Chapter 30- Kidnap

10.9K 266 1
                                    

Cailee's POV

"Please...please do not pull the ribbon too much." Nakakapit ako sa post ng kama ko. Sinisikipan ng maid ang corset ko. Ilang layer ba ng damit ang kailangan kong isuot dito sa ball gown na ito. Nang masikip na masikip na ang corset na tipong hihimatayin na ako, saka pa lang isinuot sa akin ang gown. It's blue... color of someone's eyes.

Palabas na ang maid na nag-ayos sa akin ng bumukas ang pintuan at pumasok si Khal.

"Cailee, ayusin mo ang corset, hindi ako makahinga. Hindi ako pinangarap maging Sleeping Beauty sa ball." Tinulungan kong ihubad ni Khal ang gown niya. Tinanggal ang corset pati chemise... natira na lang ang push up bra saka panty nya...Saka niya sinuot ang gown.
"Ako din, tulungan mo ako." Tumalikod ako sa kanya. Hinubad ko rin ang lecheng corset na yan pati ang napakahabang chemise na hindi ko alam kung para saan. Kumuha ako ng strapless na bra saka ko isunuot ang gown.

Nag-aaply kami ng lipstick ng bumukas ang pintuan ko at pumasok ang nakasimangot na si Jack.

"Tanggalin nyo ang lecheng corset na ito." Sabi nito.
Tinulungan namin si Jack na ihubad ang gown. Naghubad siya ng corset at chemise. Ay wow... Kailan pa naging super fit si Jack? Body goal na siya...

Napanganga kami ng magsuot ng pants si Jack at strapless na bra, tapos strapless na blouse. Saka nagpatulong ilagay ang gown. Instead na high heels ang sinuot nya, naka boots ng Doc Martens na itim.

"Hindi naman kita ang pants ko noh?" Tanong nito sa amin. Naka yellow syang dress. Ang ganda ni Jack. Umiling ako.

"Sure kang naka boots ka?" Tanong ni Khal sa kanya.
"Oo naman. Mas comportable ako." She smiled. Balik na ako sa kwarto. Paki sunog yang corset na yan kasabay ng sa inyo." Tinuro niya ang mga corset namin na tinanggal.

Napagtripan ni Khal ang Baron na nagpapapansin sa kanya... Tinago na lang namin sa ubo ni Jack ang tawa.

"No entiendo inglés..." (I don't understand English) Sagot ni Khal ng kinausap siya ng Baron. Ang haba haba ng sinabi ng Baron, iyon ang sinagot ni Khal. Napakamot tuloy sa napapanot ng ulo ang Baron na kanina pa siya pilit na kinanausap.
"Can you ladies understand English?" Baling ng Baron sa amin ni Jack.
"Que?" (What?)  Tanong ni Jack. "No podemos hablar inglés." (We can not speak English)
"Oh God... How can I speak to you ladies?" Umiiling-iling na sagot ng Baron. He bowed to us and left.
Naabutan kami ni William na naghahagikgikan.

"Ano na naman ang ginawa ninyo?" Nakangiting tanong ni William.
"Wala naman Your Highness." Sagot ni Khal. She mimick the curtsy from other guest in here.
"Stop it Khal... You are mocking me." Natatawang sagot ni William.
  "No entiendo inglés..." (I don't understand English) Sagot ni Khal. Pinipigilan talaga naming huwag humalakhak.
"Oh God... Kaya siguro nagkakamot ng ulo palayo si Baron Wittard, pinagtripan nyo." Pati si William nagtakip na ng bibig para pigilan huwag tumawa.

Nagkukwentuhan kami nila William minus si Jack na panay masid sa paligid ng tumugtog ang waltz... Sinusumpa ko ang waltz na yan.

"May I have this dance?" Tanong ni William kay Jack. Napa-O na lang kami ni Khal. Nakalahad ang kamay ni William at nakangiti.
Tinulak ko si Jack palapit kay William. "Go na... Overdue na yang Prom nyo na yan."
Kinikilig kami ni Khal habang inakay sa gitna ng ballroom ni William si Jack.

Oh Lord, huwag sanang matapakan ni Jack si William. For sure mamamatay kuko nun sa suot niyang boots.

  Dahil wala kaming alam ni Khal na sayaw sa Courts maliban sa waltz na ayaw ko namang sayawin, nanood na lang ako ng mga nagsasayaw na bisita. Si Jack nawala pagkatapos nilang magsayaw ni William. I saw the King and Queen earlier and William is no where to be seen. Napagpasyahan kong sundan na lang si Khal sa Library.

Tumawid ako sa ballroom papunta sa hallway. Sa dulo ng pasilyo natika kong merong akay-akay ang 4 na lalaki na isang matanda. Dahan dahan akong sumunod sa kanila. Medyo madilim kaya hindi ko sila maaninag masyado. I have a bad feeling that something is wrong. Nagpupumiglas ang matanda.

"Stop." Sigaw ko sa hallway.
Napalingon ang 4 na lalaki. Natanggal ang busal na nakalagay sa bibig ng matanda. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang hari.
"Help..." sigaw ko. Shit eto ang problema sa ball gown na ito. Hindi ako makagalaw.
"Help...Help..." Sigaw ko ng ubod ng lakas.

Tumakbo ang apat na lalaki. Kinaladkad nila ang hari palabas ng palasyo.
"Helppppp......" Sigaw ko habang tumatakbo ako para sundan ko sila.

Hinubad ko ang sapatos, inangat ang damit ko at tumakbo ng nakayapak. Sinundan ko sila sa abot ng makakaya ko.

"Guard...Guard...Hellpppppp...." Sigaw ako ng sigaw hanggang maabutan ko sila... Sinipako ang isa at nasubsob ito... Sinuntok ko ang may hawak sa hari. Narinig ko ang boses ni Khal somewhere.

"Oh Shit... Helllpppppp...." Sigaw ni Khal...
Nagbitaw ako ng mga suntok hanggang sa makawala ang hari at makalayo ng kauti sa kanila.

"Takbo Khal... Itakbo mo ang hari..." I said. Nakita kong nag-alinlangan si Khal bago sumunod.

Pinigilan ko ng pigilan sila hanggang makalayo si Khal at ang hari pero hindi ako nakatakas sa apat na lalaki. Sinuntok ako ng isa sa sikmura at napaupo ako sa sahig. Nawalan ako ng lakas.

Binitbit nila ako palabas ng palasyo at hinagis sa naghihintay na van.

Doon pa lang ako nakaramdam ng takot...Saan nila ako dadalin?

Cailee & the Blue Eyed Soldier (Completed)Where stories live. Discover now