Chapter 7

11.9K 483 33
                                    

Chapter 7

Pagod kong binalingan si Vaughn nang harangin n'ya ako isang araw habang papunta sa isa sa mga cafeteria ng St. Agatha University. Nakangisi s'ya sa akin pero malamig ko lang s'yang tinitingnan.

"Ang sungit!" He laughed.

I frowned at him. "Cut the crap, Vaughn. What do you need?"

"Inaaya lang kitang sumama sa Friday. Bar? Interested?" He asked, showing me his boyish grin. "May naka-usap na akong puwedeng magpasok ng minors." He shrugged.

It isn't new to me. Nang pumasok na ako ng senior high school ay ilang beses na akong nakasama sa club na pinupuntahan ni Vaughn. I'm familiar with it. Hindi mahigpit sina Mommy at Daddy sa ganito. Ang inaalala lang nila ay curfew. They trusts us kaya maluwag sila sa amin.

I sighed. Kung sa bagay ay gusto ko rin namang makahinga mula sa mga nangyayari nitong nakaraan.

Bigla kong naisip si Sage at ang hindi ko maintindihang relasyon n'ya kay Iea. I wonder kung sila na? Maybe hindi pa. Kung maging sila ay paniguradong ipagsasabi na 'yon ni Iea o ikakagalit ni Tito Paul kaya ko malalaman.

"Fine." I shrugged.

"Nice!" Ngiti ni Vaughn at umakbay sa akin.

Agad kong sinampal ang braso n'ya pero nanatili ang akbay n'ya sa'kin.

"Tigilan mo ako, Vaughn." Inis kong sabi sa kan'ya.

"Ang sungit mo ngayon, Zarin." Vaughn laughed. "Problem?"

Umirap ako sa ere at hinayaan na si Vaughn. Kahit ganiyan ang isang 'yan ay malapit kaming magkaibigan. He tried to hit on me once. Pinagbigyan ko at pinagsawaan din kaya tinigilan pero ni hindi man lang lumayo at natuto ang isang ito. He always tells me that the way I treat him amuses him kaya masarap daw kong kaibiganin.

However, kahit na sinabi n'ya 'yon ay para namang hindi pa rin s'ya tumitigil sa pangungulit.

Before, I was open to any kind of relationship. Nang maging kaibigan ko si Vaughn, parang binarikadahan n'ya ako. Dahil malakas nga ang impluwensya ni Vaughn at maraming kaibigan sa iba't ibang strands at section, maging sa ibang years, Zarin Dela Costa became off limits.

Kala mo naman ay pag-aari ako. Well, wala na akong pakielam sa gusto n'yang gawin at ipagkalat. Wala rin naman s'yang magagawa kung may makilala ako at maging fling.

Bigla kong naisip si Sage. Isa pa iyon. Wala namang pakielam 'yon.

Nang mag-high school ako, kapag mayroong nanliligaw sa akin o gustong makipaglapit ay pumapayag ako dahil naisip kong wala namang masama doon lalo na't... hindi naman ako gusto ng gusto ko.

Ha. How pathetic, Zarin?

Napairap ako nang maisip 'yon. Magsama si Sage at Iea kung gusto nila.

Ipinaalam ko nga kina Dad ang tungkol sa night out na gusto ni Vaughn na samahan ko. Pumayag si Dad pero si Mom ay mukhang nagdadalawang-isip. Hindi ko alam kung bakit.

"Wow. Mukhang umaabante si Vaughn, ah?" Halakhak ni Erin and I looked at her, disgusted at the thought.

Kasalukuyang nakaupo si Erin sa isa sa mga sofa sa sala. Kanina ay abala sa phone na hawak pero ngayon ay nasa akin na ang buong atensyon. Katabi n'ya si Mommy na ngayon ay nakatutok ang mga mata sa TV.

"Shut up, Erin. I don't like Vaughn." I said.

"Ouch!" Kunwari ay daing ng kapatid ko. "Kung ako si Vaughn ay masasaktan ako nang sobra."

Will You Ever Know? (Bad Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon