Chapter 26- Cordonia

10.5K 270 3
                                    

Cailee's POV

After my mission in Africa, niyaya ako ni Khal to have a vacation sa Cordonia. It's an independent Monarch Country between Monaco and France. Hindi ko alam kung bakit trip ni Khal pumunta doon. There is Monacco and it's beautiful coastline pero dun talaga kami sa Cordonia pupunta... Maghahanap na naman yata ng mga bulaklak itong pinsan ko.

Khal has her own flower farm in La Trinidad Benguet. Half of Tita Lise's farm there was converted into flower farm. Si Khal ang nagmamanage. Siya ang supplier ng flower sa business nila Tita Bella, Tita Yumi and Tita Merj.

"Khal, saan mo ba nakita itong Cordonia? I didn't know there is a place like this that exist..." Para kasing nasa fairytale ang lugar. Lakas maka-prince charming ng dating. The streets are made of old bricks. There are horses with carts and carriage. The villages are like in Beauty and the Beast. Para kang nag time travel sa Victorian Era.
"Nakita ko lang ito sa isang magazine." She replied after namin magcheck in sa hotel. Modern naman ang bathroom thank God. Nahiga ako sa kama at ganun din si Khal.
"Ang sabi sa magazine, this week daw ang Cordonian day. Merong parade and the streets will be closed after. Madaming stalls sa labas. Pwede tayong maghanap ng bagong species ng flowers." Khal replied.
"Matulog muna tayo. Nakakapagod ang biyahe." Naidlip agad ako dahil madilim na ng magising ako.
Tulog si Khal sa kabilang kama.

Bumaba ako sa ground floor ng 2 storey hotel. Pumunta ako sa café at umorder ng makakain. Mukha hindi na gigising si Khal. Bukas na lang kami lalabas. Nakipagkwentuhan ako sa owner ng hotel. Ang sabi niya bukas daw ang parade. Sarado na daw ang streets ngayong gabi kaya swerte daw kami at hindi kami naabutan ng pagsarado. Madalang daw ang tourist dito dahil mas gusto ng mga tao ang coastline ng Monaco pero madalas ang shooting lalo na kapag Fairy Tales ang movie.

Sabi pa ng owner, French ang salita nila dito pero merong din nakakapagsalita ng English. Hindi ako marunong mag French pano ba ito?!
Kinabukasan, maganda ang sikat ng araw. Naligo at nag-ayos kami ni Khal para manood ng parade. Dadaan daw ang royal family. Simpleng jeans at shirt ang suot namin dalawa. Nakarubber shoes din kami para madaling maglakad-lakad at may dala kaming bag pack at camera.

Alam na alam ng mga tao dito na turista kami. Bukod sa itim ang buhok namin ni Khal, hindi kami makapagsalita ng French. Kaya ang hirap makipag-communicate. Merong iilan na nakakaintindi ng English pero yung mga local na makikita mo sa kalye, French lang ang alam nila.

After a while, we heard the sound of trumpet and the roads were started to clear. Gumilid kami ni Khal ng meron carriage na dumaan para hawiin ang mga tao. Tapos meron mga guards na nagmarch at huminto sa gilid ng kalye to block the people from coming to streets.

A marching band started to march and at the back is a battalion of guards...Royal guards...Marching and in horses... Then the crown started to cheer when a young man probably in his twenties appeared in our sight riding with his horse. People call him Prince... So this is their prince.

Napasinghap si Khal. Yes he looks good on his riding uniform with that authority around him.... Ayaw ko na sa foreigner... Napaso na ako.

"Si William..." Khal said. Padaan na sa amin ang kabayo ng prinsipe.
"Cailee... Si William...."Ulit ni Khal. Ano ba itong si Khal...
"Cailee...Si William Hart..." Sigaw ni Khal sa akin...
"William...." Sigaw nito sabay kaway sa prinsipe. Napalingon ang mga guard sa amin saka kami tinutukan ng mga baril.

Holy Mother of God.... Nanlaki ang mga mata namin. Naitaas namin ni Khal ang dalawang kamay namin. Everybody is staring at us. The guards surrounded us na parang terorista kaming dalawa.

Nahinto ang parade. Katapusan na naming dalawa. Lumapit ang prinsepe sa tapat namin. Nahawi ang mga guard ng dumaan siya. Malakas ang tibok ng puso namin ni Khal.

Nagsalita sila ng french... Leche kung mabubuhay pa kami pag-aaralan ko talaga ang French.

"Tourists... You called me?" Tanong ng Prinsipe sa amin.
Tumingala kami sa kanya ni Khal. Namilog ang mata nito saka tumawa.
"Hanggang dito ba naman gulo ang dala nyong dalawa?" He said. He has an accent but he can speak tagalog. Hindi nakakibo si Khal. Nakataas pa rin ang mga kamay namin.
"Oh Holy Moses... William Hart..." I blurted out.
"The one and only." He replied. Sumenyas siya sa mga guard at binaba ng mga ito ang mga baril nila.
Unti-unti naming binaba ang mga kamay namin. Oh Lord nakakahiya talaga.
Luminga kami sa paligid. Nakatingin pa rin ang mga tao sa amin.
"But you have to call me Your Highness..." Nakangising sabi nito. Khal rolled her eyes. "Or the guards will arrest you."
Napatingin na naman kami sa mga guard na nakapaligid sa amin.

Sumenyas si William sa isang guard at maya maya pa dumating ang guard na may akay na dalawang stallion.

"If I still remember correctly, both of you can ride horse, yes?" Nakangiting tanong nito.
"Of course." Khal and I replied. He motioned us to take one.

"I can manage. Thank you very much." Masungit na sabi ni Khal sa isang guard ng tangkaing tulungan siya nito sa pag-akyat.
William motioned for the guard to proceed on the parade. Naisama tuloy kami sa parade. Nakagitna sa amin si William.

"This is surreal." I murmerd and William chuckled. Si Khal pagala gala ang tingin sa paligid.
"A Prince. I didn't imagine you are a prince. Back in Brent you were... bullied." I reminisced.
"Until Jack defend you... which is she's still angry with you by the way."Khal said.
Nangiwi si William.

"Let's talk about it in palace shall we... Huwag niyong ikwento dito yan. Heart throb ako dito." William replied. Natawa kami ni Khal... Inenjoy na lang muna namin ang parade... Parang hindi kami natutukan ng mga baril kanina kung makakaway at ngiti kami sa mga locals...

Dahil sa hindi normal ang itim na buhok dito sa Cordonia, lutang na lutang ang itim na buhok ng isang babae sa gilid ng daan. She looks familiar though. She tried to hide her hair by putting a hat. Weird...

Hinid ko inalis ang tingin ko sa kanya hanggang sa mapalapit kami at makilala siya.

"Jack?" Wala sa loob na banggit ko. Napatingin si Khal at William sa kung sino ang tinitingnan ko.
"Oh my God... Jacquelyn." Sigaw ni Khal. Napalingon na naman ang mga guard sa amin. Napatingin si Jack sa amin and then she froze... Napahinto din si William. At syempre napahinto kami ni Khal dahil hindi kami pwedeng mauna sa mahal na prinsipe. Baka tutukan na naman kami ng baril ng mga guard.

Nakakatawang tagpo talaga ito... Panginoon ko.

-------------------
A/N

Ok Guys.... Imbento ko lang ang Cordonia. Well nakuha ko ang pangalan na yan sa isang mobile game dahil hindi ako makaisip ng name ng isang lugar...

Now... my apologies because I need to introduce some of our future characters... so parang introduction na din ito para sa next books.
Enjoy....

Cailee & the Blue Eyed Soldier (Completed)Where stories live. Discover now