Chapter 12- Ready na Ako

9.7K 271 4
                                    

Cailee's POV

"Are you ready for tomorrow?" tanong ko kay Zoey ng palabas kami sa campus. Bukas ang simula ng break namin and this weekend ang party for my birthday.
"I am ready for our long drive." Sagot ni Zoey.
"Hindi tayo magroad trip papuntang Tagaytay. Eroplano tayo para mabilis." Sagot ni Khal sa kanya.
Nanlaki ang mata ni Zoey. Tumango-tango si Khal.
"Sa bahay tayo matutulog lahat para isang sunduan na lang tayo bukas." Khal reminds us. Wala naman akong dadaling mga damit dahil may damit ako sa bahay namin. Isang bag pack lang ang dala ko.
"Nakaayos na ang maleta ko." Sabi ni Zoey.

"Good. Nasa labas na ang sundo namin. Sabay na kayo tapos daanan natin ang maleta ni Zoey then deretso tayo sa bahay." Khal said.
"Kuhanin ko lang ang bag ko. Wait nyo ako. Magpapalit ako ng damit." Nauna akong maglakad sa kanila at tumawid sa daan papuntang condo. Nakaayos naman na ang bag pack ko. Pangtulog saka pamalit bukas lang ang dala ko.

Lumabas ako ng condo na wala ang Betty image ko. Nakatingin pati ang guard sa akin. Naguguluhan siguro si Kuya kung sino ako. So I just smiled at him.

Naabutan ko ang mga kaibigan ko kasama si Zoey sa parking lot.

"Sis... how have you been? It's nice to see you looking like a real person." Niyakap ako ni Carlos.
"Get off me." Tinulak ko siya. "Baka magselos na naman si Stacey sa akin."
Natawa si Khal at Zoey.
"Ha? Yung classmate mong epal?" tanong ni Carlos.
"Girlfriend mo daw sya eh." I said.
"Yuck. Hindi noh." Sabi nito.
"Alam ko naman. Sabi niya kasi hindi daw siya ang tindera ng lengua kaya alam kong nagsisisnungaling siya." Nagtawanan ang mga kaibigan ko. Si King ang lakas ng tawa.

"Oh gosh... Cailee?! Is that really you?" Sumulpot bigla si Stacey sa tabi namin.
I saw Zoey rolled her eyes.
"Oh gosh, it is really you." Ngumiti ito sa akin na parang hindi ako inaway kanina. "Hi Carlos." Bati nya pa sa kapatid ko.
Hindi siya pinansin ni Carlos. Binuksan nito ang van at pumasok sa pinaka dulo. Nagsisunod ang mga kaibigan ko na parang may sakit si Stacey. Umupo si King sa passenger seat.
"Bye Stacey." Khal said and closed the door. Naiwan nakamulala sa parking lot si Stacey.
"Wanna be." Jack commented and we laugh.

Natatawa kami kay Zoey kasi hindi pa pala siya nakakasakay ng eroplano.

"Zoey okay lang yan. Parang nasa bus lang tayo pero nililipad ni superman." Rome told her while we are at road going to Loakan Airport.
"Hindi ka nakakatulong." Jack said to Rome.
"Cute ang piloto natin." Khal told Zoey.
Nagtawanan kami nila Jack and the boys groaned.
"True. Nawawala ang kaba mo kasi maganda boses nya sa speaker phone." I told Zoey.
"I don't want to hear this." Jon said behind us.
"And madami na din syang anak para pagpantasyahan nyo." King said to us.
Lakas namang mangbasag ni King.
"Hindi ba pwedeng humanga lang kami kay tito Cloud?" Naasar na tanong ni Khal.
"Hindi." Sagot ni Carlos. Nagtawanan ang mga boys.

Nakarating kami sa airport na putlang putla si Zoey.

Sinalubong kami ni Tito Cloud sa baba ng eroplano.
We girls kissed him at cheek and boys do feast bumbed with him.
"Tito si Zoey po. Kaibigan namin." Pagpapakilala namin kay Zoey.
"Zoey si Tito Cloud, siya yung piloto nating cute."
Natawa si Tito Cloud. Sa tuwing sinasabihan namin siyang cute tinatawanan nya lang kami.

"Good morning po." Bati ni Zoey.
"Good morning. Sige akyat na ng makaalis na tayo. Wala ba kayong dala?" Tanong ni tito Cloud.

"Tanong nyo si Carlos Tito kung dala ang mga paninda nya." Jon said that made us laugh.
Actually dala nga ni Carlos ang napakadami nyang strawberry jams ang lengua na nilalagay na sa eroplano sa mga oras na ito.

Nailing si Tito Cloud.

"Sige na panik na. We will take off in just a few minutes." Pagtataboy ni Tito sa amin. Isa-isa kaming umakyat ng hagdanan.

This is it. Makikita ko na si Gabriel in a while.

"Ready ka na?" tanong ni Khal sa akin.
I beamed at her.
"Yup. Ready na akong makita si Gab." I told her.

Cailee & the Blue Eyed Soldier (Completed)Where stories live. Discover now