C13: Incognito.

161K 2.5K 487
                                    


"Because sometimes people who seem good end up being not as good as you might have hoped." Jonathan Safran Foer (from Extremely Loud and Incredibly Close)


--------------------------------------------x

AUSTIN'S POV

 

"AYOS ka lang ba talaga?" ilang ulit na tanong ko kay Aislinn habang hawak hawak ang dalawa niyang kamay. "Oo naman Austin. Ako pa?" nakangiti niyang sinabi. Kahit kailan talaga, napakaganda ng anghel ko. Kaya nga hindi ako mapakali kanina nang biglaan siyang nahilo at nahimatay. Pakiramdam ko'y bigla na lang gumalaw ang buo kong katawan nang itinakbo ko si Aislinn dito sa clinic.

"Wag kang mag-alala, wala naman siyang sakit." Napalingon ako kay nurse Tin nang nagsalita siya. Napatingin siya kay Aislinn saka muling nagsalita. "Napagod lang siguro siya." Tumango naman ako saka tumayo.  Medyo kakaiba lang siya ngayon. Hindi ako sanay na matamlay na parang may bumabagabag kay nurse Tin. "Kailangan lang niya ng pahinga." Dagdag pa ni nurse Tin.

"Ihahatid na lang kita mamaya ah?" sabi ko ng humarap ako kay Aislinn. Umiling siya habang nakangiti. Mukhang alam ko na ang susunod niyang sasabihin.

"Susunduin ako ni dad." Wala na akong nagawa kundi tumango na lang. Ganyan naman talaga. "Nasan na nga pala sila Sapphire?" tanong sa akin ni Aislinn. Bahagya siyang umupo sa kama at inaayos ang laman ng bag niya. Uuwi na na talaga siya. "Bumalik sila sa klase." Matipid kong sagot.

Nakarinig kami ng ilang katok sa pinto. Dali-dali naman akong tumayo upang buksan ito. Hanggang sa bumungad sa akin ang tatay ni Aislinn na naka-formal na suot na paniguradong galing sa trabaho at medyo basa siguro dahil sa malakas na ulan sa labas. Siya na naman.

"Anong nanyari?" tanong niya kay nurse Tin.

Umalis na ako sa clinic. Hindi naman ako kailangan doon. Si Aislinn... hindi ko alam kung anong manyayari kung hahayaan ko lang na manyari ang ganito. Wala lang ako para kay Aislinn. Isang batang lalaki na walang ibang ginawa kundi sumunod sa kanya. Isang batang lalaki na kahit hindi niya bigyan ng pansin ay hindi pa rin magsasawa't susuko.

 Ganito nga siguro ako katanga.

Tumingin ako sa labas kung saan malakas ang ulan at mas lalo pa itong lumalakas. Naglakad pa ako paabante papunta sa hagdanan upang bumalik sa klase. Napatigil ako nang nakita ko si Cyrus na tumatakbo pababa ng hagdanan. Huminto siya sa harap ko at sandaling hinabol ang hininga.

"Pre." Pamungad siya sa akin habang hingal na hingal pa rin. Hinintay ko ang muli niyang pagsasalita. "Patay na si Harvey." Hindi ko maipaliwanag ang pagkagulat sa mga mata ni Cyrus habang sinasabi niya sa akin ang masamang balita.

"T-Totoo ba yan?" tanong ko sa kanya. Tumango lamang siya.

"Pre, sabi ko na nga ba eh. Hindi dapat natin iniwan si Harvey dun!" niyugyog niya ang balikat ko habang sumisigaw. "Kasalanan din natin pre. Ano ba naman yung ginawa natin? Iniwan natin sa ere si Harvey!" muli niyang pagsigaw.

Tama kasalanan namin ... kasalanan ko.

"Tangina pre! Namatay si Harvey dahil sa atin!" muli pang sigaw ni Cyrus.

"Pre, ano ka ba ha? Kung hindi natin iniwan si Harvey. Patay tayong tatlo!" tugon ko pagkatapos kong mag-isip. Hindi ko alam kung tama ba ang pinagsasabi ko para lang tumigil siya sa pagsigaw niya. Gago talaga to. Tama nga, kasalanan namin at mas lalong kasalanan ko pero kahit anong gawin niya kung patay na si Harvey. Edi patay.

Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon