C22: Judas' kiss

143K 2.2K 863
                                    


"An open enemy is better than a false friend"—Greek proverb


--------------------------------------------x

LUNA'S POV


SUMILIP ako sa gilid ng isang bookshelf upang mas makita at marinig sila Sapphire, Katherine at yung Blake na yun. 6: 30 am palang at hindi ko alam kung bakit ganitong kaaga sila mag-usap. Nagkataon lang na pumasok ako nang mas maaga upang hanapin muli ang pulang libro dito sa lumang library.  Nagbabaka-sakali na makalusot ngayon sa bagong librarian sa oras na ito.


Una kong nadatnan si Blake na tahimik na nagbabasa. May lumapit sa kanya na isang babae na narinig kong tinatawag niya 'Sam' ngunit umalis rin ito pagkatapos niyang ibigay ang isang folder dun sa Blake. Ilang minuto ang nakaraan at napatingin muli ako sa kinauupuan niya ng dumating naman si Sapphire at Katherine. Doon na ko nagtago at nagmatyag sa mga kilos nila.


Maari kayang konektado pa rin ito sa librong nakuha niya?

O

Iba pa?


Mas inilapit ko pa ang mukha ko upang mas marinig ang pag-uusap nilang tatlo. Nakakapagtaka talaga. Kailangan pa talaga nilang mag-usap ng ganitong kaaga?


Nanliliit ang mga mata ko habang mas iniintindi ko ang mga sinasabi nila. Minsan kasi humihina ang mga boses nila at kung minsan naman ay lalakas, sapat na lakas upang marinig dito sa kinatatayuan ko.  Ilang pangungusap lang ang medyo naintindihan ko ngunit hindi ko sigurado kung tama nga ba ang pagkakarinig ko. Nakakainis. Gusto kong malaman. Gusto kong marinig ang buo nilang pag-uusap. Parang  nagsasayang lang ako ng oras sa mga taong ito. Nakakaleche pero malakas talaga ang kutob ko na may mapapala rin ako sa ginagawa ko ngayon.


Gagalaw pa sana akong paabante ngunit sa paggalaw ko nang kaunti ay naglaglag ang nasa tabi kong mga libro. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at umatras ako upang maiwasan ang pagkakita nila sa akin. Hindi ko na pinulot ang libro at hinayaan na lamang ito sa pagkakabagsak. Sa tingin ko naman ay hindi sila nagtaka kaya narinig ko pa rin ang mga mahihina nilang boses.


Ilang minuto ang nakaraan at bumalik ako sa posisyon ko kanina at sumilip ulit sa kanila. Ngayon naman ay may dumagdag na isang babae. Nakatayo ang babae na may kahabaan ang itim niyang buhok, medyo maliit siya at suot niya ang uniform ng Laketon Academy katulad naming lahat.


Nakayuko siya sa harap nung Blake habang sila Sapphire at Katherine naman ay nakatingin lang sa babae na para bang hinihintay siya na magsalita.


"K-Kuya Blake, ako po si Jannine Ilagan, galing sa class 2-C. Gusto ko lang po sanang ibigay sa inyo i-ito." Sabay abot ang kanina pa niyang hawak sa likuran niya na isang papel. Lumipat ako sa kabilang bookshelf na hinaharangan ng isang istanteng gawa sa kahoy ngunit may sapat na maliit na espasyo sa pagitan upang makita ko sila.


Pakiramdam ko, kailangan ko talagang marinig ang pinag-uusapan nila. Naniniwala ako sa kutob ko dahil sa napakaraming pagkakataon, palaging tama ito. Sigurado ako.


Hindi umimik si Blake at kinuha lang niya ang bigay na papel nung sophomore.


Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon