Chapter 13- Wow- Zoey

9.6K 286 7
                                    

Cailee's POV

"Wow." Hindi maiwasan ni Zoey ang humanga sa habang palanding kami. Kita mula sa itaas ang laki ng Coutry Club.
"Ang ganda dito Jean." She said. Nasanay na siya na Jean ang tawag niya sa akin.

"Wait until you see it sa baba."Khal excitedly said.

"Children... we were about to landing. Please ensure that you will proceed to Sebastian Mansion. All of your parents are waiting for you in there." Tito Cloud said over the speaker.
Kanya kanya kami ng protesta... Magulo sila kapag magkakasama.

May van na naghihintay sa amin paglapag ng eroplano.

"Welcome home." Tito Cloud said from behind. Kanya kanya kaming inat pagbaba namin sa eroplano.
"Welcome to Tagaytay Country Club." Khal said to Zoey.
"The land of Rich and Famous." Jack added.
"Wag kang masyadong pahalata Zoey. Isarado mo bibig mo." Jon told her which makes her blush.
"Wag ka nga. Isusumbong kita kay mommy." Pagbabawal ni Khal sa kapatid nya.

Natawa si Tito Cloud.

"Sige na. Pasok na sa van. Nagugutom na ako." Pagtataboy ni Tito. Isa isa kaming pumasok sa van. Umupo si Tito Cloud sa passenger seat.

Naalala ni Rome ang mga dala ni Carlos kaya nagsimula na naman ang kantiyawan hanggang makarating kami sa bahay.

"Wow... Ang laki ng mansion." Sabi ni Zoey ng papasok na kami sa arc ng lawn sa bahay.
"That's our house." Carlos told her.
Napalaki ang mata ni Zoey.
"Bahay nyo yan?" tanong nito sa akin. Tumango lang ako.
Ang laki kasi ng bahay. Pangarap yata ni daddy na magkaroon ng isang dosenang anak.
"Grabe ang laki." Bulong ni Zoey.

Huminto ang van at sinalubong kami ni mommy.
"How's your flight?" tanong nito ng makbaba kami. She kiss my forehead and Carlos cheek.
"Smooth flight." Tito Cloud replied. Isa-isang nag kiss kay mommy ang mga kasama ko.
"Mom, si Zoey nga pala. Siya yung kinukwento ko sayo na friend namin. Isa sa scholar ni Auntie Sam." Pagpapakilala ko.
"Zoey, si mommy ko."

Nakatulala si Zoey kay mommy.

"Hi Zoey." Bati ni mommy sa kanya.
"Mommy mo sya?" Tanong ni Zoey sa akin.
Naplaster ang ngiti ni mommy. Nakunot ang noo ni Khal. Tumango na lang ako.
"Sorry po." Nagmano si Zoey kay mommy. "Akala ko po kapatid kayo ni Jean...I mean ni Cailee."

Biglang nagblush si mommy. Natawa kami pati si Tito Cloud. Niyakap ni mommy si Zoey.

"Ow... I love this girl... Halika ulitin mo yan sa harap ng mga kaibigan ko." Hinila ni mommy ang pulang pulang si Zoey. Naiwan ang maleta nito sa tabi ng van. Pinaayos ko na lang sa isang katulong ang maleta at ibinilin na ilagay sa guest room malapit sa kwarto ko bago ako sumunod sa kanila.

"Girls, this is Zoey. Siya yung friend ng mga bata. Zoey, anak, pakiulit mo nga ang sinabi mo sa akin kanina." I heard my mom said. Kailangan ko ng iligtas si Zoey. This bunch of ladies are sometimes overwhelming.

Hindi na nakapagsalita si Zoey. Nakatingin siya sa mga Tita ko.

"Mommy, huwag mong takutin." Pagbabawal ni Carlos.
Isa-isang nagkiss ang mga pinsan/kaibigan ko sa nakakatanda. Natulala na ng tuluyan si Zoey. Nakialam na ako bago pa tuluyang maiyak si Zoey.

"Ladies, this is Zoey, my friend. This is Autie Lise, mommy ni Khal at Jon. Tita Diane, mommy ni Rome" Medyo nagblush pa lalo si Zoey.
"Tita Cheska, mommy ni King and Jack, Tita Kaye ang aming stylist, Tita Trisha, Tita Yumi asawa ni Tito Cloud, Tita Bella ang dating Ms. Universe," Natawa si Tita Bella. Ayaw niyang pinapakilala siya ng ganun.
"Tita Abby, Auntie Sam, yung kumakanta sa stage ay si Tita Merjie and this is Tita Kath." Pagpapakilala ko sa kanilang lahat.

Tumingin sa akin si Zoey ng makita si Tita Kath... Oo Zoey, siya yung mommy ni Gab. Wag ka ng maingay. Buti hindi siya nagsalita. Ngumiti lang.

"Hello Zoey. Ano yung sinabi mo daw kay Marie bakit parang kilig na kilig?" tanong ni Tita Diane.
Natatawa kami kay mommy. Tuwang tuwa kay Zoey.
"Napagkamalan nya akong kapatid ni Cailee." Sagot ni mommy.
"Weh..." unang-unang umangal si Tita Diane. Nagkanya-kanyang kantiyaw ang mga tita ko.

"Rome..." tawag ni Tita Diane sa anak. Lumapit naman si Rome.
"Bakit ma?" tanong nito.
"Kapag magdadala ka ng girlfriend mo anak, dapat mapagkamalan akong bunso sa inyong magkakapatid." Sabi ni Tita Diane. Natawa kaming lahat. Kwela talaga si Tita.
"Tinuruan ko na. Holy Mother ang itatawag sayo. " Sagot naman ni Rome saka tumatawang umalis.

"May pagmamanahan ng kalokohan ang anak mo eh. Nagtaka ka pa." Sabi ni Tito Frank na dumaan sa gawi namin at that time.
"Hindi ka kasali sa usapan Francisco Montalban." Pangbabara ni Tita Diane.
Tumatawang umalis si Tito Frank.

Pinaupo ko muna si Zoey bago pa maging estatwa. Saka hinanap ng tingin kung nasaan si Gab pero hindi ko makita. Hanggang sa madapo ang tingin ko kay Tita Kath na nakangiti at nakatingin sa akin.

Nagblush ako at umiwas ng tingin. Huli na namanako.

Cailee & the Blue Eyed Soldier (Completed)Where stories live. Discover now