Chapter 4

13.9K 584 135
                                    

Chapter 4


"Highest honor ka?" Manghang sinabi ni Iea kay Sage. "Ang talino mo talaga." Tuwang-tuwa n'yang sinabi at napakunot ang noo ko sa iritasyon. Narinig ko ang mahinang tawa ni Erin at siniko ako, nakita n'ya siguro ang reaksyon ko doon.

"Si Zarin din naman ah?" Puna ni Rage sa akin at inirapan ko s'ya. 

Sama-sama kasi kaming lima ngayon sa cafeteria. Si Page ay may klase kaya hindi namin kasama. Sinadya talaga kami nila Erin dito para lang alamin ang puwesto namin sa honors. 

"Ikaw, Iea?" Tanong ni Erin dito pagkatapos ay nilingon ako at kinindatan.

Sigurado ako na mababa ang nakuha ni Iea. Hindi s'ya ganoon katalino kaya inaasahan ko na ang sasabihin n'ya.

"Hindi ako nakapasok eh." Napahawak s'ya sa batok n'ya. Napangisi ako at mas pinagtuonan na lang ng pansin ang phone.

"Okay lang 'yon, may next month pa naman para bumawi." Napa-angat ang tingin ko kay Sage nang mag-salita s'ya at kaagad na nagtagis ang bagang ko. Napa-iling ako. Next month? Seryoso ba s'ya? Kung ganon, kung bumagsak s'ya ulit, next month na naman? "Kung gusto mo, sabay na tayong mag-aral." Offer ni Sage na ikinakunot ng noo ko.  

"I think mas makakapag-aral si Iea kung hindi mo tutulungan, Sage." Sabi ni Erin at siniko ako. Kaagad akong nag-iwas ng tingin at umirap.

"O-Oo nga, Sage." Sinulyapan ko si Iea na ngayon ay bahagyang nayuyuko at namumula ang mga pisngi. "Ako na lang. Kaya ko naman." At bahagya s'yang natawa.

Nakaka-irita.

"Gano'n ba?" Ngumiti si Sage at napakunot ang noo ko. 

Kaagad kong ipinasak sa mga tainga ko ang earphone at piniling 'wag nang makinig sa kanila. Nangingiti si Erin habang sinusulyapan ako at ang dalawang love birds ay patuloy pa rin sa pagngingitian.

Nakakasuka. 

Pag-uwi ko ay binulabog ako ni Mommy at ni Tita Lary tungkol sa nalalapit kong debut. One month pa ang kailangang hintayin bago ang araw na iyon. Mom was the one who picked my eighteen dances since wala naman akong pakialam doon at mas gusto kong s'ya ang mag-ayos. Erin helped her with it since si Erin ang nakakaalam ng mga taong close sa akin, which is very limited.

"Magi-start na tayo ng practice for the cotillion tomorrow." Anang organizer at tumango lang ako. "Nasabihan mo na ba ang escort mo?" She asked at kaagad na napakunot ang noo ko at nilingon si Erin na nakikinig lang sa gilid.

Nang parang makuha n'ya ang cue n'ya para sumabat ay tumayo s'ya at nakangisi akong tiningnan. "Of course. Bukas ay sisiguraduhin kong on time s'yang darating."

"Good." Sabi ng organizer at inasikaso ang ilan pang mga gagawin.

"May kalokohan ka na naman ano?" Tinaasan ko ng kilay si Erin pero nginitian n'ya ako.

"Kalokohan?" She laughed. "Baka lumuhod ka pa sa akin sa pagpapasalamat."

Of course ay may idea ako sa gusto n'yang mangyari. I smirked.

Dahil sabado ay wala namang naging problema sa schedule ng mga inimbitahan sa cotillion. Maaga sina Tyrone, Seve, at Allen. Paniguradong late si Vaughn kaya hindi ko na inabala pa ang sarili ko na ma-stress sa kanyang pagka-late. Si Page, kahit nakasimangot ay nandoon at maaga. Si Aron ay nandoon din, binati ako nito kanina. Si Erin naman ay inabala ang sarili sa boyfriend. Pinuno ng ilan kong mga pinsan na babae at lalaki ang clubhouse ng subdivision namin.

Nang dumating si Sage sa clubhouse ay napakurap ako. Though, alam ko naman na ito ang balak ni Erin, I can't sink it in. Bigla akong nairita, kaya nang ngitian ako ni Sage ay inirapan ko s'ya kaagad.

Will You Ever Know? (Bad Girls Series #1)Where stories live. Discover now