Chapter 14
Hindi rin kami natuloy sa theme park dahil alas dose pa iyon magbubukas at alas diyes pa lang ngayon, kaya sa mall na muna kami dumiretso ni Sage.
Nakasunod lang s'ya sa akin habang lumilibot ako sa mga boutique at namimili ng mga damit.
Hindi man halata, pero marami nang nagkagusto sa kanya. Iyon nga lang, kapag nalalaman ang kanyang personality ay nagba-backdown ang mga babae. I can't blame them. Sage is just so... clumsy. Ang gusto ng mga babae ay iyong pinoprotektahan sila, hindi iyong mas Maria Clara pa sa kanila.
Ngayong nasa mall kami at hindi s'ya kilala ng mga tao personally, napapansin ko ang ilang napapalingon sa kan'ya kahit na kasama n'ya naman ako at sabay kaming naglalakad. I pursed my lips and looked at Sage.
Hindi n'ya na suot ang thick-rimmed glasses n'ya. I see him wear something else sometimes. 'Yung manipis ang rim at mas sabay sa uso. Pero ngayong araw ay wala s'yang suot na salamin.
Napatingin sa akin si Sage nang mapansin n'ya na nakatingin ako sa kan'ya. He smiled warmly at me at seryoso ko lang s'yang tiningnan bago inalis sa kan'ya ang atensyon ko.
Pumasok ako sa isang boutique na alam kong magaganda ang styles. I heard Erin talk about this boutique a lot kaya doon ko napiling mamili. Kuryoso namang nakikitingin si Sage sa mga tinitingnan ko pero hindi ko na s'ya pinansin pa.
The boutique is actually nice. Ang hindi ko nagustuhan ay ang mga sales lady na panay ang bulungan at lingunan kay Sage.
Kunot-noo kong tiningnan si Sage at naabutan ko ang inosente n'yang tingin sa akin, nagtataka kung bakit ko s'ya nilingon.
"B-Bakit?" Kabado n'yang tanong at tumitig sa akin.
I glared at him and rolled my eyes.
Imbis na mabuwisit pa ay hindi ko na lang pinansin ang mga tinginan ng sales lady. Kapag may tanong ako ay handa namang naka-antabay ang isang sales man sa akin. Sinukat ko ang anim na damit at nagustuhan kaya agad akong lumabas ng fitting room para bayaran ang lahat sa counter pero natigilan ako nang makita si Sage na naghihintay pala sa akin.
Napatayo s'ya nang tuwid nang lumabas ako at pinagmasdan ang soot ko. Then he frowned and looked at me with confusion.
"T-Tapos ka na?" He asked.
I frowned at him. "Obvious ba?" Irap ko at dumiretso na sa counter.
Dahil may nauna nang nagbayad ay naghintay muna ako. Nilingon ko si Sage at naabutan ko ang tingin n'ya sa counter, nakanguso at malalim ang iniisip.
"If you want to buy something, bumili ka na." I said.
Napatingin sa akin si Sage. Napatitig s'ya nang ilang sandali bago umiling at ngumiti sa'kin. Umirap lang ako at binalingan na ang cashier.
Nang mabayaran ko na ang lahat ay inabot na sa akin ng cashier ang paper bag pero mabilis na kinuha ni Sage 'yon.
I frowned at him and he smiled at me.
"Ako na." Sinubukan kong kuhanin ang paper bag habang palabas kami ng boutique pero iniwas ni Sage 'yon kaya hindi ko nakuha.
BINABASA MO ANG
Will You Ever Know? (Bad Girls Series #1)
ChickLitBad Girl Series #1: Zarin Dela Costa Madalas nating itinatago ang totoo lalo na pagdating sa mga bagay na nararamdaman natin dahil takot tayo sa kung ano ang magiging sagot ng iba lalo na ng taong pinag-aalayan natin nito. Zarin Dela Costa has alway...