C53: Friends do kill

83.4K 2.1K 723
                                    

 

"It's not your enemies who are likeliest to hurt you. It is, always, those you trust."― Rachel Caine, Bitter Blood

--------------------------------------------x

RAPHAEL'S POV


NATIGILAN AKO NANG NAKITA KO SI SAPPHIRE na nakaupo lamang doon. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Tama nga ba ang naiisip ko? Siya na ba talaga?

Naramdaman ko ang pagtulak sakin papasok ni Austin. Narinig ko ang malakas na pagsarado ng pintuan. Tinapatan ko ng ilaw si Sapphire at may kung anong mali sa eksrepsyon ng mukha niya. Parang may may tinuturo siya gamit ang mga mata niya sa gilid ng kwarto. Saka ko naman tinapatan ang tinuturo niya.

Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong flashlight dahil sa gulat.

"Ngayon, alam mo na kung sino ang traydor," narinig kong bulong ni Austin.

"Kamusta na, Raphael? Tagal na nating di nagkita ah?" nandun pa rin yung ngiti niya na matamis. Yung ngiti sa tuwing binabati niya ako sa school. Yung ngiti sa tuwing lunch habang nagkwekwentuhan kami-kaming grupo nila Sapphire.

Si Aislinn.

"Aislinn..." bulong ko habang tinitignan ko na papalapit siya sa kay Austin. Hinawakan ni Austin ang kamay niya at ang sunod kong ginawa ay ang lumapit kay Sapphire. Tumayo siya sa kinauupuan niya at tumabi sa akin.

"Anong nangyari?" mahina kong tanong sa kanya.

Bumuntong-hininga siya bago sumagot, "Mahabang kwento."

Napatingin na lang ako kay Aislinn habang papunta siya sa gilid at ilang sandali ay hinawi niya ang kurtina ng malaking bintana roon. At ilang iglap, nagkaroon na ng liwanag sa kinalalagyan namin ngunit mahigpit ko pa ring hawak ang flashlight.

Katahimikan ang nangibabaw sa aming apat.

Ilang sandali ay lumapit muli si Aislinn kay Austin. Pinanood ko lang siya habang kinukuha kay Austin ang isang kutsilyo. Nakangisi na humarap sa amin si Austin habang si Aislinn ay nasa likuran niya at nakatingin rin sa amin.

"Kamusta Mr. Class President? Akala nyo kakampi nyo si Aislinn ano? Akala nyo kakampi siya ni Clyde at Sapphire pero—" natigil ang pagsasalita niya at tanging dugo ang nakita kong lumabas mula sa bibig niya. Lumingon siya kay Aislinn na ang kamay ay mahigpit pa ring nakahawak sa kutsilyo na nakasaksak sa malapit sa puso at maaring deretso sa lungs niya na naging dahilan ng paglabas ng dugo sa bibig niya.

Saka ko naalala si Sapphire. Napabitaw ako sa hawak kong flashlight at humarap sa kanya. Hinawakan siya sa magkabilang balikat. Sobra-sobra ang panginginig niya. Malalim din at sunod-sunod ang paghinga niya. Sinandal ko ang ulo niya sa may dibdib ko at hinagod-hagod ang likuran niya. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Nakuha muli ni Aislinn ang atensyon ko nang nilaliman niya ang pagsaksak kay Austin at kasabay 'nun ay mas madaming dugo pa ang lumabas mula sa bibig niya.

"Ganito mo ako kamahal di ba, Austin?" ang sinabi ni Aislinn bago tuluyang bumagsak sa sahig ang katawan ni Austin.

Mas lalong nanginig si Sapphire. Niyakap ko siya at bumulong ako sa tainga niya, "Kontrolin mo ang pag-iisip mo Sapphire. Pakalmahin mo ang sarili mo."

Muli akong tumingin kay Aislinn.

Kinakabahan ako. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam ang nangyayari. Sa pagkakaalam ko, kakampi namin si Aislinn. Na siya ang kokontrol kay Austin para maisakatuparan ang plano. Ngunit ano to? Noong una, ang sabi ni Austin ay traydor siya at sa isang iglap, pinatay niya sa harapan namin si Austin—ano ba talaga ang pakay ni Aislinn? Tapos ito, dumagdag pa ang takot ni Sapphire sa dugo.

Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon