Chapter 24

9.4K 438 129
                                    

Chapter 24

After that night, ilang araw kong hindi nakita si Sage kahit na magkapit-bahay lang naman kami. Mom was busy planning the weddimg with Tita Lary, ngunit kahit madalas sa aming bahay ito, maging si Rage, ni ang anino ni Sage ay hindi ko nakita pati na rin sa St. Agatha University.

Is he hiding from me? Naaalala n'ya ba ang mga nangyari noong lasing s'ya?

Dahil hindi ko naman magawang pumunta sa bahay nina Sage para magpalipas ng oras dahil naiisip ko pa rin iyong gabing nalasing s'ya, si Vaughn ang tinawagan ko para samahan akong mag-mall. Bored na ako sa bahay at naisipan kong mamili na lang o kaya manuod ng sine.

Kaya naman nang mag-volunteer si Vaughn na samahan ako ay nag-ayos na ako kaagad. I wore a white overlap sweetheart crop top I paired with my boyfriend jeans which I secured with a black belt. Sa sapatos ay nagsuot ako ng white block-heeled sandals at nagdala ako ng itim na purse.

Sinosoot ko na ang sandals ko nang maka-receive ako ng text galing kay Vaughn na kanina pa s'ya nasa labas at naghihintay sa akin. Inirapan ko na lang 'yon.

"You're here again?" Salubong ko kay Rage nang makita s'yang papasok ng aming double doors.

Simple ang suot n'yang plain white shirt at gray sweatshorts, halatang dito lang s'ya pupunta. 

Itinaas n'ya ang isang binder. "I'm giving Erin my notes."

Umirap ako. "Just confess your feelings already! You're too torpe." I said at dumiretso na sa paglabas bago pa man makasagot si Rage sa pang-aasar ko sa kan'ya.

I smirked when I got out of our house successfully.

"At last!" React ni Vaughn nang makalabas ako at makita na n'ya ako. There's this scowl in his face that made me laugh. "Ano bang mayroon kayong mga babae? You took almost forty minutes! Nagpa-late pa ako n'yan ah? Ano 'to? Filipino time?" Mahaba n'yang litanya.

I immediately smiled at him at tinapik ang kan'yang pisngi. He's wearing a plain black shirt and ripped jeans. Ang sapatos n'ya ay isang pares ng white sneakers sa isang mahal na brand.

"You're so noisy!" Irap ko at diretsong pumasok sa kanyang kotse.

Napapa-iling namang pumasok na rin si Vaughn sa loob ng kotse.

"Hindi mo ba puwedeng bilisan naman?" Tuloy n'ya sa argumento nang sa wakas ay maka-upo na sa driver's seat.

Pero kahit naman nagrereklamo si Vaughn ay alam kong sinasabi n'ya lang 'yan at hindi naman talaga naiinis. He just really loves being overly dramatic.

"Ikaw ang nag-volunteer na samahan ako! Hindi naman kita pinilit, ah?" Nangingiti akong napa-irap dahil alam kong may punto ako roon.

"Hindi mo nga ako pinilit, pero kaunting respeto at konsiderasyon naman! Halos isang oras akong naghintay!" Nguso n'ya at tinawanan ko lang s'ya. He glared at me. "Good mood ka, ah?" Pinagtaasan n'ya ako ng kilay.

Tama naman s'ya roon. Kaninang umaga ko pa hindi mapigilan ang pagngiti. Pati noong mga nakaraang araw. Napapansin din ni Erin pero ipinagkikibit n'ya na lang ng balikat.

"Of course." I smiled at him.

Binalot kami ng katahimikan matapos akong irapan ni Vaughn. Pero ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay nagsalita s'ya ulit.

Will You Ever Know? (Bad Girls Series #1)Where stories live. Discover now