Chapter 11

10.5K 427 51
                                    

Chapter 11

Pagod ako mula kagabi pero medyo maaga pa rin akong nagising para mag-ayos. 

Naabutan ko ang sandamakmak na regalo sa bungad ng kuwarto ko. I tried to check each one at nang makita ko ang regalo ni Sage para sa akin ay agad ko iyong inangat. I blinked and stared at the small paper bag. Is it a jewelry?

I pouted and opened it. Napa-awag ang mga labi ko nang ma-realize na kuwintas ang ibinigay n'ya. Nasa loob pa iyon ng isang jewelry box na may naka-engrave na mamahaling brand name. I know this brand. Mahal ito.

I took the necklace out. Parang nagniningning ang mga mata ko habang tinitingnan iyon. It was a crossover mini pendant necklace. May gold detail iyon at simple lang. I pouted and felt pleased with the gift. Itinabi ko na iyon at nagsimula nang mag-ayos.

Mula nang mag-16 ako, lagi nang napagkakasunduan na kinabukasan ng birthday ko ay puwede akong lumabas kasama ang mga kaibigan ko.

Well, hindi naman marami ang mga kaibigan ko, pero lagi kong kasama si Erin. Sometimes, I'd spend the day with Sage, Rage, and Page too. Siyempre ay kasama si Iea kapag gano'n. Pero bihirang mangyari 'yon dahil magkasunod lang kami ng birthday ni Iea kaya, of course, ay ginagamit n'ya ang araw na 'yon para sa sarili n'yang birthday. Like today. Debut n'ya rin. 

Ang mas madalas na kasama ko ay si Vaughn at ang mga kaibigan n'ya. He uses that chance to let me meet his other friends. Okay lang sa akin. I just want to kill time anyway.

Tinext na rin ako kanina ni Vaughn na papunta na s'ya kasama sina Allen, Seve, at Tyrone, his friends that are kind of my friends too since magkaka-klase naman kami. 

I wore a simple fitted black crop top at high waisted light blue wide-leg jeans I secured with a black belt. I wore a pair of black army boots for my footwear. I wore light make up at tanging ang red lipstick ang naging bold sa make up ko. Ang buhok kong may kahabaan ay hinayaan kong nakalugay at naka-ipit sa likod ng mga tainga ko.

I went to Sage's gift for me at isinuot iyon at itinago sa ilalim ng suot na black shirt. 

Vaughn:

We're here.

Tiningnan ko ang message na iyon ni Vaughn bago pumunta sa tapat ng kuwarto ni Erin para sunduin s'ya roon but I frowned when I saw her in her sleeping wear and messy hair as she opened the door for me.

"I can't go, Zarin." Parang gustong matawa ni Erin habang sinasabi n'ya iyon sa akin with her pale skin, eyebags, and bed hair. "I'm sick, you see." Nilahad n'ya pa ang kamay sa sarili.

Mas lalong kumunot ang noo ko. We've talked about this, dati pa! Ngayon ay hindi s'ya tutuloy?

"But you promised!" Iritadong sinabi ko sa kanya at humalukipkip. Nasa labas na si Vaughn, kanina pa, at hinihintay na lang ako. "Hindi ako papayagan nila Mom umalis nang mag-isa!" Napupuyos kong sabi sa kanya.

That's a lie, of course. Hindi naman mahigpit sina Mommy pero mas prefer nila kung kasama ko si Erin. Mas prefer ko kung kasama si Erin. 

Erin, although most of the time is irritating, hindi ko naman maitatangging malaki ang tulong n'ya sa akin tuwing kailangan ko ng tagaligtas sa tuwing nasa isa akong awkward na position. Awkward position, meaning, when I'm in a crowd, na alam kong hindi ako kumportable dahil hindi naman ako mahilig makipag-kaibigan.

Will You Ever Know? (Bad Girls Series #1)Where stories live. Discover now