Special Chapter

9.9K 541 89
                                    

This is the continuation of the Epilogue.

--

Special Chapter
Sage Leugim Del Valle

Nakangiti ako habang nagmamaneho. Hindi ko na yata matatanggal pa 'yung ngiti ko buong araw dahil kay Zarin. Nagsusungit na naman kasi.

Napangiti ako at sinulyapan si Zarin sa kinauupuan n'ya. Kanina pa kasi nakahalukipkip at nakatanaw sa labas ng sasakyan, naiinis sa hindi ko malamang dahilan.

Nahihiya siguro dahil sinagot na ako.

Girlfriend ko na si Zarin.

Kumuyom ang panga ko, pinipigilan ang ngiti, at itinuon na lang ang atensyon sa pagmamaneho. Kailan ba ako magsasawa sa kasungitan n'ya? The more she rolls her eyes, the more my heart falls for her.

Pakiramdam ko, kapag tinanong ako kung ano ang nagustuhan ko sa kan'ya, ang isasagot ko ay ang mga irap n'ya at pagsusungit. Is it weird that it's what made me fall for her?

"Paano kung hindi pa rin maniwala?" Tanong ko kay Zarin, tinutukoy si Angela na katrabaho ko.

Hindi ko naman gusto 'yon. Hindi ko naman talaga magawang magkagusto sa iba. Palaging kapag nakatingin ako sa iba, nakikita ko ang nanlilisik na mga mata ni Zarin. 'Yung parang nag-aapoy sa galit ang tingin n'ya, mamumula ang paigid ng mga mata, kukunot ang noo, at mamumula ang mga pisngi.

No, I'm not scared of it. I'm in love with it. Kaya gustuhin ko man, alam kong wala na talaga akong pag-asang maka-ahon sa nararamdaman ko.

But then, when I think about it, napagtanto ko na kahit hindi masungit si Zarin, magugustuhan ko pa rin s'ya. Dahil kung sasabihin kong gusto ko si Zarin dahil sa sungit n'ya, paano kung hindi na s'ya nagsusungit? Will I still like her?

It's a definite yes.

I love Zarin Dela Costa for who she is and not for what she does.

"Tell her I'll scratch her face until it falls off kung hindi s'ya titigil," naiiritang sagot n'ya sa tanong ko.

Imbis na mapangiwi ako ay napatawa ako sa sinabi ni Zarin at napa-iling.

"Gustung-gusto mo naman?" Galit na tanong ni Zarin at binalingan ako.

Pinigilan ko ang sarili kong tumawa. She's really pretty and attractive when she's fuming mad but she makes the world kneel whenever she smiles. Whenever she smiles at me, it feels like I have seen a diamond after a whole year of mining endlessly. Bihira kasing makita pero napakaganda.

"Bibisitahin kita sa trabaho mo sa susunod," irap n'ya at umayos ulit ng upo.

Tumango ako at mas napangiti. Sa totoo lang, nakakapagod sa trabaho ko ngayon dahil sa dami ng ginagawa. Pero kung bibisitahin ako ni Zarin, siguro ay buo na nga ang araw ko kahit pa sigawan ako ni attorney.

"When?" Tanong ko na parang lalo lang kinainis ni Zarin.

"Anong when? I won't tell you. Mamaya ay maghanda ka pa at itago ang dapat itago," she said.

Agad akong napatawa.

"Zarin, mukha bang gagawin ko 'yon sa'yo?" Nakangiting tanong ko.

I've waited for years. Tapos ay lolokohin ko lang si Zarin? Hindi ko 'yon magagawa.

I can already see a future with her. To do something that will break all of it apart, it's unimaginable.

"Malay ko ba? Sa video call lang naman tayo nagkikita," aniya.

I smiled. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa gustong gawin. Pero girlfriend ko naman si Zarin, ano pa bang mga pag-aalinlangan ko?

Kinuha ko ang kamay ni Zarin at pinagsiklop ang mga daliri naming dalawa. Napabaling s'ya sa akin at natahimik. Napangiti ako.

Naaalala ko 'yung panahong nalasing ako. I seriously didn't know why I did the things that I did. Ang alam ko lang, sa mga panahong 'yon, 'yon talaga ang gusto kong gawin at wala akong pag-aalinlangan. Nawala ang lahat ng hiya ko kaya nagawa ko ang mga 'yon. Maybe that's what alcohol really does to a person.

Kaya nga hindi ako pinapayagan ni Zarin na uminom.

Natahimik si Zarin kaya nilingon ko s'ya. Nang makita kong naka-iwas ang tingin n'ya at nakatanaw sa labas ng bintana ng sasakyan habang namumula ang mga pisngi, agad ding nag-init ang mga pisngi ko hanggang tainga.

Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Zarin at napangiti.

Nang makarating kami sa restaurant na pagkikitaan namin kasama sina Erin, pinagbuksan ko pa ng pintuan si Zarin. Pagbaba n'ya, agad kong kinuha ang kamay n'ya at hinawakan.

Zarin noticed my grin so she glared at me. Pero imbis na may sabihin, tumahimik na lang s'ya at nagpatuloy sa pagpasok sa restaurant.

"Aba!"

Nanlilisik ang mga mata ni Erin habang pinagmamasdan ang mga kamay namin ni Zarin. Napahawak ako sa batok ko at uminit ang mga pisngi dahil sa kahihiyan.

But I liked it.

"Mukhang may ibabalita kayo, ah?" Tawa ni Erin.

Tiningnan ko si Kuya at nagtama ang mga mata namin. Tumango s'ya kaya ngumiti ako.

"Shut up, Erin." Irap ni Zarin at hinatak na ako para maka-upo na kami.

Tiningnan ko si Page na seryoso sa nilalaro n'ya sa phone. College na s'ya pero mahilig pa rin maglaro. Hindi nga lang masaway ni Mama dahil maganda naman kasi ang grades sa university.

"Kayo na, Sage?" Excited na tanong sa akin ni Erin.

Alanganin kong nilingon si Zarin. Baka kasi ayaw n'ya pang ipagsabi.

"So? Ano ngayon kung kami na?" Masungit na tanong ni Zarin at agad na napangisi nang malawak si Erin.

"My god! Finally! It's been 84 years!" Erin exclaimed and I laughed habang napapa-irap naman si Zarin.

Erin stopped teasing us at sina Kuya na lang ang kina-usap. Probably because she knows that Zarin is tired because of the long flight.

I pulled a chair for Zarin and she sat down before she lifted her gaze at me. I smiled at her.

"I missed you," I whispered before I sat down beside her and held her hand again.

Zarin glared at me, pero ang pamumula ng mga pisngi n'ya ngayon, hindi dahil sa galit. Uminit ang mga tainga ko at hindi ko na napigilan ang pagngiti.

"I missed you," I heard her mumble at gulat akong napalingon sa kan'ya.

Kalmado na ang tingin n'ya sa akin pero nakikita ko pa rin ang pamumula ng mga pisngi n'ya. I can't help but admire her. Sobrang ganda ni Zarin. Up until now, I can't believe that she chose me. After all that we've been through, after all my wrong choices, she still chose me.

"I should've said I love you instead," I chuckled, trying my luck.

"I love you," she mumbled and I pursed my lips.

Sa huli, hindi ko na napigilan ang pagsabog ng ngiti ko. Tumango ako at humigpit ang hawak ko sa kamay ni Zarin. I can't help but imagine how it would be like in the future. I want Zarin in my future.

Slowly, Zarin moved closer to me and she almost hugged my arm, never letting go of my hand.

"I love you, Sage," she said.

It was rare for me to hear her talk about how she feels about me. Kaya ang marinig ang mga salitang 'yon galing sa kan'ya, I can't help but feel my heart melting.

I love you, Zarin, more than anything in this world. 

Will You Ever Know? (Bad Girls Series #1)Where stories live. Discover now