang ako ng ilang oras. Baka isipin niyang napaka-OA ko.


Hindi pa naman official 'yung relasyon namin eh. I mean, may 'thing' naman na talaga kami pero hindi ko alam kung kami na. Basta, ewan. Kahit ako naguguluhan na rin.


Pagkalipas lang ng ilang minuto, tumunog ang doorbell. Dahil sobrang init at nakakatamad tumayo, hinayaan ko na lang ang isa naming yaya na magbukas ng pinto. Habang nagbabasa pa rin ako ng libro, bigla na lang may tumakip sa mata ko. Si Aki lang naman ang gumagawa ng ganito sa akin simula pa noong nasa States pa kami.

They Meet Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon