Chapter 3

15.1K 610 206
                                    

Chapter 3

I couldn't sleep that night because I cried so much that it irritated me. Hindi ko alam kung bakit pa ako naiiyak kung buong buhay ko naman ay ganito na ang nangyayari.

"Puyat ka?" Salubong sa akin ni Erin nang makababa ako para sa almusal.

Maybe she based her judgement on my bed hair and sleepy and puffy eyes.

"Slight." Tipid kong sagot at humikab bago maka-upo sa mesa.

Nang matapos kumain ay umakyat kaagad ako at inayos ang sarili para sa isang panibagong araw sa school. Naglalagay pa ako ng lipstick nang kumatok na ang isa sa mga katulong namin.

"Zarin! Sabi ng ate mo ay bilisan mo na dahil nandyan na si Rage, Sage at Page!" Anito at sinagot ko naman na bababa na ako.

Napa-iling ako at kinuha na ang bag para makababa na. Ang long-sleeved blouse ng uniform ko ay bahagya kong pinagpag at inayos ang kulay itim na neck tie. Tiningnan ko sa salamin ang palda ng uniform na kulay gray at sinipat ko rin ang sapatos kong itim. Nang makuntento ako ay bumaba na ako at hindi pa man ako tuluyang nakakababa ay naririnig ko na ang tawa ni Erin.

Naabutan ko silang naka-upo sa sala. Si Erin ay panay ang tawa habang tinitingnan ang nasa phone ni Rage, habang si Rage naman ay nakangisi habang tinitingnan din ang phone. Si Sage ay ngingiti-ngiti lang habang si Page naman ay masungit na nakatutok sa iPad nito at may nakapasak na earphones sa magkabilang tainga.

"Oh," Nilingon ako ni Erin. "Nandyan na pala ang prinsesa."

Umirap ako at hinintay silang makatayo. "Tara na."

"Sandali lang." Napalingon ako nang magsalita si Sage. "Wala pa si Iea."

Napakunot kaagad ang noo ko at matalim ko s'yang tiningnan. How dare he irritate me early in the morning. Ang manhid-manhid ng lalaking 'to. I don't know kung nahahalata n'ya bang naiirita ako sa pagkatao ni Iea or talagang wala s'yang clue!

Hinayaan ko ang sakit na naramdaman ko sa dibdib ko at umirap. Nakita kong napatingin sa akin si Sage at napatitig pero hindi ko s'ya binalingan.

"Daanan na lang natin si Iea." Sabi ni Rage at nilaro sa kamay ang key fob ng sasakyan.

"Okay. I'll text her." Sabi kaagad ni Sage at mas lalong kumunot ang noo ko.

"Ako na." Natatawang sabi ni Erin at inangkla ang braso sa braso ko. Umirap ako kay Erin at nagpatianod sa hila n'ya. "Let's go!"

Sakay ng Fortuner ni Rage ay dinaanan namin si Iea sa bahay nila. Nang tuluyan nang lumabas si Iea sa bahay nila ay kaagad s'yang sumakay.

Si Sage ang nasa front seat habang si Page naman ay piniling mag-isa sa likod. Tabi-tabi naman kami ni Iea at Erin sa ikalawang row.

"Sorry! Nalate kasi ako ng gising." Aniya at namula ang pisngi.

Nang tumama ang mga mata n'ya kay Sage na parang may alam sila na hindi namin alam ay kaagad na kumulo ang dugo ko. Umirap ako at lumingon sa labas ng bintana.

What now? Did they freaking talk all night? I don't even care! We don't care!

Kagabi, umiiyak ako dahil sa walang kuwentang rason habang sila... nag-uusap, nagtatawanan, at naghahagikgikan buong gabi? I don't care, Sage.

Will You Ever Know? (Bad Girls Series #1)Where stories live. Discover now