Chapter 28

9.4K 388 26
                                    

Chapter 28

Limang araw na ang lumilipas. Ilang araw din akong umasa na makikita ko si Sage sa subdivision namin o kahit sa eskuwelahan. Pati nga roon sa pinupuntahan namin kung saan may spoken poetry ay pinuntahan ko, nagbabakasakaling makita ko ang prisensya n'ya roon.

Ni text ay wala.

Does he want me to wait for him?

O baka talagang pinaasa n'ya lang ako? Bakit nga ba ako naniwala sa kanya? Paano kung si Iea talaga ang mahal n'ya?

But a part of me is still hoping and is still believing that his words are true and he will never tell me lies. Dahil kung nagsinungaling man s'ya... Para saan? He will never do that to me. I can't think of a reason kung bakit n'ya gagawin 'yon.

And that night... Sage looked really sincere. 

Hindi ko mapigilang makaramdam ng awa para sa kan'ya dahil pakiramdam ko, iniipit lang din s'ya sa situwasyon. 

Walang gana ako pumasok sa bahay namin matapos kong maka-uwi galing ng St. Agatha University, only to see Tita Lary sitting on our couch. Tulala s'ya at maga ang mga mata. My heart broke at the sight of her. She has always been a happy woman. She also has been a mother to me, kaya ang makita siyang ganito ay nakakapanghina.

Since she never had a daughter, she treated me, Erin, and Iea as her own. Ngayon, parang nababasag ang puso ko dahil para ko na rin s'yang pangalawang ina.

Lumapit ako at nagmano. Doon lang s'ya napatingin sa akin at napatayo. Mukhang gulat s'ya sa biglaan kong pagdating. She's wearing a plain white dress, nilingon ko ang kusina at baka makita si Mommy. Nang 'di makita ay bumaling ulit ako kay Tita. She's staring at me.

I got confused with the way she looked at me. Hindi ko mabasa ang eskpresyon n'ya.

"Good afternoon po, Tita." I smiled. Or forced a smile.

She smiled but it didn't reach her eyes. Maybe, like mine. Agad akong kinabahan sa ngiti n'yang 'yon. Laging magiliw si Tita Lary pagdating sa akin. Ngayong gan'yan ang ngiti n'ya, para akong kinakabahan.

"Can we talk, Zarin?" Aniya.

Napatitig ako sa kanya, trying to read her eyes, but all it says is pain and loneliness. Tumango ako at umupo sa sofa nang umupo na rin s'ya roon.

Sa una ay hindi s'ya nagsasalita. Balot na balot lang kami ng katahimikan. Siguro kasi inaalam n'ya pa kung ano ang sasabihin at sasabihin ba n'ya 'yon. 

Ngayong natititigan ko si Tita Lary, I realized that she looks like Sage. Ang magkakapatid kasi na sina Rage, Sage, at Page ay pare-parehong kamukha ng kanilang ama. I thought Sage was the same. Pero na-realize ko na hawig n'ya si Tita Lary. Sa maaamo at malalambing na mga mata, maging ang paraan ng pagngiti.

Maybe this was really hard for her. Of course, it is. Kung para sa akin nga ay mahirap, paano pa kaya kay Tita Lary? She's Sage's mother. Sa aming lahat, siya ang pinaka nasasaktan.

Nang lumipas ang ilang minuto ay t'saka lang nagsalita si Tita Lary.

"Sabi ng mommy mo... Nandito raw si Sage no'ng isang gabi?" She asked and I nodded. 

Naaalala ko ang gabing iyon. Of course. Nung una ay natutuwa akong alalahanin... Pero ngayon... 

"What did he tell you?" She forced a smile.

Napakurap ako at napa-iwas ng tingin. Lumikot ang mga mata ko at gumalabog ang puso ko. Should I tell her? Or not? Maybe I should because she's his mother. But it's uncomfortable.

Will You Ever Know? (Bad Girls Series #1)Where stories live. Discover now