C30: The catastrophe of life.

133K 2.3K 567
                                    



"The fear of death follows from the fear of life. A man who lives fully is prepared to die at any time." Mark Twain


--------------------------------------------x

KATHERINE'S POV


HINDI ko akalain na mapupunta ako sa sitwasyon na ito. Nagtiwala lang naman ako kay Austin. Akala ko, makukuha ko na ang gusto ko kapag ginawa ko ang gusto niya pero bakit ... niloko lang niya ako? Ang tangi ko lang naman na gusto ay makitang patay si Sapphire. Ang mapatay siya mismo sa harapan ko, ang makita siyang walang kalaban-laban habang inaalala ko lahat ng ginawa niya sa akin.


Tinuturing ko siyang kaibigan. Pinoprotektahan ko siya—kahit hanggang ngayon—ganun pa rin ang nadarama ko pero hindi naman siguro masama kung iisipin ko na mas magandang hindi na lang siya mabuhay diba? Mas mabuti kung mamatay na lang siya. Siya naman ang dahilan ng lahat ng ito. Ang sikreto niya ... ang sikreto ng klase, naungkat na. Ano pa bang saysay na pagprotekta sa kanya?

 

Para sa akin, hindi na importante ang buhay niya.


Itinali nila ulit ang mga kamay at paa ko ngunit hindi na nila nilagyan ng busal ang bibig ko. Para saan pa nga ba diba? Kilala ko ang dalawang tao na nasa gilid ko kani-kanina lang. Si Miaka at siya. Hindi na ko nagtaka kung ba't siya nandito at hindi na rin ako nagtaka kung bakit kumulo ang dugo ko noong nakita ko siya. Hindi dahil sa killer siya kung hindi dahil mismo sa kanya.


Biglang nawala lahat ng takot na nadarama ko, galit ang pumalit dito. Napatingin ako sa bintana kung saan ginamit na pantakas nila Cyrus. Nakaligtas kaya sila? Matutupad kaya ang sinabi ni Cyrus na papapuntahin niya ang mga pulis dito?


Sana nga.


Napunta ako sa kalagayan na to dahil sa mismong katangahan ko. Tama din na nagpaiwan na lang ako kaysa sa pare-pareho kaming mamatay dito nang walang laban. Kasalanan ko rin naman kung bakit nakuha si Paula at si Cyrus. Naging tau-tauhan ako ni Austin. At ngayon, alam kong kasama sa grupo niya ang nilalang na iyon. Nakakainis. Ginawan ko pa sila ng pabor.


"Kamusta na Katherine?" narinig kong tanong ni Miaka habang papunta sa akin n may hawak hawak na itim na pusa sa mga bisig niya. "Miss ka na ni Hanako. Pati na rin lahat ng ginawa nyo nila Sapphire sa kanya. Sa sobrang miss niya sa inyo, maari na siyang kumuha ng kutsilyo at saksakin kayo sa likuran habang binibigyan niya kayo ng isang mahigpit na yakap."


"B—Buhay pa si H—Hanako?" tanong ko sa kanya.


"Oo naman. Ilang beses niya nga akong nginitian eh." Tugon ni Miaka habang malapad ang ngiti. Pinakawalan niya ang pusang hawak niya na agad namang lumapit sa akin at pinagdidilaan ang paa ko. "Mukhang gusto ka ni Kuro. Mukhang ... gusto ka niyang mamatay." Agad kong nasipa ang pusa at kita kong nasaktan ito at tumakbo palayo. Hindi nagalit si Miaka bagkus ay narinig ko pa siyang tumawa. "Nakakatuwa ka talaga Katherine, anong pakiramdam ngayon? Wala ka na sa likod ng anino ni Sapphire. Nag-iisa ka na lang ngayon. Ay oo nga pala ano? Balak mo nga palang kalabanin si Sapphire. Balita ko, gusto mo siyang mamatay? Patawad Katherine..." Lumapit siya sa akin. Ramdam ko ang ilang hibla ng buhok niya sa tainga ko kasabay ng pagbulong niya rito. "Pero mukhang ikaw ang mauuna." 

Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon