Chapter 21

9.4K 467 86
                                    

Chapter 21

"May napapansin ako." Erin smiled at me habang ako'y nangangalkal sa kanyang closet ng mga damit at sapatos. Bukas na kasi ang Halloween party na sinasabi n'ya. I already bought some things para sa magiging costume ko. Ang ibang kailangan naman, tingin ko ay mayro'n na kay Erin kaya hindi na ako bumili. "Lagi kayong magkasama ni Sage. Mukhang kumikilos ka na ah?" She laughed evilly.

Agad na nanlamig ang sikmura ko. Naiisip ko iyong mga araw na magkasama kami ni Sage. Totoo naman. Lagi na kaming magkasama. Kung hindi ko siguro naiisip na broken hearted s'ya kay Iea ay matutuwa pa ako. Nilingon ko si Erin at inirapan. 

"Nagkataon lang." Malamig kong sinabi.

"Ha?" Erin laughed. "Nagkataon lang na inaaya ka n'ya tapos pumapayag ka kaagad?" Humalakhak s'ya, halatang iniinsulto ako.

I glared at her. Kung paanong alam n'ya na lagi kaming magkasama ni Sage ay hindi ko na rin alam. Erin has tons of connections. Lahat ata ng galaw ko ay malalaman n'ya.

"You freaking spy." I said in gritted teeth. She shrugged and laughed. "Bakit ikaw at si Rage? Lagi rin naman kayong magkasama ah?"

Nawala ang ngiti nya. I smirked. So something, indeed, is happening between both of them. I shrugged. I can't believe it. I honestly don't mean any harm sa tuwing itinutulak ko si Rage sa kan'ya. Kawawa naman si Aron if ever. I shrugged again. Whatever. It's not my business anyway.

"He's a friend, Zarin." Irap ni Erin at napatawa ako. Ngayon, s'ya naman ang nagsusungit.

"Okay." Masaya kong sinabi pero mukhang 'di 'yon nagustuhan ni Erin dahil mas dumilim ang tingin n'ya sa akin. "What? I said 'okay'!" I laughed at mas napatawa pa nang batuhin ako nito ng damit.

"Stop asking me or giving me a hint that you think I'm two-timing because I'm not!" Irap n'ya at galit na ang boses at tono.

"I can't help it." I chuckled. 

"Ang gawin mo, maghanda ka na mamaya dahil kina Tita Lary tayo magdi-dinner!" She rolled her eyes.

Napakunot ang noo ko. "Bakit?" Takang tanong ko.

"Tinatanong pa ba 'yan?" Irap n'ya pero nakangisi.

Katulad ng sinabi ni Erin, doon nga kami magdi-dinner. Malamang ay nandoon din si Tito Paul at si Iea. Kinakabahan talaga ako kapag may gathering na magsasama-sama ang apat; Tita, Tito, Sage, and Iea. I don't like the idea of it. Pero wala naman akong magagawa.

I just don't know what I'd feel if everything goes bad. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nakita kong nawasak sina Mommy dahil sa pagkakasira ng kanilang matagal na iningatang pagkakaibigan, dahil sa nakikita ko, sa dalawang kahahantungan ng problemang ito, pare-parehas lang silang masasaktan.

I was watching Iea nang nandoon na kaming lahat. Of course, the oldies are oblivious. Kami lang naman ang nakakaalam. 

Kaming tatlo lang nina Erin at Iea ang natira sa sala pero hindi kami nag-uusap. I looked at Iea and I saw that she's wearing a simple mustard buttondown dress. Mahilig talaga si Iea sa mga dresses magmula pa no'ng mga bata pa kami. She wears conservative clothes, unlike me and Erin.

Erin is currently wearing a loose gray long-sleeved midriff at sa ilalim ay may suot na black tube. Sa pang-ibaba ay nakasuot s'ya ng high waisted boyfriend jeans at isang pares ng white sneakers.

I had a black bralette worn under a brown cropped button-down cardigan na may malalim na neckline kaya kita pa ang bralette. Sa pang-ibaba ay nagsuot ako ng maong na high-waisted shorts that I secured with a black belt.

Will You Ever Know? (Bad Girls Series #1)Where stories live. Discover now