Epilogue

18.1K 748 437
                                    

Warning:
This chapter might contain words and statements that may be sensitive, offensive, and may trigger traumatic experiences and thoughts about suicide and self-harm.
Please proceed with discretion.

Epilogue
Sage Leugim Del Valle

Napabuntong-hininga ako habang tumatanaw sa automatikong bumubukas na glass doors kung saan lumalabas ang mga tao. Kakaunti pa lang ang lumalabas.

Kanina pa akong alas-dos ng hapon dito pero alas-tres na ay wala pa rin s'ya.

Kinagat ko ang labi ko at napatitig sa mga puting sapatos ko. Kanina ko pa rin iniisip kung... okay lang ang suot ko ngayong araw. I sighed.

I glanced at my black slacks and plain maroon polo. Nakabukas ang tatlong butones ng polo ko. My chest is slightly peeking. Erin told me that it suits me really well to dress that way. She's Zarin's sister so... I believe her.

Isa pa, s'ya rin ang patuloy na nagtutulak sa akin kay Zarin noon. Napangisi ako nang maalala ang lahat ng pakulo ni Erin para paglapitin kami ng kapatid n'ya.

Hindi ko alam kung paano nalaman ni Erin na may gusto ako kay Zarin. Parang s'ya pa nga ang unang nakaalam ng totoo kong nararamdaman kaysa sa akin.

I started to notice Erin's actions noong malapit na ang debut ni Zarin.

She came to our house originally for Kuya Rage pero dahil wala pa si Kuya dahil may binili pa ay nasa sala s'ya ng bahay namin, kumportableng naka-upo sa sofa at nanonood ng TV habang kumakain ng meriendang inihanda ng isa sa mga kasambahay namin.

"Erin." Bati ko at na-upo sa tabi n'ya.

Napatingin sa akin si Erin at tumango. Ibinalik n'ya ang tingin n'ya sa TV pero makalipas ang ilang sandali ay nilingon n'ya ako kaagad.

"Malapit na ang debut ni Zarin at Iea." Bigla n'yang sabi.

Nagtataka ko s'yang tiningnan at tumango ako. "Oo, ilang buwan na lang." Nagtataka ko pa ring sagot. "Bakit?"

Ngumisi si Erin at napangiti ako. It's funny how Erin is different with Zarin but they are the same at the same time. Maloko si Erin at laging makulit pero laging may maitim na plano. Si Zarin ay tahimik, aloof, at masungit sa iba pero para ring may masamang ginawa.

I bit my lip and suddenly remembered how Zarin scolds me every time I get hurt. Noong mga bata pa kami, kinakabahan ako sa tuwing pinapagalitan ako ni Zarin. Pero habang tumatanda at nagkaka-ideya na ako sa pagkakaroon ng mga crush, I realized that I am always nervous around Zarin because I... actually like her.

Dumating din ako sa puntong kapag nagkakaroon ako ng mga sugat ay si Zarin agad ang naiisip ko.

Zarin will surely be angry with me.

Zarin will scold me for this.

Zarin will definitely roll her eyes at me.

Instead of getting scared of those thoughts, para pa akong nasasabik na makita 'yon. Ang galit na Zarin, tahimik na Zarin, at ang umiirap na Zarin.

"Inaya ka ni Iea na maging escort n' ya?" Tanong ni Erin sa akin, nakataas ang kilay, halatang gustong may mapigang sagot galing sa'kin.

"How did you know?" Takang tanong ko.

Iea asked me to be his escort. Pero... deep inside, I was really waiting... if Zarin has already chosen someone.

Mahirap tanggihan si Iea pero gusto kong unahin si Zarin.

Will You Ever Know? (Bad Girls Series #1)Where stories live. Discover now