C56: Pillar's Trap

83.2K 2.2K 421
                                    

 

"There was a little girl,
When she was good, she was very, very good.
But when she was bad, she was horrid."
 
― Jun Mochizuki

--------------------------------------------x

SAPPHIRE'S POV


HAWAK-HAWAK KO ANG KAMAY ni Raphael habang nakahiga siya sa hospital bed. Si Blake ay nagamot na rin, pati rin si Kuya Andy pati rin si Abigail na nasa upuan sa kwarto at tulog. Nasa ibang kwarto si Blake at si Kuya Andy naman ay mukhang umalis pagkatapos na magamot agad. Hindi namin alam kung saan siya nagpunta.

Sa tuwing iniisip ko ang mga nangyari kagabi, hindi ko talaga akalain na makakalabas pa ako nang buhay. Pakiramdam ko'y mamamatay na talaga ako 'nun pero dahil kay Raphael, naging ligtas ako. Pumikit ako nang mariin habang hinigpitan ko rin ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Wala siyang malay pero stable na raw ang kondisyon niya.

Nakatakbo kami 'nun. Medyo mahaba rin yung kagubatan na tinakbo namin hanggang sa nakarating kami sa kabilang highway. Sobra na kaming natataranta 'nun pero lubos kaming nagpapasalamat noong may nagsakay sa amin. Hindi namin alam kung ano ang mangyayari sa amin 'nun kung hindi kami tinulungan ng isang babae na nagda-drive lang pauwi ng bahay niya. Sinugod niya kami sa pinakamalapit na ospital na sa totoo lang ay malayo rin naman kung tititgnan.

Napakaraming reporters sa labas ng ospital. Balitang-balita ang napakalaking trahedya na nangyari kagabi. Sa ilang oras na iyon, napakaraming namatay. Nabalitaan ko rin na may sumabog nga raw na bomba. Nasunog ang halos kalahati ng pinangyarihan ng lahat.

Pero hindi pa rin bumabalik si Luna at Spade.

Nasaan na sila?

Nakatakas kaya sila?

Paano kung ... hindi?

"Sapphire."

Napalingon ako nang pumasok ang Mommy ko. Agad ko siyang niyakap at lahat ng emosyon na tinatago ko ay nailabas kong lahat.

Umiyak ako nang umiyak.

"Anak, sorry. Hinding-hindi ko na hahayaan na ang Daddy mo ang magdidikta ng lahat. Isa siya sa dahilan ng mga nangyari na iyan sa Laketon Academy. Sana mapatawad mo siya, anak."

Wala akong sinabi, basta lang akong umiyak. Nang nakita ko si Mommy, para pa rin akong bata na palaging nawawala. Ako pa rin yung Sapphire na laging niloloko ng lahat, ang dating Sapphire na walang alam sa ilang bahagi ng nakaraan, ng mga nagawa kong mali. Ako pa rin iyong Sapphire na 'yon pero ngayon, mas sigurado ako na alam ko na ang lahat. Alam ko na ang mga nangyari, gising ako sa katotohanan at malinaw kong nakikita kung ano ng kasalukuyan.

Madaming tanong si Mommy ngunit kahit isa doon ay wala kong nasagot nang matino. Ayaw kong pag-usapan ang lahat ng nangyari. Sa tuwing naalala ko ang mga bangkay, ang dugo ... ang lahat, pakiramdam ko'y nanginginig na naman ang buong katawan ko at napupuno na naman ang pag-iisip ko ng mga nakakatakot na bagay.

Ilang oras ang nakalipas at umalis si Mommy. Nagising na rin si Abigail at sa unang pagkakataon, napakarami naming napag-usapan. Ni hindi kami naubusan. Ngayon ko lang napansin na maayos pala talagang pakisamahan si Abigail.

Sadyang hindi lang siguro kami magkasundo noon.

"Alam mo, ang school year na 'to ang pinakamatindi sa lahat. Dito natin nalaman kung para ba talaga saan ang section C. Kung ano nga ba talaga ang Laketon Academy. Dito lang natin nalaman kung ano ba ang maaring bunga ng lahat ng ginawa natin sa mga tao sa paligid. At gusto kong humingi ng patawad sa'yo Sapphire. Sorry sa lahat ng nagawa ko sa'yo noon."

Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon