Chapter 33

10.2K 426 195
                                    

Warning:
This chapter might contain words and statements that may be sensitive, offensive, and may trigger traumatic experiences and thoughts about suicide and self-harm.
Please proceed with discretion.

Chapter 33

I woke up the next morning, disturbed with the noise at our living room. Pupungas-pungas pa ako nang bumaba sa aming sala at nagising ang diwa nang makita roon ang nanggagalaiting si Iea na hinahanap ako at pinipigilan ng mga kasambahay.

What is she doing here?

Medyo gusot na ang damit n'ya, marahil ay dahil sa pagpigil sa kan'ya ng dalawang kasambahay na mukhang nahihirapan na. Iea's hair is in a mess too.

"WHORE!!!" She shouted.

Nilibot ko ang mga mata ko. It's a relief that Mommy and Daddy aren't there, ngunit si Erin ay nandito at galit na galit sa ginagawa ni Iea.

"Iea calm down!" Galit na sigaw ni Erin na rinig na rinig sa buong sala. I have never seen her this angry. "This is trespassing!"

Nilingon ni Iea si Erin at matalim itong tiningnan. Malalim ang bawat paghinga n'ya, her eyes are moist and bloodshot in anger, and her face is so red.

"I don't care!" Sigaw ni Iea. "I don't freaking care, Erin!"

Agad na napa-iling at napamura si Erin. She held her forehead and she looks really frustrated with Iea who tried to grab me again.

Umatras ako at kinunutan ng noo si Iea. "Anong problema mo?" Galit kong tanong.

"YOU SAID YOU DON'T LIKE SAGE!" Sumbat n'ya at nagtagis ang panga ko. "You agreed on helping us! Tapos ganito?!" She cried. "Mang-aagaw ka, Zarin!!! YOU'RE A CHEAP WHORE!"

Umiling ako at tatalikuran na sana si Iea pero nahablot n'ya ang buhok ko nang hindi na s'ya kayang pigilan ng dalawang kasambahay. Mabilis na lumapit si Erin at itinulak si Iea palayo sa akin at isang malakas na lagapak ng sampal ang narinig sa buong bahay. Nanlaki ang mga mata ko roon, gulat na napalingon sa kapatid kong nag-aalab ang tingin kay Iea at humihingal sa galit.

Napaupo si Iea sa malakas na sampal ni Erin at napatulala sa sahig habang hawak ang pisngi.

"Ang kapal ng mukha mong sumugod dito at saktan ang kapatid ko, Iea!" Galit na galit na sigaw ni Erin. "Get out of this house!"

Napatitig ako kay Iea. My heart broke for her. She wasn't like this before and it's scary how love turned her into this. Or is it really love? Can I call it love when all she did was to be selfish? Love is supposed to be the key to being selfless, right? It's not love. She's putting us on her palms; playing with us and hurting us; controlling us for us to bend to her wishes.

Namuo ang galit ko para kay Iea. Para itong bloke na pumatong at dumagdag pa sa ibang bloke na nabuo ko na dati. I really can't understand her. Kasi noong mga panahong inakala kong s'ya ang gusto ni Sage, I haven't thought about threatening Sage with my life just so he would choose me over her. I was even willing... if Sage doesn't really like me... to let go of him. Kahit ngayong alam kong ako ang gusto ni Sage, I am still willing to let him go.

I smirked at Iea and she stared at me with fury in her eyes.

"I knew you're not good in school but I didn't know that you're this stupid." Nanginig ang ngisi ko.

Bumuhos ang mga luha ni Iea at galit akong tiningnan. My heart broke with how she looks right now. She looks desperate and miserable. Nakakalungkot na hindi n'ya naisip na bata pa kami at hindi n'ya kailangang maging ganito para lamang sa isang lalaki. She still has a long run to take, why must she stop here? She might meet someone better than Sage; someone who will love her sincerely. Hindi iyong hindi masuklian ang pagmamahal n'ya.

Will You Ever Know? (Bad Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon