Chapter 18- Goodbye

9K 243 5
                                    

Gab's POV

Masakit ang ulo ko. Hindi ko maidilat ang mga mata ko at naririnig ko si mama na pinapagalitan si daddy.
Parang merong nagmamartilyo sa ulo ko pero pilit akong bumangon. Anong oras na ba? Bakit naka tuxedo pa ako? Nakatulog ako sa lapag?!

Habang pilipilit kong hindi masuka, bumalik naman sa ala-ala ko ang mga nangyari kagabi. Parang gusto ko ulit maghanap ng alak sa labas para mamanhid ulit ako.

Pumasok si mama kasunod si daddy sa kwarto.

"Mabuti naman at gising ka na. Ikaw ba ang kasama ni Cailee na uminom kagabi at lasing ka ng dinatnan ka namin dito?" galit na tanong ni mama.
What?! Naglasing si Cailee kagabi?
"Hindi ko kasama kagabi si Cailee." I replied habang sapo-sapo ang ulo.
"Eh bakit ka naglasing? Minor ka pa Gabriel. Sino nagsabi sayong maglasing ka sa party at iwan mo kami doon?"
Ahhh shit ang sakit ng ulo ko. Nakaupo pa ako sa sahig, nakasandal sa kama sapo sapo ang ulo ko na gusto kong iuntog.
"Mommy, hayaan mo muna si Gab." Mahinahon na sabi ni daddy.
"Kinukunsinti mo kasi Marcus..." Nanggigil na sagot ni mama kay daddy.
"Ma, hindi ko kasama si Cailee kagabi." Ulit ko sa sinabi ko. Mahal ko si mama pero minsan para siyang takuri ni lola sa umaga. Maingay....

"Eh bakit ka nga naglasing Gabriel? Saan ka uminom?" Natingin si mama sa tabi kong bote ng brandy. Kinuha niya iyon at inangat.
"Sino ang may sabi sayong inumin ang alak sa bar?" May pagbabanta ang boses ni mama.

Inangat ko ang mukha ko at tiningnan si mama. I look like shit, I know. Probably my eyes are swollen and I look like I am about to puke.

Umiling si mama at lumabas ng kwarto. Naiwan si daddy na nakatayo at nakabulsa ang mga kamay.

"Uuwi na tayo sa Batangas. Baka gusto mong magshower muna bago tayo umalis." He told me. Tumango ako kay daddy at lumabas siya ng kwarto. Sinarado niya ang pintuan.

Looks like my dad didn't told my mama what happened last night. He is really my hero. He did so much for me upto the point of protecting me even from my mama's wrath.

Inabutan ako ng dalawang tablet ni mama paglabas ko ng kwarto ko pagkatapos kong maligo pero hindi na siya kumibo.

"Lock the door before you leave." Paalala ni mama bago kami bumaba papuntang parking kung saan naghihintay si daddy at Raphael (Ralph).
"Tagal mo." Reklamo ni Ralph.
Nilagay ko sa compartment ang bag ko saka sumakay sa kotse. Tumingin ako sa bintana habang papalayo kami sa condo, palabas ng main gate.

Nadaanan namin si Cailee na nakaupo sa park kasama ang kaibigan niyang si Zoey. Nakatalikod si Cailee sa daan. Lumingon si Zoey, nakatingin ng deretso sa akin at saka siyang umiling. I am somehow grateful that Cailee has a Zoey with her.

I put my earphone in my ears and pretend to be asleep. Hindi ko na pinansin ang mga tingin ni daddy at mama sa rear view mirror.

Hindi ako lumingo sa papalayong Country Club. My life will be different from now on. Walang mangyayari sa akin if I will stay.

Tinulungan ako ni daddy na mag-ayos ng papers para sa recruitment ko sa US Navy. And because I will be 18 in two months, parental concent was waived. I received an email regarding my admission and decided to fly alone. I will be trained in Chicago for my boot camp. Away from Uncle Kian's place.

Mama and dad accompanied me at the airport. Hindi na ako nagpaalam sa iba kahit kay King.

"Will you call us from time to time?" Naluluhang tanong ni mama sa akin.
"Yes ma." I kissed her forehead and hugged her.
"Mag-iingat ka Gab." Dad tapped my shoulder.
"Please don't tell anyone where I am going." I pleaded to my parents.
Malungkot silang tumango.

Tumalikod na ako at naglakad papasok ng airport. Hindi ako lumingo sa mga magulang ko.

This is it...

Cailee & the Blue Eyed Soldier (Completed)Where stories live. Discover now