Chapter 14- Better than me

9.6K 246 6
                                    

Gab's POV

"Hindi ka pa ready Gab?" dad asked me. Papunta dapat kami sa bahay nila Cailee ngayon for lunch. Dadating dn ang mga kaibigan ko galing sa Baguio. Pero nandito pa ako sa kwarto. Nakahiga. Nakatingala sa kisame na parang nasa kisame ang sagot sa mga tanong ko.

"Dito na lang ako dad." I replied.
"Dadating ngayon ang mga kaibigan mo."
"Mamaya ko na lang pupuntahan si King sa bahay nila."

Dad looked at me intently.
"Huwag mong iwasan si Cailee. Dapat nga ienjoy moa ng mga natitirang araw na makakasama mo siya bago ka umalis."
"Hindi ko alam kung paano ako magpapaalam sa kanya."
"Tell her the truth."

Umiling ako.
"Mag-aalala lang yun. Dalawa pa sila ni mama na mag-aalala dahil sa akin." I replied.
"Kailangan ba makipag-break ka sa kanya? Eh mukha ka ng namatayan hindi pa kayo nakakapag-usap."
"Hindi naman kami daddy. Wala namang break up. Wala naman kami."

Napabuntong hininga si daddy.

"Ang gulo ng mga kabataan ngayon." Naiiling na sabi ni dad.
"Sige maiwan ka na. Sabihin ko na lang tulog ka."
Tumango ako.

Few Year Ago.

"Saya mo yata." Puna ni King sa akin. Nasa downtown kaming dalawa, nakatambay sa isang shop. Iniwan namin si Jack sa bahay dahil hindi pa tapos sa lesson niya. Home school kaming tatlo. Sabi nga ni Jack nagsasawa na siya sa mga mukha namin. Sa aming magkakaibigan, kaming tatlo ang close. Kami lang kasi ang home school.
"Kausap ko kanina si Cailee. Grounded daw si Carlos." I replied.
"Ano na naman ang ginawa ni Carlos?"
"Nabasag daw ang antique vase ni lola nya dahil nagfootball sa loob ng bahay."

Nagtawanan kami.

"Lakas ng tama mo kay Cailee." Puna ni King. Nangiti ako habang tinitingnan ang picture niya sa cellphone ko. Nasa Spain sila at doon nag-aaral.

Bata pa lang kami ni Cailee pinagpapares na kami. Hindi ko nga alam kung nakakatulong ang panunukso ng mga magulang namin sa amin. Minus Tito Red and Uncle Kyle ofcourse... Nanliliit ako kapag nakatingin silang dalawa sa akin.

"Umaasa ka pala amboy na magiging kayo talaga ni Cailee." Sabat ni Denver. Hindi namin kaclose ang taong 'to. Anak ito ng isang politician na member dito.
"Langit yun eh. Ikaw ano? Sabit ka lang sa mga kaibigan mo dito." Sabi pa nito.
"Tumigil ka nga. Hindi ka naman namin kausap sumasabat ka." Sagot ni King.
Tumawa si Denver. "I heard that your dad is not your real dad." Umiling-iling pa ito.
"Well, sabi lang na con-artist ang tatay mo. Yung tunay mong tatay."

Nagtagis ang mga bagang ko sa mga sinasabi ni Denver. Pinigilan ko ang sarili kong hindi abutin ang pagmumukha nito.

"Tumigil ka na." Bulyaw ni King.
Tumawa ulit si Denver. "You are nothing Gabriel. You don't have a name. Asul lang ang mga mata mo pero mahirap ka."

Hindi ko napigilan ang sarili ko. Sinuntok ko si Denver. Kahit si King hindi ako naawat.

Naospital si Denver dahil sa mga sugat sa mukha.
Nahiya ako sa mga magulang ko sa nangyari. Nahiya ako kay Tito Red. At mas lalong nahiya ako kay Cailee dahil tama si Denver. Anak ako ng con-artist. Anak ako ng criminal. I am nothing. I don't deserve her.

I decided to go to USA with Uncle Kian and Auntie Trisha.

Doon ako nag-aral. Ang mga video call namin ni Cailee naging madalang. Pilit ko siyang iniwasan dahil nangliliit ako sa sarili ko.

Pilit na bumabalik sa isip ko ang araw na yun.

Aayusin ko muna ang sarili ko. I will find my purpose and maybe... just maybeafter that, may chance pa kami ni Cailee.

But then again she deserve better... better than a son of a criminal like me.

Cailee & the Blue Eyed Soldier (Completed)Where stories live. Discover now