C17. Lifeless (part 2)

129K 2.8K 579
                                    


"Everything... affects everything." —Jay Asher, Thirteen Reasons Why.

 

--------------------------------------------x

AISLINN'S POV 

SINARADO ni daddy ang pintuan ng kwarto ngunit hindi niya ito ini-lock. Pinagmasdan ko lang siya habang naglalakad papasok sa kwarto. Hindi ko maipaliwanag ang nakikita ko sa mukha niya. Parang... galit siya. Huwag naman sana. Hindi ko kaya na pati si daddy ay magalit sa akin.

"Daddy..." pag-ulit ko ngunit umupo lang siya sa mahabang upuan sa gilid kung nasaan ang unan na siguro'y ginamit ni mommy. Ginulo-gulo niya ang buhok niya na para bang inis na inis. Iniyuko niya ang ulo niya habang nakahawak sa taas nito. "Daddy... galit ka rin ba sa akin?" mahina kong sinabi sa kanya.

Ngunit hindi ko inaasahan ang sunod na ginawa niya.

Kinuha niya ang unan at mabilis na pumunta sa harapan ko upang itulak ako pahiga. Pilit akong nagpumiglas nang pinantakip niya sa mukha ko ang malaking unan na iyon. Pakiramdam ko'y nawawalan na ko ng hininga hanggang sa mas diniinan pa niya ang pagtakip sa mukha ko. Pilit kong itinataas ang dalawa kong kamay at halos kalmutin ko na ang braso niya ngunit habang tumatagal, mas lalong nawawalan ng enerhiya ang katawan ko upang lumaban man lang.

Pina—pinapatay ako ni daddy... 

"Mamatay ka na! Mamatay ka na! Kasalanan mo ang lahat ng ito! Walangya kang bata ka! Sabi ko sayo na hindi ko kayang mawala si Jane sa akin! Dahil sayo... dahil sayo... hihiwalayan ako ng asawa ko!" paulit-ulit niyang pagsigaw habang nagpupumilit pa rin akong makawala ngunit sadyang malakas si daddy. "Mamatay ka na! Dapat lang sayo ang mamatay!" sigaw niya muli.

Tama siya. Dapat lang. Wala nang mas sasama pa sa akin. Ngunit hindi ko rin naman ginusto na malaman ni mama. Siguro'y talagang tadhana na ang nagtakda. Kung mamatay man ako ngayon, gusto ko'y maging mabuti ito para sa lahat.

Sa mga kaibigan ko na palaging nag-aalala sa akin.

Sa anak na pinatay ko.

Sa nanay ko na nasaktan ko.

Kung sakali man. Kung ngayon man ako mamatay.

"Gago kang matanda ka ah!" 

Boses ni... Austin.

 Naramdaman ko na lamang ang pagkaalis ng unan sa mukha ko. Awtomatiko akong napaupo at hinabol ang hininga ko. Hawak hawak ko ang leeg ko dahil sa labis na paghinga. Parang napakabilis ng nanyari.

Akala ko talaga... mamatay na ako.

Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko si Austin na sinusuntok si daddy. Hindi ako makapagsalita kahit na anong gawin ko. Natulala ako at tila ba'y hindi rin makagalaw.Saka ko nakita si Sapphire na patakbong pumupunta sa akin habang may hawak na baso ng tubig. Agad ko naman itong kinuha at ininom. 

Lumipas ang ilang minuto at patuloy pa rin ang pagsuntok ni Austin kay daddy. Ilang beses siyang pinigilan ni Sapphire ngunit hindi siya natitigil... parang wala siyang naririnig. Dahan-dahan kong binuka ang bibig ko at pilit na binuo ang bawat salita na lumalabas sa bibig ko. "A-Austin... tama n-na." Sa pagkakasabi ko nun ay tumigil sa ere ang kamao na sana'y dadapo sa mukha ng daddy ko. Tumingin sa akin nang masama si Austin at muling binaling ang atensyon kay daddy. Hinawakan niya ito sa kuwelyo at dinuraan sa mukha.

Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon