C18: Missing.

140K 2.3K 778
                                    



"Everyone is a moon, and has a dark side which he never shows to anybody."  — Mark Twain

 

--------------------------------------------x

CYRUS' POV

ISINABIT ko ang dala kong bag sa likod ko at tinignan nang masama ang first year na nasa harapan ko. Napangisi ako ng napansin ko ang panginginig niya sa takot. Wala naman siyang magagawa eh baka basagin ko ang bungo niya pag pumalag siya.

"Mag-isa lang ako rito oh, ba't ka nanginginig diyan?" lumapit pa ako sa kanya at pinitik ang noo niya nang malakas. "Mukha kang tanga." Muntik pa siyang matumba. Napakalampa talaga tong kupal na to. Yumuko siya at tinignan ang damuhan na para bang dadamayan siya nito. Psh.

"K-Kuya Cy—"

"Wag mo kong tawaging kuya, kupal ka." Mas lalo siyang hindi nakatingin sa akin at balak atang makipagtitigan sa damuhan na nasa ilalim niya. "San mo nakuha ang balitang nagpalaglag si Aislinn ng anak at nagtangkang magpakamatay? Pati na rin ang relasyon nila ng tatay niya? Ha?!"  Lumipas ang ilang minuto at tahimik pa rin ang gago. Nanggigigil kong inihampas sa gilid ng ulo niya ang bag na dala ko. "Tangina sumagot ka! Kupal ka na nga, nagpapakakupal ka pa!"  

Babangasan ko tong lampa na to eh!

Kung may matino siyang pag-uutak, hindi niya pagkakalat ang mga iyon. Ngayon, pati si Phire, apektado na. Hindi ko hahayaan na may manggulo sa amin. Kahit marami ng tao ang nakapaligid sa amin ay hinatak ko pa siya nang marahas sa kuwelyo. Mas mabuti na matuto siya para di na umulit pa.

Madami akong naririnig na bulungan sa paligid na mas kinaiinis ko.

"Putangina! Tumahimik kayo!" sigaw ko sabay lingon sa mga usisero't usisera. Nagsialisan ang karamihan. Wala akong pake, basta, tuturuan ko ng leksyon tong kupal na nasa harapan ko. Kung sino man ang nagsabi sa kanya... malalagot talaga sa akin nang mainam.

"A-Ano kasi.. nalama k-ko kasi—" nagsimula siyang magsalita na pinutol ko naman dahil sa sigaw ko.

"Deretsahin mo ko. Ayaw ko ng paligoy-ligoy pa. Sabihin mo ang pangalan. Kupal ka talaga!" mahigpit ko siyang hinawakan sa braso. Naiinip na talaga ako sa lalaking to. Inuubos ang pasensiya ko. Hindi ako magdadalawang-isip na bugbugin to eh kahit na nasa school kami.

Paki ko ba? Isama ko pa sila eh.

"K-Kaklase nyo po... si ano... si a-ano.." nayuko pa siya bago niya sabihin ang pangalan. "Si A-Ate Abigail po."

"Tss." Binitawan ko si kupal. Natumba siya sa  dahil sa ginawa ko. Saka ko kinuha ang bag niya na kanina pang nasa gilid ko at binato sa kanya. "Kalalaki mong tao, ang tsismoso mo." Tinulak ko ang ilang second year at fourth year na nasa daanan ko.

Mga nakaharang, akala mo naman mga kung sino.

Nang nakadaan na ako ay dumiretso na ko sa high school building. Maaga pa naman, wala pang klase.  Tinapos ko lang ang bagay na dapat ng matapos, masyado ng nababagabag si Phire. Kalat na kalat na sa buong school ang tungkol kay Aislinn. Ako nga, kahapon ko lang nalaman eh tapos ngayon madaming mga kupal na basta-basta na lang magsasalita tungkol kay Aislinn, tungkol sa matalik na kaibigan si Phire. 

Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon