Chapter 17- Trying to Smile

9.4K 286 3
                                    

Cailee's POV

"Jean?" Lumapit si Zoey sa akin. Umupo sa lapag ng gazebo at niyakap ako.
Iyak ako ng ng iyak. Ang sakit sakit ng mga sinabi ni Gab.
"Zoey..."
"Bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang tanong nito.
"Bakit ka mag-isa dito? Kasama mo ba si Gab kanina?"

Lalo akong naiyak pagkadinig ng pangalan niya. Hinayaan ako ni Zoey na umiyak.
Matagal kaming nakaupo ni Zoey sa Gazebo bago ko nakalma ang sarili ko.

"Balik na tayo Jean. Baka hinahanap ka na." Yaya ni Zoey ng tumigil na ang mga luha ko.
"I look like a mess." I replied. "Ikaw na lang bumalik. Kapag hinanap ako, pakisabi napadami ako ng inom ng wine kaya umakyat na ako sa kwarto ko. Tapos naman na ang party nag-uwian na ang ibang mga bisita." I begged her.
"Ok sige. Pero okay ka na bang mag-isa?" Nag-aalala pa ring tanong ni Zoey. Despite of what happened to me this night, there is still one good thing that happened. I found a true friend.
"Samahan muna kita sa kwarto mo bago ako bumalik sa party."

Tumayo si Zoey saka ako inalalayang tumayo. Naglakad kami pabalik sa bahay, paakyat sa kwarto ko saka pa lang bumalik si Zoey sa party.

Pinilit kong maging blanko ang isipan ko para hindi ako maiyak. Alam kong maya-maya lang papasok si mommy para tingnan ako. Kailangan kong magtulug-tulugan.

Hindi nga ako nagkamali. After awhile, pumasok si mommy to check on me.

"Hay ang batang 'to. Bakit kasi uminom ng marami? Just because you're 18 doesn't mean you have a license to get drunk young lady." Pinapagalitan ako ni mommy kahit tulog ako.
Hinubad ni mommy ang gown ko at pinalitan ako ng pangtulog. She cleaned my face with make up remover and when she is satisfied, she kiss my forehead and left my room.

When my mommy closed the door, I let the pain took over and let my tears fall down. I cried silently... I cried until I feel asleep. I prayed that this is just a dream... because it hurts... it hurts so much.



"Jean... Cailee?" I heard Zoey's voice from my door.
"Pasok ka Zoey." I said. I guess my prayer was not answered again. That night was not a dream.
"Gusto mo bang kumain?" tanong ni Zoey ng makalapit siya sa kama ko.
I tried to smile at her. Tinapik ko ang gilid ng kama ko para makaupo siya. Pinilit kong bumangon at sumandal sa head board.
"Thank you kagabi." I told her.
Umiling si Zoey. "Wala yun. I will not ask you if you are okay because I know you're not. Gusto mo bang bumalik na ng Baguio?"
Ako naman ang umiling. "No need. Magtataka silang lahat. At magaling silang makiramdam. Please don't tell a soul what happened last night."
"I promise Cailee hindi ko sasabihin kahit kanino. And hindi ko din naman alam ang buong nangyari." Zoey replied.
"Labas ka na. Tanghali na hindi ka pa kumakain. Alam nila nalasing ka kagabi." Ngumiti si Zoey.
"Salamat ulit. Sige lalabas na ako."
Tumayo si Zoey. "Hintayin kita sa baba."

Iniwan ako ni Zoey na mag-isa sa kwarto. Huminga ako ng malalim at pinilit ngumiti. Kaya ko to. Kailangan maging okay ako kapag kaharap ko sila.

Naisip kong ilibot si Zoey para malibang ko din ang sarili ko. Humiram ako ng isang golf cart para makapunta kami sa kung saan nya gusto. Ito lang ang pwede kong idrive dahil wala akong lisensya saka kabayo.

Una namin pinuntahan ang bahay ni Tita Abby at Tito Ayano. It's a traditional Japanese house. Parang bahay sa Kyoto tapos nilagay dito sa village. Tinuro ko sa kanya ang bahay nila King at Jack. Tulog pa daw ang dalawa sabi ni Tita Cheska kaya sunod namin pinuntahan ang bahay nila Rome.

"Bahay nila Rome yan?" tanong ni Zoey ng nasa labas kami ng bahay na bato kung tawagin dito. Parang lumang bahay ang bahay nila Rome. Parang galing sa Spanish era. Parang anytime may lalabas na gwardiya civil.
"Oo... mukhang luma pero bago yan." I joked. Nakatingin pa rin si Zoey sa bahay. Malakas talaga ang tama nito kay Rome.

Sunod namin pinuntahan ang mga kwadra... Natuwa siZoey dahil pangarap pala niyang maging veterinarian.
Naabutan namin si Tito Frank at TitaDiane na nagtatalo sa kwadra.

"Uhmm....Hello Tita, tito." Bati ko sa kanila. Si Zoey ngumiti sa kanila atnilapitan ang itim na itim at napakatangkad na kabayo. Sanay akong mangabayopero nakakatakot ang kabayong nilapitan ni Zoey.
"Zoey..." Pigil ni Tito Frank.
"Let her." Sabi ni Tita Diane.
"You're so beautiful." Bulong ni Zoey sa kabayo saka tinangkang abutin angmukha nito. Yumuko ang kabayo at nilagay ni Zoey ang noo niya sa noo nito. Natulalakami. Napaamo ni Zoey ang Wild Arabian Horse ni Tito Tristan? Unbelievable.

Cailee & the Blue Eyed Soldier (Completed)Where stories live. Discover now