Chapter 26

9.3K 386 166
                                    

Chapter 26

Naguguluhan na ako sa sarili ko. I want to stop this now. Bukod sa nauubos ng problemang ito ang enerhiya ko ay napapagod na akong masaktan. At bakit ba kailangan ko ring masaktan? Bakit nadadamay ako sa istorya nilang dalawa?

Bakit ba hindi ko na lang ibalik sa dati? Iyong wala akong pakielam kahit anong gawin nila?

Tinitigan ko ang phone ko na umilaw dahil sa panibagong text. Nang makita ko ang pangalan ni Sage doon ay parang tinutusok na naman ang puso ko. Napapikit ako sa inis at galit. 

Inis para sa sarili ko, dahil kahit nasasaktan na ako ay hindi pa ko nadadala. Dinampot ko ang phone at tiningnan ulit iyon para basahin ang panibagong text ni Sage.

I just can't help but despise how I love him still after he hurt my feelings. It's frustrating.

Sage:

Sorry, Zarin.

Sage:

I think you misunderstood. 

Napapikit ako nang mariin. Misunderstood what? Ano na naman?

Bago pa ako makapagtipa ng panibagong text ay mayroon na namang dumating na isa.

Sage:

Please. Mag-usap tayo. Lilinawin ko na muna sa'yo, Zarin. Please?

Nag-ring ang phone ko sa isang tawag. Galing kay Sage iyon. Napabuga ako ng hangin at kinagat ang labi ko para pigilan ang mga luhang nagsisimula na namang mamuo. 

Nagdalawang-isip ako kung sasagutin ko ba ang tawag n'ya pero sa huli, I answered his call. Nakaka-inis ka talaga, Zarin. Nasasaktan ka na pero sasagutin mo pa rin ang tawag na 'yan.

Sa una ay dinig ko ang hangin sa background at ang paghinga ni Sage sa kabilang linya. He wasn't talking. Naghintay lamang ako. My heart was beating so fast na sa sobrang bilis ay hindi ko na halos maramdaman. Sa bawat minutong lumilipas ay parang kinukurot ang puso ko. 

Nasa labas ba s'ya? Ang hangin. Mukhang nasa labas nga s'ya. Nasa garden nila? Sa labas ng gate nila? Matatanaw ko kaya s'ya?

I can't help but wonder what he'll tell me now. Maniniwala pa rin kaya ako? Or will my growing hatred for him make me doubt? Ewan ko. Pakiramdam ko kasi, hindi ko na kilala ang sarili ko pagdating kay Sage. Lahat ng pundasyon, nabubuwag. Lahat ng pader ay nalulusaw. 

Kahit ga'no s'ya kahina sa paningin ko, ang linaw-linaw kung gaano katindi ang epekto n'ya sa'kin. Kahit wala s'yang gawin, manghihina pa rin ako sa harapan n'ya.

Bigla akong nagsisi na naging malapit kami nitong nakaraang mga linggo. Pakiramdam ko kasi, nang naging mas malapit kami, mas naging malakas ang epekto ni Sage sa akin. Dati, kaya ko naman s'yang ignorahin. Ngayon, isang tingin n'ya lang, napapalingon agad ako. Isang salita n'ya lang, naaapektuhan na agad ang damdamin ko.

I always knew I was strong, pero pagdating kay Sage, hindi ko na alam. Parang bumabaluktot ang lahat ng prinsipyo ko para sa kan'ya. Parang lumiliko ang mga pananaw ko para lang magtagpo kaming dalawa. 

Will You Ever Know? (Bad Girls Series #1)Where stories live. Discover now