Chapter 16

10K 408 60
                                    

Chapter 16

I tried not to think about it too much. Ang martyr ko naman kung pati 'yon ay gagawin ko para kay Sage. He should tell me first... in front of my face that he likes Iea. And maybe... just maybe, I could reconsider.

Ang tanga mo, Zarin. Hindi ko mapigilang matawa sa sarili ko. Kasi kahit isipin ko naman na dapat ay hindi ko 'yon gawin, at the end of the day, I'll still do something for him.

Kinabukasan ay nagulat ako nang naabutan ko sina Tita Lary at Tito Paul na nasa hapag habang katawanan ang aking mga magulang at kumakain ng breakfast. I don't know what to say. 

Normally, I would kiss Tita Lary's cheek and half hug Tito Paul, so that's what I did, ignoring the awful feeling inside. I should not care anymore!

Napabuga ako ng hangin. Dahil nandito si Tita Lary ay nandito rin si Rage, Sage, at Page. Ang wala dito ay si Iea, obviously rebelling. Wala na akong ibang maisip na dahilan kung bakit wala s'ya. 

The breakfast ended well, thankfully! Halos hindi ko nga nagalaw ang pagkain ko kakasulyap kay Sage na mukhang wala namang reaksyon at mukhang normal lang, at buwisit dahil nahuhuli n'ya ang mga tinging iyon, at kakasulyap din kina Tita Lary at Tito Paul na masayang kausap ang aking mga magulang. 

Wala sa sarili rin akong nag-ayos para makapasok na. Ilang beses pa akong pinaalalahanan ni Erin na bilisan ko dahil baka ma-late kaming lahat dahil sa akin. 

Nang bumaba na ako para maka-alis na ay wala na si Erin sa sala at tanging si Sage na lang ang nakatayo roon at naghihintay sa akin. Sage looked at me and smiled. Umirap ako at bumaba na, hindi s'ya ngingitian pabalik dahil nakakaramdam ako ng iritasyon sa kan'ya.

Palabas na kami ng double doors nang mapa-upo si Sage nang namali ng baba sa mababang mga steps ng hagdan sa labas. Gulat akong napalingon at agad na napa-upo para hawakan s'ya at alalayan. Agad s'yang napa-inda sa sakit at napapikit pa. Napa-irap ako at kaagad na nairita.

"I can't believe that you're still clumsy! Tigilan mo na nga ang pagiging lampa!" Galit kong sabi sa kanya at nag-angat s'ya ng tingin sa akin at natawa bago napahawak sa kanyang batok.

"Sorry." He smiled.

Umirap ako. The hell. Nakakasuka ang pumasok sa isip kong ang cute n'ya.

"Oh, tama na ang bangayan." Tawa ni Erin, tumutulong na rin sa pag-alalay kay Sage na napapapikit ang isang mata sa sakit ng bagsak n'ya at nangingisi pa.

Inis akong tumayo at matalim na tiningnan si Sage.

"Namali lang ng baba." Ngiti sa akin ni Sage. He looks very amused.

Well, I'm angry!

"You should act like you're a man! Eh mas babae ka pa sa akin!" Nang makita ko ang sugat sa kanyang braso ay napakunot ang noo ko. Namumula 'yon at may gasgas pa sa ibang parte. Galit ko iyong hinawakan. Napa-daing si Sage nang maramdaman ang sakit. "See?! Nagkasugat ka pa!" Binitawan ko iyon.

"That's enough!" Tawa ni Erin at hinawakan kaming dalawa sa balikat. Hindi ko alam kung referee ba s'ya naming dalawa o isang audience na nagchi-cheer na ituloy pa namin ang suntukan.

"What happened?" Natatarantang dalo sa amin ni Mommy nang marinig siguro ang galit ko. Sumunod na sumilip si Tita Lary.

"It's nothing big, Tita." Nahihiyang napahawak si Sage sa kanyang batok na nagpakita pa lalo sa sugat nito.

Nanlaki ang mga mata ni Tita Lary at mas lalo lang akong napa-irap kay Sage. Tingnan mo kung gaano karami ang naaabala n'ya dahil sa hindi n'ya pag-iingat!

Will You Ever Know? (Bad Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon