Chapter 18

9.5K 373 42
                                    

Chapter 18

Kahit na ang daming tanong na bumubuhos sa utak ko, hindi ko naman magawang tanungin si Sage na nasa harap ko ngayon at mukhang may malalim na iniisip. Paniguradong guilty s'ya sa mga sinabi n'ya. Malamang ay nasaktan si Iea sa sinabi n'ya rito na ni ako ay hindi ko mapaniwalaan. 

"A-Ayaw mo pa bang umuwi?" Bigla n'yang tanong matapos ang ilang sandali, contrary sa construction ng words n'ya, ang boses at ekspresiyon n'ya ay parang umaasang sumagot ako ng "Ayaw ko pa."

Hindi ko pa rin alam kung matutuwa ako na sinagot n'ya ang tawag ni Iea sa harap ko o hindi. Dahil ngayon ay hindi ako makapag-isip nang maayos at ni hindi ko nga makalkula ang bawat ginagawa ko.

Nang hindi ako sumagot ay napahawak si Sage sa batok n'ya, nililingon ang relo para maka-iwas ng tingin mula sa paninitig ko.

"May alam kasi akong lugar na gustong-gusto ko. K-Kaso, mamayang gabi pa 'yon." He said, hesitating a bit.

Itinabi ko muna ang isipin ko tungkol kay Iea kahit alam kong mahihirapan akong gawin 'yon at binigyang pansin ang ngayon. Mamaya na ang mga tanong. If he doesn't want to tell it, then I won't force him. Ayaw ko ring tanungin dahil baka isipin n'yang nangingielam ako.

Tumango ako at hinawakan ang cup ko ng orange juice. 

"Then let's go somewhere else first." Hindi ko nakilala ang mahinang boses kong 'yon kaya napangiwi ako.

"Saan mo gustong pumunta?" He asked.

"Mall." Kaagad kong sinabi.

Tumango si Sage at tumayo na kasabay ko. Napansin kong napalingon sa amin ang kabilang table na puno ng grupo ng college students tulad namin na nakasuot ng uniform ng St. Agatha University. They were looking at Sage. Kumulo kaagad ang dugo ko. College na pero kung manitig ay mukha namang mga Grade 7 students! Nang mapatingin sa akin ang isa ay kaagad ko itong inirapan. Narinig ko ang pagsinghap nila pero hindi ko na sila pinansin pa.

Dahil tapos na rin naman ang school hours ay nakapasok kami sa mall. Naglibot ako sa ilang mga boutique at bumili ng ilang mga damit at ilang mga sapatos. Ino-obserbahan ko kung maayos ba si Sage at kung hindi ba s'ya naiinip sa ginagawa ko pero mukhang wala naman s'yang angal.

Sa katunayan nga, nang lingunin ko s'ya at magtama ang mga mata naming dalawa ay ngumiti pa s'ya sa'kin.

Panay ang tingin ko ng mga damit. Nang makapili ay pumasok ako sa dressing room at nagsukat bago tumingin sa large mirror. Napanguso ako at naisip si Sage. Bored na kaya ang isang 'yon? I wonder if gusto n'ya talaga akong samahan o nakokompromiso lang s'ya?

I went outside and looked for Sage, naabutan ko s'yang nililibot ang tingin sa mga damit pero naka-upo lang naman sa tapat ng fitting room, hinihintay ako.

"Sage," I called. Inayos ko ang dress at kaswal na tumingin sa kanya. "Ano sa tingin mo?"

Napalingon s'ya sa akin. "Ha?"

It was a plain white off-shoulder swing type casual dress. Hindi ako mahilig sa mga ganito pero nang makita ko 'to kanina... I thought Sage would like it so... I sighed.

"Bagay?" I patiently asked.

Tiningnan n'ya ang damit at kumunot ang noo ko kasi para akong nakaramdam ng hiya. Bakit pa kasi ako nagtanong? I can choose whatever I like!

Will You Ever Know? (Bad Girls Series #1)Where stories live. Discover now